image
image
image

CHAPTER EIGHTEEN– COMING HOME

image

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para lang umabot sa oras ng pagkikita namin ni Ryu sa Yodobashi Camera sa Umeda. Tatlong buwan din kasing hindi ko siya nasilayan simula nang makalabas ng ospital si Otōsan. Pero gano’n na lang ang panlulumo ko nang madatnang nasangkot siya sa kaguluhan sa Capricciosa.

“Ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya habang nagmamadali kami sa paglabas sa gusaling iyon.

Hindi siya sumagot. Sa halip nagmadali kaming makapunta sa parking lot sa hindi kalayuan. Nang makapasok kami sa loob ng kotse niya, napahawak siya agad nang mahigpit sa manibela at biglang napaiyak. Nataranta ako. Niyakap ko siya.

“I hate him!” galit niyang sambit.

Sino? Nabigla ako sa narinig na pagkamuhi sa kanyang tinig.

“Hindi na siya dapat bumalik pa! I hate him!”

Hinagud-hagod ko ang kanyang likod. Nang humupa na ang kanyang damdamin, parang nahiya siya na umiyak na naman sa balikat ko. Humingi siya ng dispensa sa akin. Inusisa ko naman siya kung bakit nasangkot siya sa gulo at kung kanino siya galit na galit.

“Wala. Nabubwisit lang ako.”

“Sino na naman ang kinaiinisan mo?"

“Si Papa,” mahina nitong sagot at pinaandar na ang kotse.

“Buhay ang papa mo?!” Shocked ako. Ang buong akala ko kasi’y matagal na itong patay. Ni hindi na kasi ito nagpakita pa kay Ryu simula nang lisanin nito ang pamamahay nila pagkamatay ng kanyang ina.

“Kailan ko sinabing namatay siya?” asik niya sa akin. “How I wish he died,” pabulong niyang sabi. Parang sarili lang ang kausap.

“Iyong lalaki ba sa Capricciosa? Iyon ba ang papa mo?”

Kahit hindi siya sumagot, alam kong iyon na nga iyon. Saan ko nga ba nakita ang lalaking iyon? Mukha kasing pamilyar ang mga mata niya. Bigla na lang naalala ko ang doktor sa ospital. Tama! Kinuwento ko iyon kay Ryu, pati na ang reaksiyon ni Otōsan sa mama.

“Ba’t naman matatakot si Ojisan sa kanya? He’s a penniless man. Ni hindi nga niya ako nakuha noon sa uncle ko no’ng mamatay si Mama, eh.”

“Pero sa pagkakaalala ko takot na takot si Otōsan nang datnan namin sa kuwarto niya. Ang lalaki lang namang iyon ang lumabas mula roon.”

“Kalokohan. He can never scare Ojisan. Baka nagkakamali ka lang.”

“Sigurado ako sa nakita ko,” pamimilit ko pa.

“Okay,” sagot niya, pero halata namang hindi siya naniniwala sa akin.

Dahil doon hindi na natuloy ang date namin. Imbes na kumain sana sa labas nagpasya na lang kaming sa bahay na lang sa Ibaraki maghapunan.

Nanibago ako pagpasok sa loob. Ilang buwan na rin kasing hindi ako nakatungtong doon simula nang nagkagulo kami kung kaya napansin ko agad na parang may nagbago.

“Pinabago ko ang interior. Naisip ko kasing baka malulungkot lang si Tita rito pagbalik niya. Gusto kong burahin na sa isipan niya ang mga alaala ni Ojisan dito,” sabi ni Ryu.

Naantig ang damdamin ko sa pagmamalasakit niya kay Mama kahit na officially ay hindi na niya ito kaanu-ano. Three months ago kasi ay na-finalize na ang diborsiyo nila ni Otōsan.

Dinala niya ako sa kusina at pinaghanda ng steak dinner. Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinapanood siya sa ginagawa. Sino’ng mag-aakala na ang spoiled brat na tagapagmana ng pinakamalaking car company sa buong Asya ay marunong din sa kusina? I’m a lucky girl!

Pagkatapos naming kumain, dumeretso kami sa Entertainment Room. Nandoon pa rin ang mga gitara niya. Nangilid ang mga luha ko nang maalala ang una naming tagpo roon. Parang ang tagal na no’n na kung tutuusin ay ni wala pang dalawang taon.

