![]() | ![]() |
Hindi ako mapakali habang hinihintay namin ang resulta ng operasyon sa papa ni Ryu. Daig ko pa ang tunay na anak.
“Maupo ka nga, Mara. Kanina pa ako nahihilo sa paikot-ikot mo,” asik sa akin ni Ryu. Inasiman pa ako ng mukha.
Bago ako makasagot, may lumapit sa aming doktor at malungkot ang mukha. Namutla ako agad.
“Pasensya na. Ginawa namin lahat, ngunit hindi namin nasagip si Yasuda-san.” At yumuko ito hanggang baywang tanda ng taos-pusong paghingi ng paumanhin.
Pinangiliran agad ng luha si Ryu. Ojisan, banggit niya. Teka. Sino? Umurong ang mga luha ko. Nang ulitin ng doktor ang pangalan, halos ay magtatalon ako sa tuwa. Yasuda-san. Hindi Matsushita-san.
“Pwede ko ba siyang makita bago n’yo dalhin sa morge?”
Tumango ang doktor at dinala kami sa operating room. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang si Otōsan nga pala talaga ang namatay. Nang ma-realize kong ikinatuwa ko pa iyon, na-guilty ako. Nakita ko kasing tunay na nagdadalamhati si Ryu.
“May you rest in peace, Ojisan,” bulong pa niya sa bangkay.
Nagpaiwan si Ryu para asikasuhin niya ito at ako nama’y bumalik sa kinaroroonan namin kanina para maghintay sa resulta ng operasyon sa papa niya. Makaraan ang ilang sandali, lumabas ang doktor na maaliwalas ang mukha. Hinahanap nito agad si Ryu. Nagpakilala akong asawa niya at humingi ng impormasyon sa kalagayan ng pasyente. Ngumiti ang doktor at masiglang ipinaalam sa akin na ligtas na raw sa kapahamakan si Matsushita-san. Tinawagan ko agad si Ryu para ibalita iyon, pero wala ang inaasahan kong kagalakan. Sa halip nagsabi lang na mauna na raw siya sa inuupahan naming silid sa kabilang wing ng hospital, iyong para sa mga kaanak ng pasyente. Pagdating ko nga ro’n, nakahiga na siya at mukhang tulog na. Dahan-dahan akong nahiga sa tabi niya at yumakap. Gumalaw siya’t hinawakan ang kamay kong nakapatong sa tiyan niya.
“Onaka suita? (Gutom ka ba?),” inaantok niyang tanong.
Umiling ako. “Tsukareta. (Pagod.),” sagot ko naman sabay pikit.
Hindi na siya umimik. Mayamaya’y namigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Alas otso na pala ng umaga. Mabilis akong naghanda para makabisita agad sa papa niya. May pakpak ang mga paang tinungo ko ang sinasabing intensive care unit kung saan siya dinala. Isinuot ko muna ang bigay na hospital gown at cap bago excited na binuksan ang silid. Pero hindi ako nakapasok agad dahil nandoon na pala si Ryu. Naunahan ako.
May kung anong humaplos sa puso ko nang makitang pinisil-pisil nito ang kamay ng ama. Yumayakap pa siya sa dibdib nito. Naramdaman siguro niya ang presence ko dahil bigla siyang lumingon.
“Kanina ka pa ba riyan?” tanong niya sabay upo nang matuwid.
“Ngayon-ngayon lang,” sagot ko at pumasok na nang tuluyan. “I’m so happy, you’re giving him a chance,” bulong ko.
“Ano ba’ng pinagsasabi mo?” asik niya sa akin sabay tayo. “Ikaw na muna rito at may aasikasuhin pa ako.”
Hindi ko na siya pinigilan. Nang ako na lang doon, kinausap ko si Matsushita-san at nagpasalamat sa kanya sa pagligtas uli sa buhay ko. Nakita ko siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata. Inikot nito ng tingin ang buong silid, parang may hinahanap. Lumabas naman ako agad para habulin si Ryu. Pero hindi na pala kailangan. Nakasandal lang pala siya sa gilid ng pintuan. Nakatingin sa malayo.
“Nagising na ang papa mo!” excited kong balita sa kanya. Hinila ko siya papasok sa loob, pero hindi siya nagpaakay. He refused to get inside.
Ilang umaga ko pang nahuling bumibisita si Ryu sa ama, pero sa tuwing darating ako’y umaalis naman agad. Kapag binabanggit ko iyon, hindi niya ako iniimik. Minsan, iniiba pa ang usapan. Ang payo ni Mama, hayaan ko lang daw muna siya. Baka hindi pa handang mag-open up. Ganunpaman, hindi ko pa rin maiwasang mangulit.
“Hindi naman kabawasan ng pagkalalaki kung aaminin mong mahal mo rin ang iyong ama sa kabila ng lahat. Nakita ko kung paano mo siya titigan kanina at nang mga nakalipas na araw.”
