image
image
image

EPILOGUE

image

Naging magkaibigan din kami ni Yukiko na ngayo’y tinatawag ko nang Yuki-chan. Sa tuwing nagbabakasyon ito sa Japan ay nagba-bonding kaming apat. Kaming dalawa ni Ryu at sila ni Hayato.  Dahil sa aming tatlo, napadalas ang pagbisita niya. Katunayan, umuuwi siya sa Osaka once a month lalung-lalo na kapag may malaking gig ang banda nila Ryu. Ngayon nga’y kasama ko siya sa Starbucks sa Hep Five na nasa unahan ng Hankyu Umeda Station. Nagpapalipas-oras kami habang naghihintay sa pagsisimula ng mini-concert ng Bandage sa Sam and Dave Club.

Natawa si Yuki-chan nang kinuwento ko sa kanya na sobra akong nagselos sa kanila ni Ryu noon kaya hindi ako masyadong naging magiliw sa kanya noong una ko siyang nakita sa bahay. Natuwa roon si Yuki-chan. Iyon naman daw kasi ang purpose ng pagbalik niya ng Osaka. Ang pagselosin ako para mapaamin ng tunay na saloobin kay Ryu.

“Actually, noong nagkukuwento sa akin si Ryu about you, sobra talaga akong naintriga. He was never affected by a girl like he was with you. Kahit noong time na hindi pa niya inaamin sa akin na gusto ka niya, wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw. Kaya nga nagsuspetsa na ako. At first nga, I was a bit jealous. Kasi kahit noong kami pa, never naman naging ganoon ka-affected si Ryu sa akin.”

“Gano’n? Parang ang hirap paniwalaan. Feeling ko kasi noong una ay imbyernang-imbyerna siya sa akin. Nakakataba naman ng puso iyan.”

“Tapos noong napaamin ko siya na gusto ka niya, the more na ikaw na lang lagi ang napag-uusapan namin. Minsan, tatawag iyan nang madaling araw just to tell me na imbyernang-imbyerna siya sa iyo dahil sa kabaliwan mo. Tapos ang mga emails niya sa akin ay almost all about you. Kaya nga sabi ko, I have to meet you na.”

“He never talked about you. Sorry, ha?”

“Okay lang. Ganyan naman ang damuhong iyah, eh.”

“Kaya nga nabigla ako nang makita kita sa bahay that day. All along kasi I thought na wala siyang kaibigan bukod sa ka-baseball team niya at kabanda. Wala kasing pinapakisamahan masyado iyan sa school.”

“Nadala siguro. Dati kasi tatlo kami ang laging magkakasama. Si Keisuke, ako at siya. Magkakaibigan kasi ang mga tatay namin. They went to the same university. Kaya kada may okasyon, we celebrated them together. Tuwing spring, our families would either go to Arashiyama or Minami-senri Park for a hanami (picnic under a cherry blossom tree). Kaso, something happened when we were in first grade na nagpalayo ng loob ni Ryu kay Keisuke. Siya na lang ang tanungin mo. Iyon ang simula ng away nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin napa-patch up. Kahit anong gawin ko tila walang nangyayari. Pero siyempre dahil pinsan ko nga si Keisuke, kahit ganoon iyon, love ko pa rin. I hope okay lang sa iyo.”

Nagkibit-balikat ako para ipakita na wala na sa akin iyon.

“Actually nasabi na ni Ryu sa akin iyong ginawa ni Keisuke noong mga bata pa kayo. Pinagkalat daw no’n sa school n’yo na baliw ang mama ni Ryu dahil sa nasaksihan nooung nag-dinner kayo together. Inatake lang naman daw ang mama niya no’n ng sakit niyang bipolar disorder kaya parang baliw na non-stop na nagsasalita at humahagalpak ng tawa kahit wala namang katatawanan.”

“Yeah. That’s true. Pati ako no’n natakot din.”

“Pero hindi ko rin masisisi si Keisuke. Bata lang siya noon, eh. Kaya nga sinabihan ko rin si Ryu to forgive and forget na. Kaso hindi raw madali para sa kanya ang magpatawad dahil lumalim na ang sugat. Lalo pa’t inulit daw ni Keisuke ang pamamalita sa mga classmates n’yo na baliw nga ang mama niya nang mag-suicide ito noong ten years old kayo.”

