image
image
image

CHAPTER FIVE– KISS

image

Habang lumalala ang problema ng kompanya nila Ryu, naging madalang din ang pag-uwi niya sa amin sa Osaka. Pati pagtawag o text sa akin ay bilang na bilang na rin. Ang sabi ni Otōsan abala raw ito sa pakikipag-usap sa mga local investors at pag-iikot sa mga car plants nila sa Nagoya para bigyan ng morale support ang mga empleyado. Bumaba raw kasi ang morale nila matapos bumulusok ang stock price ng kompanya. Inisip kasi ng marami na retrenchment o pagbabawas na ng mga tao ang kasunod no’n.

Sa totoo lang, hindi naman iyon ang pinagsisintir ko sana, eh. Ang hindi ko lang maintindihan, kailangan bang araw-araw na lang ang paglabas nila ng babaeng iyon sa TV? Nasakop na nga nila ang telebisyon, pati ba naman ang entertainment section ng mga newspapers sila pa rin ang mababasa ko? Sinong girlfriend ang hindi maiinis doon?

Sabi ni Mama, dapat din daw akong makisalamuha sa ibang guys. Hindi naman daw kasi maganda na kay Ryu na lang umiikot ang mundo ko. Wala naman siyang sinasabi pang iba, pero may kutob akong gusto ni Otōsan na maging totohanan na ang pagpapanggap nila Ryu at Sugawara-san. Naging positibo kasi ang epekto nito sa negosyo nila.

“Kaysa sa magmukmok tayo rito sa inyo bukas ng gabi, bakit hindi tayo pumunta doon sa concert na sinasabi ni Ako?” mungkahi sa akin ni Haruka habang nakadapa sa kama ko isang gabi.

Kaklase namin si Ako sa unibersidad at mahilig ito sa mga foreign rock bands. Personal pa nitong kakilala ang US rock group na magko-concert sa Namba kinabukasan.

Tatanggi sana ako dahil hindi naman ako mahilig sa Western rock music, pero naisip ko, kapag hindi ako umalis ng bahay bukas ng gabi tiyak na manonood lang din ako ng TV. At sigurado, mapapanood ko na naman ang landian nila Ryu at Sugawara-san. Mabubwisit na naman ako.

Hindi lang si Haruka ang natuwa nang pumayag ako. Pati si Mama ay labis na nagalak. Imbes na sumaya ako dahil supportive ang nanay ko sa social life ko nalungkot din ako. Malakas kasi ang pakiramdam ko na hinahanda na niya ako sa maaaring mangyari sa amin ni Ryu.

Kinabukasan, inagahan namin ni Haruka ang pagpunta sa Namba. Dahil alas nuwebe pa raw ang nasabing concert sa C&P Club, umikot-ikot muna kaming magkaibigan sa Dotombori. Nakasalubong namin si Ako doon na nakaabrasiyete pa sa isang blonde guy. May dalawa pa silang kasamang foreigner. Palihim kong kinurot si Haruka dahil naramdaman ko agad na kinikilig siya. Pinandilatan lang niya ako at magiliw nang nakipag-usap kay Ako, pero ang totoo niyan isa sa tatlong lalaki ang tina-target niya. Pambihira! Daig pa niya ang walang nobyo kung kumilos.

Pinakilala ni Ako ang mga kasama niya sa amin. Josh pala ang pangalan ng kahawak-kamay niya. Ang dalawa naman ay sina Aaron at Chase. Pamilyar sa akin ang mukha ni Aaron. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita noon. Mukhang naalala rin nga niya ako.

“I think I’ve met you at a club before,” sabi niya.

Kinantiyawan siya ng dalawang lalaking kasama. Gasgas na raw ang ganoong pick-up line.

“No, no, no! I mean it. We’ve met at a club before. I’m positive about that. Right, Mara?”

Sinang-ayunan ko si Aaron. Naaalala ko rin ang mukha niya kahit na hindi ako sigurado kung saan ko siya nakilala noon.