Naramdaman ko na lang ang mga braso niya sa baywang ko. Niyapos niya ako nang mahigpit.

“Naaalala mo rin ba ang mga naaalala ko rito?” masuyo niyang tanong sa akin habang kinakagat-kagat ang leeg ko.

Marahan akong tumango at pumikit. Hinagkan niya ako sa pisngi at pinaharap. Nang bumaba ang mga labi niya sa labi ko, hindi na ako tumutol. Napadilat na lamang ako nang bigla niya akong pangkuhin at dalhin sa kanyang silid. Maingat niya akong binaba sa kama niya.

“Kung uumpisahan natin ito, hindi ako sigurado kung kaya kong magpigil later if you change your mind,” babala niya sa akin.

Saglit lang akong nag-isip bago ko siya hinila at hinalikan din sa labi. Noong nasa Pilipinas kami ni Mama natakot ako na baka kakalimutan na niya kaming mag-ina kung kaya naisip ko noon na kung mayroon akong pagkakataong katulad nito hindi na ako magpipigil pa tulad ng ginawa ko noon sa bahay namin sa Manila.

“Are you sure?” paniniguro pa niya.

“Baka maunahan pa ako ng iba,” sagot kong may himig pagbibiro.

“Baliw ka,” nakangisi niyang pakli bago bumaba nang tuluyan ang mukha sa dibdib ko. Nang maramdaman ang mga labi niya sa tuktok ng isa sa kambal kong kabundukan, napaigtad ako sabay ungol.

“I’ve been dreaming about this since forever,” anas niya sa akin bago inipit ng mga labi ang isa sa mga talutot niyon. Ungol lang ang sagot ko.

Nakarinig ako ng warning bells nang maramdaman ang isa niyang kamay sa sugpungan ng mga hita ko, pero masyado na akong tupok ng pagnanasa para pakinggan pa iyon. Nang hipu-hipuin niya ako roon, namilipit ako’t napaungol. Nangahas din akong damhin ang simbolo ng kanyang pagkalalaki at laking gulat ko nang mahagod ang kabuuan niyon. Bigla akong napadilat at natigil sa paghalik-halik sa ulo niya. Hindi ko inaasahan ang naapuhap ko. Paano ba naman kasi? Simula’t sapol ay biruan na naming magkakaibigan sa Pilipinas ang tungkol sa ano ng mga Hapon. Ang kantiyaw sa akin ng mga kabarkada ko kapag nag-jowa raw ako ng Hapon kagaya ng mama ko ihanda ko na ang sarili sa maliit nilang hinaharap. Ngayon, pwede ko nang pasisinungalingan iyon!  

Nang maramdaman ko uli ang mga daliri niya sa pinakamaselang bahagi ng pagkababae ko, nagmakaawa na ako.

“Hindi ko na kaya, Ryu.”

Tumigil siya sa ginagawa at dahan-dahan akong kinubabawan.

“Are you sure gusto mo nang gawin ito?” malambing niyang tanong.

“Tinatanong pa ba iyan?” May impatience na sa boses ko.

Natawa ang mokong. Buong pananabik ko namang hinintay na pag-isahin niya ang mga katawan namin, pero tila tinakam-takam ako ng damuho. Nang sa wakas ay magawa na niya ang gusto ko napadaing naman ako sa sakit. Napahawak ako nang mahigpit sa balikat niya. Pakiramdam ko bumaon ang mahahaba kong kuko roon. Bigla tuloy siyang huminto sa paggalaw.

“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong.

Hindi ako nakasagot. Dahan-dahan kasing napalitan ng kakaibang sensasyon ang hapdi na naramdaman ko.

“Ba’t ka tumigil?” reklamo ko nang hindi pa rin siya gumagalaw.

“Baliw. Sabi mo masakit.”

“H-Hindi na,” bulong ko sa kanya at kinagat ang tainga niya.

Nang masiguro niyang okay na nga ako, dahan-dahan na siyang kumilos. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit na mahigpit. Para na kaming hinahabol ng sampung demonyo sa bilis ng mga galaw namin. Daig pa namin ang nagpapaligsahan sa bilis ng pag-indayog. Mayamaya pa, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. May tinatanong siya. Pero dahil halos paungol na ang tinig niya, wala akong narinig.