Nagpasalamat si Yuki-chan dahil natanggap ko ang nakaraan ni Ryu.

“Siyempre naman. Hindi iyon big deal sa akin.”

“Anong oras na?” mayamaya’y tanong niya sa akin.

“Ay, almost six na. Shall we go?”

“Sige. Let’s go,” At binalik na namin ang tray na ginamit sa counter.

Mahaba-haba na ang pila sa labas ng Sam and Dave Club nang dumating kami ni Yuki-chan, pero dahil may special pass kami, pinapasok na kami ng dalawang bouncers. Proud kami na dinadagsa na ang mga gigs ng Bandage. Hindi kagaya noon na halos sa mga birthday o private parties lang sila kumakanta at pawang bisita lang ng host ang audience. Ang layo na ng narating nila mula ng party ni Shiho Arake sa Club Pure noon.

“’Lika muna sa back stage, Mara,” yaya ni Yuki.

Nadatnan naming nilalagyan ng eyeliner ng make up artist ang ibang mga members ng band. Si Ryu at Hayato nama’y inaayos na ang buhok. Nagkantyawan ang grupo nang dumating kami. Humalik sa pisngi ni Hayato si Yuki-chan. Kami naman ni Ryu ay nag-fist bump kagaya ng nakagawian naming dalawa. Pagkatapos naming mag-‘goodluck’ sa kanila, lumabas na kami at pumunta na sa table namin.

Ang ingay-ingay na ng audience nang bumalik kami sa table namin. Nagpalinga-linga kami sa paligid. Hindi lang naman pala puro babae ang nandoon. Marami-rami rin ang mga guys na kaedad namin. Ibig sabihin, hindi lang dahil sa ang guguwapo ng band members kaya marami silang followers kundi’y magaling talaga ang mga ito. Halos may equal number of followers kasi sila from both male and female fans.

Hindi magkamayaw ang mga manonood nang inanunsyo na ng emcee na magsisimula na ang mini-concert. Parang sasabog ang puso ko sa pride at kagalakan nang itinaas na ang kurtina at pinakilala ang Bandage. Si Ryu ang nasa gitna. Nasa likuran nito si Hayato, ang drummer nila. Una nilang kinanta ang cover nila sa popular song ng Kattun na Yuuki no Hana na inalay para sa March 10, 2011 tsunami victims sa Fukushima. As usual, si Ryu ang kumanta ng parte ni Kazuya Kamenashi. Salitan silang apat dito. Si Hayato lang ang walang part sa song. Bago nila kinanta ang sumunod na kanta, pinatahimik muna ni Ryu ang audience para sa sasabihin niya.

“This song is dedicated to the most beautiful girl in the world, my one and only love, Mara Santacruz. Thanks for coming, baby.” At kumindat pa siya sa akin. Nag-init ang pisngi ko. Lalo pa nang pagtinginan ako ng lahat ng naroroon. Narinig kong maraming nainggit sa akin. Pero sino ba naman ang hindi? Ako lang naman ang girlfriend ng guwapong band leader ng Bandage, ang isa sa sikat na local boy band sa Osaka.

Ang inalay niyang kanta sa akin ay ang Your Side. Kanta pa rin iyon ng Kattun. Napaka-espesyal ng kantang iyan dahil parang iyan ang dahilan kung bakit nabigay niya sa akin ang kanyang first guitar.

Pagkatapos ng song na iyon, bumaba si Ryu sa stage at pumunta sa akin para magbigay ng isang kakamukadkad na red rose. Nagpalakpakan naman ang crowd. Napuno ng kagalakan ang aking puso. Tawa nang tawa naman si Yuki-chan. Ang laki daw ng improvement ni Ryu. Dati raw kasi sobra siyang mahiyain when it comes to expressing his feelings kaya malaking bagay na raw iyon para sa kanya.

