![]() | ![]() |
Nang matapos ang Fall Semester, nagdesisyon kaming magpakasal na sa simbahan. Hindi na natuloy ang original plan na sa Osaka gaganapin ang kasal. Kahit wala na si Otōsan at nakakulong na rin ang kuya ni Sugawara-san ayaw magbakasakali ni Ryu kung kaya sa Maynila na ginanap ang pag-iisang-dibdib namin. Buo na sana ang kaligayahan ko dahil dumating sa Pilipinas si Yuki-chan kasama ang nobyong si Hayato na siya ring best man ni Ryu, pero wala si Papa. Hindi ko nakumbinsi si Ryu na imbitahin din ang ama nito. Ang sabi ni Mama huwag ko raw munang pilitin si Ryu na umaktong isang mabuting anak sa papa niya. Dapat ko raw isipin na ang tagal na panahon na hindi niya ito nakasama at nakagalitan pa.
“It’s your wedding day.You should be happy,” sabi ni Yuki-chan habang inaayos-ayos niya ang pagkakalagay ng veil ko.
“Oo nga naman,” sang-ayon naman ni Haruka. “Ikaw lang ang alam kong ikakasal na nakabusangot. Ayusin mo nga iyang pagmumukha mo. Mamaya niyan iisipin ng mga tao na pinilit ka lang magpakasal kay Ryu. Kawawa naman ang asawa mo.”
Tinulungan nila ako na sumakay na sa bridal car na naghihintay sa akin sa harap ng hotel. Hindi ko alam kung bakit hindi maganda ang pakiramdam ko. Baka anxious lang ako na may masamang mangyari sa wedding namin. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa amin ni Ryu parang natatakot akong may gumambala na naman sa amin kahit malayo na kami sa Osaka. Na-trauma na yata ako.
Pag-ibis ko sa sasakyan, nahagip agad ng tingin ko ang loob ng simbahan. Na-mesmerize ako sa ganda ng mga bulaklak na nakapalamuti sa arkong dadaanan ko pati na sa magkabilang gilid ng aisle. Daig pa ang paraiso! Sinalubong ako ng wedding planner at may mga sinabi ito, pero wala akong naintindihan dahil na-overwhelm ako sa nakitang kagandahan.
“Ma’am?” untag nito sa akin.
No’n lang ako napatingin sa kanya.
“You did a very good job,” maluha-luha kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. “I’m so happy na nagustuhan n’yo po. Your husband was very meticulous. He wanted everything to be perfect.”
“I really love the flowers.”
Lumapit na sa amin si Mama dahil sisimulan na raw ang bridal march. Bumulong siya sa akin na ang ganda-ganda ko raw. Sulit daw ang mga hirap at sakripisyo na pinagdaanan niya kay Otōsan dahil naging daan daw iyon para matagpuan ko naman ang soulmate ko.
Nang naglalakad na kami nahilo na naman ako. Pero nang makita ko si Ryu na nakatayo malapit sa altar, biglang bumuti ang pakiramdam ko. Ang guwapo niya sa suot na barong Tagalog! Bagay.
Pinuri siya ni Mama sa suot nang magkaharap na kaming tatlo. Ngumiti lang siya at maingat akong inalalayan hanggang sa makarating kami sa tapat ng altar. Bago magsimula ang seremonya, itinaas niya muna ang veil ko at masuyong pinahiran ang mga luha ko.
“Ba’t ka na naman umiiyak? May kulang pa ba sa ginawa ko sa simbahan?” nag-aalala niyang tanong.
“Tears of joy,” nakangiti kong pakli.
“Baliw,” anas nito sa akin. He rolled his eyes.
Naging blurry na ang lahat para sa akin. Nahilo na naman kasi ako. Kahit malakas ang aircon sa simbahan, nainitan ako. Gusto ko na ngang matapos ang seremonya at nang makapagpahinga na. Napansin siguro ni Ryu ang discomfort ko dahil panay ang sulyap niya sa akin. Pinisil-pisil pa niya ang isa kong palad. Nang i-hudyat na ng pari na puwede na akong halikan ni Ryu bilang kanyang kabiyak, nakahinga ako nang maluwag.