“I said, I can’t hold it anymore!” padaing niyang sabi. “Ready?”

Pagkatango ko, may parang mainit-init na likidong sumabog sa ano ko mula sa kanya. Parang katulad din ng akin. Hindi ko inasahan iyon. At nagulat din ako sa tindi ng naramdamang emosyon. Gano’n pala iyon. 

“That was the best I’ve ever had,” nakangiti niyang sabi pagkatapos sabay gulong sa tabi ko. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinagkan-hagkan sa buhok. Bigla naman akong inatake ng hiya. Halos hindi ko na siya matingnan nang deretso. Dahil doon napahalakhak siya.

“Ano ba? Nakakainis ka,” sabi ko sabay talikod sa kanya.

“Normal lang ito sa couple. Dapat nga noon pa natin ginawa ‘to, eh.”

Iyon nga rin ang sinabi ni Haruka noon. Speaking of that woman, ngayon ko lang naintindihan kung bakit siya nagkaganoon kay Masahiro. Tama nga pala siya. Kapag natikman mo na’y hindi na mababalik sa dati ang lahat. Totoong maaadik ka.

Nilingon ko ang nakayakap na mokong sa akin. Nakapikit na ang kanyang mga mata. Napansin kong malalantik din pala ang pilik-mata niya at maganda ang hugis ng kanyang eyebrows. Hindi nga pala nagse-shave ng kilay ang damuho, ‘di gaya ng karamihang Hapon na kaedad namin.

“What are you staring at?” tanong niya. Biglang dumilat ang isa niyang mata. Nagulat ako. Daig ko pa ang nahuling nagnanakaw.

Tinalikuran ko uli siya. Hindi na ako sumagot. Buti na lang hindi na namilit pang sagutin ko ang tanong niya.

**********

image

Nagkita kami ni Haruka kinabukasan. Nagpapahanap kasi ako sa kanya ng arubaito o part-time job. Ang kaso wala siyang maisip na puwede kong pasukan dahil wala akong working visa. Bakit hindi na lang daw ako magtrabaho sa kompanya nila Ryu?

“Masyado nang nakakahiya. Ipapasok niya kasi roon ang mama ko at pinoproseso na nila ang ang mga dokumentong kailangan no’n para makabalik na dito sa Japan.”

Umuwi kasi sa Pilipinas si Mama pagkatapos ng diborsiyo nila ng stepfather ko. Kinailangan niya kasing isurender ang visa dahil hindi na siya kasal sa isang Hapon. Ako lang ang nagpaiwan.

“O, iyon naman pala, eh. Ba’t ka pa magba-baito?” sabi pa ni Haruka.

Pinaliwanag kong ayaw ko namang maging sobrang dependent kay Ryu. Baka magsawa sa katutulong sa aming mag-ina. Natahimik ito, parang nag-isip. Nang muling magsalita ay na-excite kami pareho. Mayroon daw siyang alam na day care center na tumatanggap ng part-timer kahit wala itong kaukulang work permit. Puwede raw niya akong maipasok doon dahil kaibigan ng mama niya ang may-ari.

Dali-dali kaming lumabas ng Hankyu Umeda Station. Malapit lang daw kasi ang day care center doon. Wala pang sampong minuto kaming naglalakad nang may bigla na lang humintong sasakyan sa tabi namin.

“Look who’s back?” masayang sabi ng kuya ni Sugawara-san.

Tatakbo sana kami pabalik sa Umeda Station nang hinarangan kami ng mga kasama niyang mukhang goons. Nang ipapasok na ako sa loob ng kotse nila bigla kaming nakarinig ng putok. Nakita ko na lang ang mama na nakaaway ni Ryu noong isang araw. Tinututok na nito ang baril sa mga abductors ko. Pumalag sana ang mga bodyguards ng kuya ni Sugawara-san nang biglang naglitawan ang mga kasama ng sumaklolo sa amin.

“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo noon na huwag mo nang pakialaman si Ryu at ang girlfriend niya? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?”

