![]() | ![]() |
Hindi kami masyadong nagkibuan ni Mama habang bumibiyahe. Pumikit kasi agad siya pagkakabit ng seatbelt niya kaya hindi ko na inistorbo. Saka lang siya dumilat nang lumapag ang eroplano sa NAIA. Palagay ko hindi naman siya natulog. Ayaw lang niya sigurong kausapin ko tungkol sa mga pinagsasabi niya kaninang paglipatin uli ako ng school.
Madilim na nang makauwi kami sa amin.
“O, tapos na agad ang bakasyon? Sana nag-text kayo’t nasundo ko man lang kayo sa airport,” salubong ni Tito Mario sa amin.
“Wala nang oras,” sagot ni Mama at dumeretso na ito sa kuwarto niya sa ikalawang palapag ng bahay.
Magsasalita pa sana ang tiyuhin ko nang bahagyang tinapik ni Tita Cora para patahimikin. Napansin siguro nitong parang pasan na naman naming mag-ina ang daigdig kung kaya hinayaan kami sa drama namin.
Makaraan ang ilang sandali, kumatok si Jing sa kuwarto ko. May dala-dala itong hapunan ko.
“Busog ako, Jing. Salamat.”
Tatalikod na sana ako para mag-computer nang mapansin kong hindi siya umalis. Nang nilingon ko, nagpaliwanag.
“Ang bilin kasi ni Papa sa akin kailangan kong pilitin kang kumain. Siya ang nagluto niyang paborito mong adobo.”
Sinulyapan ko ang adobo at napakamot-kamot sa ulo. Na-guilty ako na ipabalik kay Jing ang pagkain pagkatapos kong malaman na nag-abala pa pala si Tito Mario na ipagluto ako.
“Sige. Pakipatong na lang ang tray sa bedside table. Salamat ulit.”
No’n lang umalis si Jing. Nang masiguro kong wala na siya, saka ko tinawagan si Ryu. Medyo inaantok na boses niya ang narinig ko.
“Ryu! Confirmed! May babae nga si Otōsan! Si Mrs. Miller!”
Isinalaysay ko sa kanya kung paano ko iyon natuklasan. Imbes, na paniwalaan ako nag-doubting Thomas pa ang mokong.
“Milyon ang may pangalang Kazuhito sa Japan. Sigurado ka bang si Ojisan talaga ang tinutukoy niya?”
“Ano naman ang tingin mo sa akin? Bobita? Slow? Hindi marunong umunawa ng napakinggan?”
Natahimik na naman siya.
“Ryu?! Hoy! Nandiyan ka pa ba?”
“O-oo. Kumusta na si Tita?”
“Siyempre, hindi okay. She’s acting weird. Unlike before na sinabi niya agad sa akin na nagdududa siyang may babae si Otōsan, this time hindi na. Natatakot nga ako.”
“Kung sigurado ngang may relasyon sila, ibig sabihin h-hindi sinunod ni Ojisan si Lolo. Nilansi niya ang pamilya,” mahinang sabi ni Ryu na parang sa sarili lang nakikipag-usap. Anong nilansi ang pinagsasabi nito?
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
Nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin, napahiyaw ako ng, “No!” At napahagulgol.
“I’m so sorry, Mara-chan,” sabi niya sa mahinang tinig.
“Kung gano’n, hindi niya pa rin nakalimutan ang first love niya. Niloko niya lang ang mama ko! Ginawa nga niyang panakip-butas si Mama.” At napaiyak na ako. Kahit anong pang-aalo ni Ryu hindi na ako tumahan pa. Nagpaalam na lang ako sa kanya at humagulgol sa banyo.
Namumula ang mga mata ko’t pisngi nang bumalik na sa kuwarto. Kalmado na ang damdamin ko, pero masama pa rin ang loob. Lalo akong nainis kay Otōsan. Sa tuwing maalala ko kung paano niya niligawan noon si Mama, nangangati ang kamay kong batukan siya. Wala siyang kasing sama. Pero ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang gawin iyon?
Tumigil ako sa pag-e-emote nang mag-ring ang phone ko. Nang makita ko ang pangalan ni Haruka sa screen, kinabahan ako. Alam kong may dala na naman siyang bad news. Ganunpaman, hindi ko pa rin nagawang isnabin ang tawag niya.