“Oh yeah?” pangangantiyaw pa ng isang kasama na nagngangalang Josh. Hindi talaga ito naniniwala na totoo nga ang sinasabi ni Aaron. No’n naman nag-flash sa isipan ko ang kaganapan sa dance floor noong nakaraang taon. Tama! Nagkita nga kami sa isang party sa Club Pure noon! Muntik na nga siyang masuntok ni Ryu noon dahil isinayaw niya ako nang cheek to cheek. Kinuwento ko sa kanya ang naalala ko. He snapped his fingers in gladness.

“Yeah! At Shiho Arake’s birthday party!”

“Yeah,” pakli ko at nagtawanan kami. Namangha naman ang mga kasama namin. Ang talas naman daw ng memorya naming dalawa.

Kahit hindi ako mahilig sa mga blonde guys, masasabi ko pa ring may hitsura si Aaron. Kung mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Ryu at niligawan niya ako baka siya ang naging boyfriend ko.

Sabay na kaming anim na pumasok sa C&P Club. Dahil kilala ni Ako ang mga tao doon, hindi na namin kailangan pang pumila. Mayroon pa kaming sarili naming mesa na reserved daw for the club’s V.I.P.

Kauupo lang namin nang mag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon. Tumatawag si Ryu. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ang tawag niya, pero nanaig ang pride ko. Sinadya kong huwag pansinin iyon. Ano siya sinuswerte? Tatawag lang kung kailan niya gusto? Nang hindi ko sinagot ang unang tawag, tumawag na naman.

“I think your phone’s ringing,” sabi sa akin ni Aaron.

Imbes na sagutin ko ito, pinatay ko pa.

Nang mag-umpisa na ang concert, wala nang nag-usap sa grupo namin. Puro sigaw na kasi ang maririnig sa paligid. Maraming girls ang nag-a-I love you sa banda. Naalala ko tuloy ang concert ng Bandage kung saan nagwawala ang fans. Ganoong-gano’n din ang mga fans ngayon. Na-miss ko tuloy ang banda nila Ryu. Sayang at nag-disband na sila.

Nang matapos ang concert, gusto pa sana kaming ipakilala nila Aaron sa banda dahil personal friends daw nila ang mga ito, pero hindi kami nakasingit sa dami ng mga fans na dumumog sa kanila sa backstage. Nagdesisyon na lang kaming umuwi at saka na lang daw kami ipapakilala sa kanila. Total naman daw ay kina Aaron sila pansamantalang nakikitira.

“The last time I saw you, you were with a boyfriend. Are you guys still together?” tanong na lang ni Aaron bigla habang naglalakad kaming anim palayo sa club.

Kami pa rin ba ni Ryu?

“Y-Yeah,” sagot ko na lang para wala nang maraming tanong.

“Too bad,” nakangiting sabi nito agad.

Lihim akong napangiti. Ang sarap din pala ng feeling na may ibang lalaking nakaka-appreciate sa iyo lalung-lalo na sa panahong hindi ka na sigurado sa boyfriend mo.

Mayamaya pa, lumapit sa akin si Haruka at bumulong na ihahatid daw siya ni Chase kung okay lang sa akin. Magta-taksi raw sila together.

“Hindi puwede,” mariin kong sabi sa kanya. May kutob akong alibi lang niya iyon, pero ang totoo’y makikipag-one night stand lang siya sa lalaki dahil galit siya ngayon kay Masahiro. May tampuhan kasi sila.

Na-sense siguro ni Aaron ang pinag-usapan namin ni Haruka dahil nagsabi itong ihahatid niya raw kami kung okay lang sa amin. May tinawagan ito sa cell phone at mayamaya’y may tumigil nang SUV sa gilid namin. Isang mamang Hapon ang nagmamaneho nito.

Dahil mas malapit ang bahay nila Haruka at Ako, sila ang naunang naihatid. Nang ako na lang ang natira, nakaramdam ako nang kaunting takot. Kahit alam kong mabait silang tatlo, hindi naman kasi ako nakasisiguro. Nakahinga lang ako nang maluwag nang nakarating kami nang matiwasay sa bahay. Pinasalamatan ko si Aaron at ang mga kaibigan niya. In exchange, hiningi niya ang number ko.