“Namamalikmata ka lang. I just went there to check on him for you.”
Nang ipagpilitan ko ang nakita, sinimangutan ako’t tinalikuran pa. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.
Sa ika-isang linggo namin sa ospital, naabutan ko na naman si Ryu sa silid ng kanyang ama. Hindi kagaya noon na palaging tulog ang ama habang nakatunghay siya rito, this time gising na gising na si Matsushita-san at nag-uusap sila. Nag-atubili tuloy akong pumasok. Tatalikod na sana ako para bigyan sila ng privacy nang tinawag ako ng kanyang ama.
“M-mara-chan.”
Lumapit ako at yumuko nang bahagya bilang pagbati. Sinulyapan ko si Ryu. Nakita ko siyang nagpahid ng luha at tumalikod pa sa akin. Knowing him, ayaw niyang malaman kong nag-e-emote siya sa ama kung kaya nagkunwari akong walang napansin.
“Kumusta na po kayo, Matsushita-san,” tanong ko.
“Papa. Iyan na rin ang itawag mo sa akin.”
Nang humarap si Ryu, tuyo na ang mukha nito. Kaagad itong nagpaalam sa akin na may aasikasuhin lang daw sandali. Hindi ko naman pinahalatang nakita ko ang pag-e-emote niya kanina.
Nagkukumustahan kami nang pumasok ang doktor at sinabi nito na maaari nang makalabas ng ospital sa makalawa si Matsushita-san.
“Ang galing! Magkakasama na rin tayo sa iisang bubong, Papa! Huwag po kayong mag-alala. Ako mismo ang mag-aalaga sa inyo.”
“Nagagalak akong ikaw ang nakatuluyan ng anak ko,” nakangiti niyang sagot. Hinagud-hagod pa ang buhok ko.
Malawak na ngiti rin ang sagot ko. I made a mental note na sabihan si Ryu na gusto kong magsama-sama na kaming lahat sa bahay namin sa Nagoya. Total naman wala nang iba pang kamag-anak ang kanyang ama.
Nang magkita nga kami ni Ryu nang tanghaling iyon, binaggit ko sa kanya ang sinabi ng doktor at minungkahi ko na rin na sa bahay na ituloy si Papa. Tiningnan niya ako nang masama at sinabing wala siyang balak na makasama ang ama sa iisang bubong.
“Bakit naman? Ikaw na lang daw ang natitira niyang close relative.”
“Huwag mo akong madaliin.” At iniwan niya ako sa hospital canteen.
Pagbalik ko sa tinutuluyan naming condo sa kabilang side ng ospital, naabutan ko siyang nagpapahinga sa kama habang ang braso’y nakapatong sa noo. Dahan-dahan akong tumabi sa kanya. Nakiramdam muna ako bago ko pinatong ang kamay sa dibdib niya at niyakap siya. Akala ko tatabigin niya iyon, pero hinayaan niya lang. Nang ipatong ko ang isang hita sa mga hita niya, naramdaman ko siyang kumilos kung kaya inalis ko agad doon ang hita, pero bigla niya iyong hinawakan at pinanatili roon.
“Minsan, nakakainis ka, alam mo ba iyon?” bulong niya.
“Gusto ko lang naman kasing magkaayos na kayong mag-ama. Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon n’yo at si P-Papa’y gano’n din.”
Hindi siya umimik, pero ramdam ko nang hindi siya galit. Ang dami ko sanang gustong itanong kaso nag-aalangan akong baka masira ang moment namin. Napi-feel ko kasing parang gusto niyang makipag-ano sa akin nang oras na iyon. Ang likot na kasi ng kamay niya. Nang gumalaw siya, kalahati ng katawan niya’y naipatong na niya sa akin at nakaunan na rin ako sa isa niyang braso. Inamoy-amoy niya ang leeg ko. Akala ko sisiilin na niya ako ng halik sa labi kaya nabigla ako nang dumistansiya siya nang kaunti at nagsabi ng, “Ojisan lied to me. Hindi pala totoong nagka-affair si Papa sa mama ni Keisuke. No wonder, hindi rin nakipaghiwalay ang papa ni Keisuke sa mama niya. Now, it makes sense.”
Napangiti ako nang lihim. He’s starting to explain things to me.
“Paano ka nakasisiguro na ito nga ang totoo?” malumanay kong tanong habang hinahagud-hagod ang kanyang buhok.
“Keisuke’s father is an arrogant and proud man. Hinding-hindi iyon papayag na maiputan ng asawa sa ulo. Kaya nga, although I believed Ojisan, a part of me was puzzled dahil nakita kong hindi nagbago ang tinginan ng mag-asawang iyon.”