In a few minutes, the ceremony will be over.
Napasinghap ako nang itaas na ni Ryu ang veil. Kahit ilang beses na kaming naghalikan, mayroon pa rin akong pananabik sa tuwing gagawin niya iyon. Kakaiba kasi siya tumitig. Nanunuot.
Tumigil na naman ang pag-inog ng mundo ko nang dumampi ang malambot niyang mga labi sa labi ko. Hindi kagaya ng nakagawian, parang dampi lang ang ginawa niyang halik ngayon. I was so disappointed. Nakita ko siyang ngumiti nang pilyo nang lumayo na ang mukha sa mukha ko.
“Nasa simbahan tayo, baliw. Humanda ka na lang mamaya.”
Bahagya akong pinamulahan nang mapagtantong nabasa niya ang damdamin ko kaya kaagad kong pinabulaanan iyon.
“Kunwari ka pa,” pabulong niyang sagot.
Pagharap namin sa mga tao, umugong ang masigabong palakpakan. At napaawang ang mga labi ko nang makita si Papa na nasa unang hanay ng mga upuan na nakatalaga para sa bisita ng groom.
“Alam kong hindi makokompleto ang kaligayahan mo sa araw na ito kung wala siya. Kaya hayan, inimbita ko na rin.”
Hindi ko na napigilan ang pagbulwak ng mga luha. Napayakap ako sa kanya at halos humagulgol na sa balikat niya.
“Ano ba? Nagtataka na ang mga tao sa kinikilos nating dalawa. Iyak ka nang iyak diyan. Tama na nga ang drama,” asik nito sa akin, pero niyakap din ako nang mahigpit at hinagkan-hagkan pa ang buhok ko.
“I love you,” bulong ko sa kanya.
“Alam ko,” nakangisi niyang sagot.
Nang ihudyat ng wedding planner na lumapit ang immediate family ng groom para kunan kami ng larawan, wala akong pagsidlan ng tuwa. Sinalubong ko ng yakap at halik si Papa. Tumayo siya sa gilid ni Ryu at kinuhanan kaming tatlo ng larawan. Bago siya bumalik sa kanyang upuan ay madamdamin niya akong pinasalamatan.
“I'll always be thankful to you for giving me back my son.”
“Ako nga ang dapat magpasalamat sa inyo. Kung wala po kayo, wala sana ako rito ngayon. Hindi sana magaganap ang ganito ka gandang kasal.”
Habang nagda-drama kami ni Papa, walang imik na nakamasid lang sa amin si Ryu. Tumango lang siya sa ama nang pisilin nito ang kanyang balikat. Bahagya ko siyang siniko at sinenyasang yakapin din si Papa, pero hindi siya tuminag. Nang wala na ang ama sa harapan namin, saka lang siya nagsalita.
“Wala sa kultura namin ang pagiging madrama. Ang weird kaya.”
“It’s okay to hug people you love.”
He just rolled his eyes again.
**********
Maghihiwa na sana kami ng cake nang bigla na naman akong nahilo. Buti na lang maagap akong naalalayan ni Ryu.
“What’s wrong?” may pag-aalala niyang tanong.
“W-wala. Sobra lang siguro akong stressed out.”
Minadali na namin ang nalalabi pang seremonya para makapag-pahinga na ako. Bago namin nilisan ang reception, nagsilapitan sina Haruka at Yuki. Niyakap nila ako pareho.
“You look so pale, Mara. Are you okay?” tanong agad ni Yuki-chan.
May binulong naman sa akin si Haruka. Natawa ako.
“Hindi no! Pagod lang ako,” sagot ko naman.