“Ba’t ka ba nakikialam? Away namin ito ni Otsuji!”

“Bakit hindi ako makikialam? Si Ryu lang naman ang kaisa-isa kong anak. Hindi ako papayag na may manakit sa kanya o sa mga taong malapit sa puso niya.” Kaswal lang ang pagkakabanggit doon ng mama, pero daig pa niyon ang bomba sa pandinig ko. Sinasabi ko na nga ba, eh!

Napaawang ang mga labi ng kuya ni Sugawara-san sa kabiglaanan.

“May papa si Ryu?” hindi makapaniwalang tanong pa nito.

“Natural! Hindi siya kabute.”

“Akala ko patay na ang papa ni Ryu.”

“Mukha ba akong patay sa paningin mo?”

Lihim akong napangiti. Naniniwala na akong ama nga ito ni Ryu. At alam ko na ngayon kung saan nagmana ng pananalita ang mokong na iyon!

Nang hindi kumilos ang kuya ni Sugawara-san, pinaputukan ng papa ni Ryu ang semento sa harapan nito. Napatalon ito sa takot at biglang minanduan ang mga bodyguards na pakawalan na kami. Pumasok na rin ito sa kotse niya sa mando ng mama.

“Sa susunod na gawin mo pa ito tutuluyan na kita. Tandaan mo iyan. Ayaw ko nang bobong kausap,” babala pa ng papa ni Ryu.

Nang wala na sila lumapit kami ni Haruka sa mama at yumuko bilang pasasalamat. Ngumiti lang ito sa amin at umalis na rin.

Dahil sa nangyari, hindi na natuloy ang plano namin ni Haruka. Nagpasya na lang kaming umuwi na lang muna. Pagdating ko ng bahay, ang nakasimangot na Ryu ang nabungaran ko sa sala. Nang-usisa agad ito kung saan ako nagpunta at bakit tinakasan ko raw ang mga bodyguards ko? Hindi ko siya pinansin. Sa halip, nagkuwento ako.

“Baka ang nagligtas sa akin ngayon at ang tumulong sa atin noon sa Kobe ay iisa lang. Ang papa mo! At baka siya rin ang bumaril kay Otōsan para hindi matuloy ang kasal n’yo ni Sugawara-san!” sabi ko pa matapos ang mahaba-habang kuwento tungkol sa nangyari sa amin sa Umeda.

Matalim na tingin ang pinukol niya sa akin. Hindi ako nagpaapekto. Lalo pa akong ginanahan sa pagkukuwento.

“Hindi ka ba natutuwa? I have a gut feeling na nariyan lang all along ang papa mo. Binabantayan ka! Palagay ko hindi totoong iniwan ka nga niya nang tuluyan. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa iyo,” sabi ko pa.

“What’s the use? Lumaki ako nang wala siya. Ano ngayon kung siya ang nagligtas sa akin -—sa ating dalawa?”

At nagtungo na siya sa kusina para mag-brew ng kape. Sinundan ko siya at nagpatuloy sa mga haka-haka ko.

“Siya rin siguro ang nag-warning kay Otōsan na huwag ka na niyang ipagpilitang ipakasal kay Sugawara-san. Palagay ko iyon ang pinunta niya sa ospital noong araw na iyon.”

Hindi na siya umimik pa. Sinubukan ko siyang lambingin.

“Ba’t ba ang suplado mo ngayon?”

“Paraanin mo ko,” utos niya sa akin. Galit na. Hindi ko pinansin ang pag-aalburuto niya. Nilandi-landi ko pa siya. Lalo siyang nainis.

“Hindi porke may nangyari na sa atin ay pwede mo na akong utuin. Umalis ka nga riyan. Nakakainis ka na. Umalis-alis ka pa kasi ng bahay.”

Nasaktan ako sa sinabi niya. Napalis tuloy ang ngiti ko. Pinadaan ko siya at bumalik na sa kusina. Ako na ang nagpatuloy sa pagbu-brew ng kape habang tahimik na umiiyak. Mayamaya ay naramdaman ko na lang na hindi na ako nag-iisa. May mga braso nang nakapulupot sa baywang ko. Bumalik ang mokong.

“I’m sorry,” bulong niya sa akin sabay halik sa leeg ko.