“Akala ko ba, you also caught them in the act?” pagpapaalala ko sa kanya. Iyon kasi noon ang sabi niya sa akin.
“Frame up lang pala iyon. Hindi ko naman talaga nakita sa akto. It looked like they were doing something. Si Ojisan na ang nag-explain sa akin ng pangyayari. Sino ba ang paniniwalaan ng isang batang musmos?”
Napatangu-tango ako. Knowing Otōsan, kayang-kaya nga niyang manipulahin ang lahat ng iyon lalo pa’t pinakita niya kay Ryu na mahal na mahal niya ito.
“Keisuke’s mom got a huge amount of money from Ojisan after that incident. That explains their wealth. Bigla na lang kasi silang yumaman. Sa pagkakaalala ko kasi noon, ordinaryong sarariman (salaried male employee) lang naman ang papa ni Keisuke. Pareho sila ng papa ko. Sinuwerte lang si Papa nang mapangasawa si Mama, ang anak ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan nila dati.”
“Ang sama talaga ni Otōsan! Paano niya nagawa iyon sa mama mo? She was his only sibling!” naibulalas ko.
“A few weeks before that, nagpalabas daw kasi ng memo ang lolo ko appointing my father to be the new Chief Operating Officer (COO) ng kompanya namin. Na-threaten siguro si Ojisan. Papa showed me that memo the other day noong binisita ko siya.”
Papa. Natatawag na niyang papa si Matsushita-san.
“Kung gano’n na wala naman palang kasalanan si Papa sa iyo, why not ask him to live with us?” pagbabakasakali ko uli.
“May kasalanan pa rin siya sa akin. Hindi niya ako pinaglaban. Nang namatay ang mama ko, kahit na ang paniniwala ko’y siya ang naging dahilan no’n, I was still hoping na balikan niya ako at pilitin si Ojisan na ibigay ako sa kanya. He didn’t do that.”
“Hindi ba sabi mo naman before, binalikan ka niya pero hindi ka lang binigay ni Otōsan?”
“Kulang iyon. Kung talagang importante ako sa kanya, he shouldn’t have stopped until he got me. Pero hindi, eh. Sumuko siya agad gaya ng pagsuko niyang ipagpilitan kina lolo ang apelyido niya sa akin—-sa amin ni Mama. Kaya Matsushita siya at Otsuji ako. Kahit kailan wala siyang guts. Kahit kailan hindi siya marunong manindigan!”
Mukhang Papa and I still have some work to do para tuluyan naming mapalambot ang puso niya. But then, masaya na ako na we’re inching closer towards it. Sapat nang tinatawag na niyang papa si Papa.
Inamoy-amoy ko ang kili-kili niya. Mabango pa rin kahit hindi pa siya nakapaligo. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
“Ano ba’ng pinaggagawa mo?” tanong niya.
“Tinitingnan ko lang kung nangangamoy ka na.”
“Baliw!” asik niya sa akin at bumangon.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
Imbes na sagutin ako, hinila niya ako pababa ng kama.
“Ano ba?!” pagpupumiglas ko. Hindi niya ako pinansin. Binuhat niya ako at dinala sa banyo. Pinasok niya ako sa bathtub at binuksan ang shower. Nabasa tuloy ako. Habang sinasalag ko ang tubig, naghubad siya sa harapan ko at lumusong sa bathtub. Napasinghap ako nang tumambad sa aking paningin ang nagngangalit niyang sandata. Parang handa na namang sumalakay. Lalo iyong naghumindig dahil tinititigan ko.
“What are you staring at,” he asked under his breath.
Saka ko lang inalis doon ang tingin at nginitian siya na tila nahihiya. Hinila niya ako papasok sa bathtub at siniil ng halik sa labi. Tinulak ko nang bahagya ang kanyang dibdib.
“Saglit lang! Ryu, ano ba?” Tumalikod ako sa kanya.
“What?” He looked impatient now.
“Hindi pa ako nakapag-toothbrush.”
“Bwisit! Akala ko na kung ano.” Hinila niya ako uli at sinapo pa ang pisngi. He gave me a slow kiss bago nilayo ang mukha. Kinusut-kusot pa nito ang ilong at umatras nang ilang hakbang.
“Ano ba!” Nabahala ako.
“Yeah. Kailangan mo ngang mag-toothbrush muna. Your breath stinks!” sabi pa niya.
Nag-init ang mukha ko. Bumuga-buga ako sa kamay gaya ng ginawa ko noon nang sinabihan akong my breath smelled rotten. Napabunghalit naman siya ng tawa at niyakap ako from behind.
“Nagbibiro lang ako. ‘Lika nga, baliw!”
Kinabig niya ako at siniil uli ng halik. Hindi na ako nakaalma. Nanlambot na kasi ang mga tuhod ko kaya napayakap ako sa kanya. I never dreamt to do it in a bathtub. But we did it.