Dederetso na sana ako sa kuwarto nang mapansin kong may ilaw sa veranda. Pagtingin ko roon, niluwa ng sliding door si Ryu.

“Bakit ngayon ka lang?” tanong nito agad sa akin.

“Nanood kami ni Haruka ng rock concert. Late na rin natapos, eh.”

“Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo, ni hindi mo man lang sinasagot ang cell phone mo. Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sa iyo rito sa bahay?”

Now, he knows how it feels to be ignored.

“Maingay sa club kanina kaya hindi ko na lang sinagot.”

Nakita ko ang pamumula niya sa galit.

“Busy ka sa lalaking iyon? Bakit? Sino ba siya?”

Nakita niyang hinatid ako nila Aaron! Gusto kong magdiwang. Ang saya-saya lang! Nakarami ako ngayon, ah.

“Actually, na-meet na natin siya sa birthday party ni Shiho Arake. Siya si Aaron Miller. Alam mo, ang bait-bait niya,” sagot ko. Sinadya kong gawing kaswal lang ang pagkukuwento sa kanya.

“Wala akong pakialam!” sigaw niya sa akin.

Nainis ako. Siya pa ang may ganang sumigaw?

“Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng taong naghihintay. Iyong tatawagan mo lang kung kailan mo maalala. Huwag mo nang idahilan ang business n’yo. Kung ako lang ang sagabal sa pagbangon ng negosyo n’yo, don’t worry. Tanggap ko na na kaya mo akong isakripisyo.”

Pagkasabi ko no’n binuksan ko na ang pintuan ko. Pero bago ako makapasok sa loob, bigla niya akong hinablot at kinuyumos ng halik sa mga labi. Tinulak ko siya nang ilang beses, pero lalo lamang niya akong niyapos nang mahigpit. Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa batok niya. Nang matapos ang halik, niyakap niya ako nang mahigpit.

“I came home because I missed you so much tapos wala ka pa nang dumating ako. Pinatayan mo pa ako ng cell phone nang tinawagan kita. Tapos darating ka rito’t proud ka pang ipangalandakan sa akin ang lalaking iyon. Nakakainis ka!” bulong niya sa akin. Tila hirap na hirap ang tinig.

Hindi na ako umimik. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi ko.

“You’re enjoying seeing me hurt,” may himig pagtatampo na sabi pa niya. May gumuhit ngang kirot sa kanyang mukha nang tingnan ko ito.

Dahil doon bigla akong nagseryoso at tinulak ko siya palayo. Sinikap kong maging matatag. Hindi maaari na basta-basta na lamang niyang mabibilog ang ulo ko. For all I know, binobola lang ako ng damuho.

“Kung sa tingin mo mabubura ng isang halik lang ang mga kasalanan mo sa akin, nagkakamali ka.”

Siya naman ngayon ang napangiti.

“Kung kulang ang isang halik di—-dagdagan natin!”

Pinukol ko siya nang matalim na tingin.

Napakamot-kamot siya ng ulo na tila nahihiya. He looked awkward.

“Nagbibiro lang naman ako.”

“Pwes, ako hindi nagbibiro!”

“I’m really sorry, Mara-chan. I really am,” sabi niya sa mahinang tinig. “How can I make it up to you?”

“Ewan ko sa iyo! Matutulog na ako!” At dali-dali na akong pumasok ng kuwarto ko. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang maisara ko ang pinto. Napahawak pa ako sa dibdib na tila hapung-hapo. Sinikap kong panindigan ang mga sinabi kahit mahirap. Baka kasi kapag bumigay na naman ako’y hindi na niya pahahalagahan ang damdamin ko sa pag-iisip na madali lang mabilog ang ulo ko.

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Natukso nga akong tawagan siya, eh. Kaso nag-alala rin ako. Baka kasi natutulog na. Inisip ko na lang na bukas ko na lang siya kakausapin nang masinsinan.

Kinabukasan, excited akong bumaba ng bahay expecting he was still there kaya gano’n na lamang ang panlulumo ko nang ibalita sa akin ni Mama na nakabalik na siya ng Nagoya kasama ang stepfather ko.