“Mara? Okay ka lang ba? Ano’ng nangyayari sa iyo?” nababahala nitong tanong nang marinig ang boses ko.
“Wala. Okay lang ako,” pagsisinungaling ko.
“Nag-aalala na tuloy ako kung sasabihin ko pa sa iyo ang nangyayari rito o hindi na,” sabi niya.
“Come on. Sabihin mo na. Palagay ko’y wala nang mas isasama iyan kaysa sa mga nangyari sa buhay ko in the past few days.”
Binalita nga ni Haruka ang latest news sa Kansai. Napanood daw niya sa Yomiuri TV (Osaka-based TV Network), ang pre-wedding party nila Ryu at Aya. Ang naturang network daw kasi ang may exclusive rights sa coverage nito. Kaya hindi raw niya maintindihan ang sinasabi ko sa email na masosolusyonan na rin ang problema ko tungkol sa kasalang iyon. Mukha raw kasing plantsado na ang lahat. The wedding will take place in Tokyo in a week’s time ayon sa balita.
Gulat na gulat ako roon. Wala kasing nabanggit si Ryu tungkol doon. Ang napag-usapan lang namin kasi ay ang tungkol sa mga nadisukbre niyang aktibidades ni Otōsan at sa plano niya laban doon.
“Don’t worry, Haruka. May plano na kami ni Ryu para diyan. Nandito siya kamakailan. Binisita niya ako,” pagsisinungaling ko. Ayaw ko na kasi siyang mag-alala pa sa akin. Ayaw ko ring kaawaan niya ako.
Sobrang natuwa si Haruka sa kabilang linya. “So happy to hear that, Mara-chan. Nag-alala kasi ako sa iyo, eh.”
Pagbaba ko ng telepono, lalo akong nanlata. Pakiramdam ko kasi’y wala akong karamay. Patong-patong na ang problema ko.
Kinabukasan, dahil tinanghali ako ng gising, wala na akong naabutang tao sa ibaba. May note ang pamilya nila Tito Mario na mag-a-out of town daw sila. Si Mama nama’y nag-text na pumunta siyang airport para sunduin ang stepfather ko. Baka gabihin daw sila ng uwi. Nainis agad ako pagkabasa sa mensahe niya. No’ng isang araw lang kasi’y sinisigawan niya ito sa telepono dahil sa natuklasang pagtataksil nito. Kaya’t anong drama ito at sinusundo pa raw sa airport?
Nanggigil na naman ako sa galit. Pumanhik uli ako sa kuwarto at naligo. Kinuskos ko nang kinuskos ang katawan sa pagbabakasakaling matanggal nang kaunti ang panggigigil ko kay Mama.
Nagsusuklay na ako ng buhok nang may narinig na sunud-sunod na doorbell. Akala ko ba gagabihin ang mga bwisit? Dali-dali akong bumaba ng bahay. Nagulat ako nang napagbuksan ko si Jing at Ryu na magkasama.
“Hinahanap ka. Timing at ako ang napagtanungan niya sa labas.”
“Akala ko nag-out of town kayo nila Tito?”
“Bumalik ako. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, eh. Sige. Papanhik na ako sa guest room. Tawagin n’yo na lang ako kung kailangan n’yo ang tulong ko.”
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko agad kay Ryu pagkaalis ni Jing. Pinangunutan ko pa siya ng noo.
Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin bago sumagot.
“Okay ka na ba?” nag-aalala nitong tanong. Hinawakan niya agad ang magkabila kong pisngi. He looked at me with warmth in his eyes.
“Hindi masyado pero better than last night. Sana hindi ka na pumunta rito. Alam mo bang nandito rin si Otōsan?”
“Nag-alala ako nang umiyak ka sa phone kagabi kaya ora-orada akong nag-charter ng eroplano para pumunta rito. Kaninang madaling araw pa ako nakarating kaso alam kong tulog pa kayo kaya I waited.”
Hindi ako nakasagot dahil may narinig akong humintong sasakyan sa hindi kalayuan. Dali-dali kong sinilip iyon sa bintana. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang gumarahe ang sasakyan sa kabilang bahay.