Ang sunod nilang kinanta ay puro original compositions na ng banda. May isa roong sinulat ni Hayato para kay Yuki kaya nang matapos ang kanta ay bumaba rin ito para magbigay ng bouquet of flowers sa dalaga. Kinantyawan nga ng ibang band members nila si Ryu. Bakit daw siya isang tangkay lang ng rosas ang binigay sa girlfriend? Dapat daw siyang matuto kay Hayato na halos binili na lahat ng bulaklak sa flower shop.

“Siyempre, kanya-kanyang style iyan,” nakatawa nitong sagot sa pangangantyaw. “May usapan kasi kami ni Mara-chan na mamaya ko na ibibigay ang ibang surprise ko sa kanya.” At kumindat siya sa akin.

“Anong surprise ka riyan? Ang sabihin mo, kuripot ka!” kantiyaw ko.

Napansin iyon ng iba niyang ka-grupo. Tinanong ako kung may sinasabi raw ba ako dahil hindi nila halos marinig sa lakas ng ingay. Sumenyas ako na wala. Pero pinokus nila sa akin ang ilaw.

Mayamaya pa inanunsyo ni Ryu na may ginawa din siyang kanta para sa akin. Iyon ay ang “My Filipina Girl”. Nagulat ako nang marinig ko ang title. May halo pang Tagalog ang lyrics nito. Hindi ako makapaniwala. Okay naman ang pronunciation niya. Nagtaka ako kung saan niya pinagpupulot ang lyrics na iyon dahil hindi ko naman siya tinuruang mag-Tagalog. Kinilig pa ako nang sobra sa linya niyang, “mahal kita, kahit maarte ka”. Mayroon pang, “mahal kita kahit noong baliw ka pa”.

Kinulit ako ni Yuki-chan kung ano raw ibig sabihin ng mga iyon. Pinaliwanag ko sa kanya ang kahulugan kaya tawa siya nang tawa.

“Ryu, ang baduy mo!” kantiyaw ni Yuki sa kanya. Kakamot-kamot si Ryu sa ulo niya. Pero nakangiti siyang nakatingin sa amin.

Sobra akong nag-enjoy sa mini-concert nila kung kaya hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko rin naramdaman ang gutom. Mag-aalas onse na pala nang mga oras na iyon.

Pagkatapos ng concert, binuksan na ang sayawan sa club. Ang mga mahilig mag-clubbing ay nagpaiwan na roon. Nagyaya namang mag-dinner ang banda. Pinaunlakan namin sila ni Yuki kaya halos mag-aala una na nang umaga nang umuwi kami ni Ryu sa bahay. Kinantyawan ko siya sa ginawa niyang kanta para sa akin. Na-conscious tuloy ang mokong. Na-messed up daw ba niya ang lyrics? Tagal daw niyang pinraktis iyon.

“Niloloko lang naman kita. Ang galing mo nga. So proud of you.”

“Tinuruan ako ni Tita.” Mama ko ang ibig niyang sabihin. “No’ng una nga’y nahiya ako magpatulong sa kanya, pero napilitan din ako dahil ayaw ko namang malaman mo iyon. Surprise ko kasi iyon sa iyo.”

Patay na ang ilaw nang dumating kami sa bahay. Tulog na marahil sina Mama at Otōsan. Dahil medyo kumikirot pa nang kaunti ang binti ko sa tuwing umaakyat ng hagdan, inalalayan ako ni Ryu.

“Kung gusto mo buhatin na lang kita?”

“Huwag na. Gusto ko ring mapraktis ang mga legs ko. Sabi ng doktor as much as possible ay gamitin ko ito sa pag-akyat at pagbaba, di ba?”

“Kung sa bagay. Tsaka baka sa ibang kuwarto kita ideretso,” sagot nito habang nakangiti nang nakaloloko.

Inirapan ko siya kunwari. Pero na-excite ako sa mga sinabi niya. Nang nasa labas na kami ng kuwarto ko, hinalikan niya ako sa noo.

“Don’t forget to lock the door, okay?” anas niya sa akin.

Natawa ako.

“Lagi mo sinasabi iyan.”

“Baka ma-tempt kasi ako, eh. Mahirap na.” At natawa din siya.

END OF BOOK 1