“Paano na ito ngayon? Baka makita ka ni Otōsan rito.”
“Wala akong pakialam,” sagot niya at pabagsak na naupo sa sofa. Pinagpag niya ang katabing espasyo at sinenyasan akong maupo rin doon. Lumapit ako. Nang uupo na sana ako sa tabi niya, bigla niya akong hinila. Nag-landing ako sa kandungan niya.
“Hoy! Ano ka ba?” At nagpumiglas ako. Hinigpitan naman niya ang hawak sa akin. Nasagi niya tuloy ang malusog kong dibdib. Nakaramdam agad ako ng something.
“Ang bango mo talaga.” Sininghot-singhot niya ang buhok ko.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa excitement. Hindi ko namalayan na napasandal na pala ako sa kanya. Nang magtama ang paningin namin, bumaba ang mukha niya at siniil niya ako ng halik sa labi. Awtomatiko akong napapikit. Natigil lang ako nang biglang may maramdamang matigas na matulis na tumutusuk-tusok sa puwetan ko. Nang magtama ang paningin namin, napangiti siya na parang nahihiya. Binaba niya ako sa sofa at dali-dali siyang kumuha ng cushion at nilagay sa kandungan. Nang maunawaan ko ang nangyari pinamulahan ako.
“Magbihis ka nga. Nakakainis ka, e.”
Napatingin ako sa hitsura. Lalong nag-init ang mukha ko nang ma-realize na nakalimutan kong magsuot ng bra at masyadong maikli pa ang shorts na napili kong isuot. Ang t-shirt ko’y may kanipisan din.
Tumakbo agad ako paakyat sa kuwarto, pero no’n naman may humintong sasakyan sa tapat ng bahay. Sinilip ko iyon mula sa bintana sa itaas. Gano’n na lamang ang takot ko nang makita kung sino ang umibis mula roon. Dali-dali akong bumaba at hinila agad si Ryu.
“Bakit?” nagtataka niyang tanong.
“Shhh,” sabi ko sabay lagay ng hintuturo sa mga labi.
Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Tumakbo na kami paakyat. sa silid ko. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang nandoon na kami.
“Kung nagpang-abot kami sa ibaba ni Ojisan, okay lang naman sa akin. Wala na akong pakialam. At handa na rin ako.”
“Ikaw, wala. Ako, mayro’n,” sabi ko naman.
Nagtaas siya ng kilay at umikot-ikot sa kuwarto ko.
“Ang cute ng room mo,” komento niya at bigla na lang niyang binagsak ang sarili sa kama ko. Sinenyasan niya akong tumabi sa kanya. Inirapan ko siya.
“I’ll behave this time. Promise,” nakangisi niyang sabi. Tinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa. Hindi ako naniwala dahil may kislap ng kung anong kapilyuhan ang kanyang mga mata. “Mara, c’mon. You’re wasting our time. Ang ikli na nga lang lagi ng pinagsasamahan natin tapos aarte-arte ka pa riyan. Come here.”
Nang sumulyap uli ako sa kanya, seryoso na ang mukha niya. Parang malungkot pa. Naantig naman ang damdamin ko. Lumapit ako sa kanya at tahimik na nahiga sa kanyang tabi. Hindi siya gumalaw. Nakaharang ang braso niya sa mga mata kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya. Nainis na siguro dahil ang tagal kong lumapit. Ang bilis naman magtampo ng lolo. Nang sumulyap uli ako sa kanya, nakita ko na siyang nakangisi. Pasimple niyang nilagay ang braso sa ulohan ko at pinaunan niya iyon sa akin. Tapos niyakap niya ako nang mahigpit.
“Teka,” protesta ko.
“I missed you so much,” bulong niya sa akin at binaon pa ang mukha sa leeg ko. Pinanggigilan ako ng damuho.
“Ryu, ano ba? Nag-promise ka,” paalala ko.
“I know,” anas niya at tumigil sa ginagawa. Pero nakalagay pa rin ang isa niyang braso sa ibabaw ng tiyan ko at nakapatong ang isa niyang hita sa mga hita ko. Natatakot na ako. Paano ba naman kasi. Parang ako ang unang bibigay. Naramdaman ko na ang something wet between my legs.
Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa binalita sa akin ni Haruka, pero ayaw ko namang masira ang moment namin. Bihira na kasi kaming magkaroon ng ganitong pagkakataon. Palagi na lang kasing may problema.
Mayamaya ay nabigla na lang ako nang walang anu-ano’y nagsabi siya ng, “Ano kaya kung magtanan na lang tayo?”
Tiningnan ko ang ekspresyon sa kanyang mukha. Seryoso ba ang damuhong ito o nagpapatawa lang?
“They will hate us if we do that,” sagot ko. Kunwari hindi kinikilig.
“Pero sana, mahintay mo ako.”
“Oo naman,” pakli ko agad.
“At sana hindi mo ako ipagpapalit sa iba,” dugtong pa niya.
“Hindi iyan mangyayari,” paniniguro ko pa. “Baka ikaw, pwede pa.”
Tumawa siya nang mahina at umiling. “That will never happen dahil mahal na mahal kita.” At pagkasabi no’n ay bigla niya akong kinubabawan. Nakangisi pa ang loko-loko. Bago ko siya matulak kinuyumos na niya ako ng halik. Hindi na ako nag-inarte pa. Tinugon ko ang bawat halik niya. Hindi ko rin kasi nakaya ang bugso ng damdamin.
Sa isang iglap, nahubad niya ang pantaas at dali-dali rin niyang tinanggal ang t-shirt ko. Nang matambad sa kanyang paningin ang makinis at malusog kong dibdib ay sinunggaban niya ang isa na tila isang sanggol na uhaw sa gatas ng ina. Kung saan-saan nakarating ang kanyang mga kamay. Nang magsawa siya sa pahipo-hipo, bumaba ito sa paanan ko. Kinabahan ako. Kasi alam ko na kung ano ang gagawin niya. Naikuwento na rin ito ni Haruka na ginagawa nila ni Masahiro. Nanuyo tuloy ang lalamunan ko. Lalo pa akong nabaliw, nang hinawi ng daliri niya ang nakatabing na saplot doon at nilaro-laro ng kanyang daliri ang munting butil. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lamang ang pagbaba ng undies ko. Tinakpan ko sana iyon ng mga kamay, pero dahan-dahan niyang tinanggal ang nakatabing. Sumulyap siya sa akin na parang humihingi ng permiso bago lumuhod sa pagitan ng mga hita ko. Dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha roon at naramdaman ko agad ang kanyang dila sa pinakasensitibong bahagi ng aking pagkababae. Para akong sinilaban. Napaungol ako at napasabunot pa sa kanyang buhok. May maliit na tinig na nagsasabi sa akin na tigilan na namin ang ginagawa, pero wala akong lakas na tumanggi. Hay naku, Mara! Gusto mo ba’ng maging thank-you girl? Tingin mo bibigyan ka pa ng importansiya niyan kung isusuko mo na ang lahat-lahat sa kanya? Naalarma ako roon kung kaya tinipon ko ang lahat ng lakas at bumulong sa kanya ng, “T-Tama na, R-Ryu.”
Napasulyap siya sa akin na parang kinokompirma kung tama ang dinig niya. Nang mapagtanto na hindi ako nagbibiro, gumulong siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit. From the corner of my eye, nakita kong may bulge sa kanyang harapan. Na-curious akong alamin kung totoo nga ang sabi-sabi na maliit ang ano ng Hapon pero sinikap kong labanan ang kuryosidad. Hindi ko pa kayang tingnan sa ngayon.
“Ayaw mo bang tingnan man lang ang ano ko nang makita mo kung ano ang naghihintay sa iyo sa hinaharap?” biro niya. Namumungay pa ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Inirapan ko siya at tinalikuran agad. Humagikhik naman ang loko-loko. Enjoy na enjoy na nakikita akong awkward at nagba-blush.
Maghaharutan pa sana kami nang may marinig na kaluskos sa labas lang ng silid ko. Hindi kami nakagalaw. Nang mawala ang ingay, maingat kaming nag-ayos ng sarili at bumaba na ng kama.