After like a hundred years, natapos din ang lahat. Hinatid kami ng mga taong malapit sa puso namin sa kotseng magdadala sa amin sa hotel kung saan kami mananatiling dalawa habang nasa Pilipinas. Pagkaupo namin sa loob ng sasakyan, napasandal ako sa dibdib ni Ryu. Patang-pata.
“Okay ka lang ba? Kung gusto mo, magpatawag na tayo ng doktor pagdating natin mamaya sa hotel,” masuyong sabi niya sa akin.
“Don’t worry. Pagod lang ito.”
Nagdilat lang ako ng mga mata nang maramdamang dumating na nga kami sa tapat ng hotel. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa sasakyan, pero paghakbang ko nanlambot kaagad ang mga tuhod ko. Pinangko na niya ako papasok ng hotel. Nahiya pa sana ako dahil maraming tao sa bungad nito, pero wala na akong lakas. Hindi ko na talaga kayang maglakad.
Pagkahiga nito sa akin sa kama, nakita ko siyang may tinawagan. Hindi ko na nalaman kung ano ang mga sumunod na pangyayari dahil bigla akong nakatulog. Paggising ko, nakasuot na ako ng manipis na cotton dress at maayos nang naka-hang sa dingding ang trahe de boda ko. Nakahiga rin sa tabi ko si Ryu. Nakatagilid paharap sa akin. Agad na lumiwanag ang kanyang mukha nang makitang gising na ako.
“Oh, thank God!”
“Bakit? Ano ba’ng nangyari?” inaantok kong tanong.
“You passed out. The doctor said it’s pretty normal, pero nag-aalala pa rin ako. Naisip ko na nga sanang i-admit ka na lang sa ospital.”
“I-admit? Ang OA mo. Napagod lang ako nang sobra tsaka na-stress na rin sa mga pangyayari. Wala akong sakit.”
“Alam kong wala kang sakit. Pero sa kondisyon mo, kailangan mong mag-ingat. Speaking of which, nagpaakyat na lang ako ng hapunan natin. Kung gusto mo, iinitin ko na.”
Inignora ko ang iba nitong sinabi. Bumalik ang diwa ko sa narinig na ‘sa kondisyon mo’ at bigla akong kinabahan. Nakita ko siyang ngumiti nang malawak. Hinawakan pa niya nang mahigpit ang mga kamay ko.
“Akala ko mayroon na akong deperensya dahil ang tagal-tagal na kasi tapos wala pa rin.” Napakamot siya sa ulo nang nangunot ang noo ko.
“You’re pregnant,” nakangisi niyang balita.
Napaawang ang mga labi ko. Buntis ako?!
“Isn’t that great? In seven months we will be officially parents.”
Gosh, I’m pregnant! Tama ang dinig ko!
Ilang minuto pa bago nag-sink in sa akin ang good news. Nang ma-realize ang impact ng balita sa buhay naming dalawa, napangiti ako. Ang ngiti ko ay naging bungisngis. Na kalauna’y naging halakhak. Natawa rin sa akin si Ryu. Ginulu-gulo niya ang buhok ko.
“Sobra kang delayed reaction kahit kailan.”
Hindi ko pinansin ang pang-aalaska niya. Bigla ko siyang niyakap at pinaghahalikan sa pisngi. Hinuli niya ang mukha ko at binigyan niya ako ng mainit na halik sa mga labi.
“Kaya mo na ba?” panunukso niya sa akin. May pilyong ngiti sa labi.
“Kayang-kaya,” pilya kong sagot sabay kindat sa kanya.
May pagmamadaling hinubad namin ang suot ng bawat isa at buong pananabik na nagyakapan uli. Hindi na namin pinatagal ang foreplay dahil hindi na rin ako makapaghintay. Halos isang linggo kaming hindi nag-anuhan dahil sa preparasyon sa kasal kung kaya diyeta kami pareho. Nang ganap na kaming mapag-isa, impit akong napaungol. Gano’n din siya. No’ng una, dahan-dahan lang muna ang mga galaw namin dahil kapwa kami natatakot na maalog ang baby, pero bandang huli’y hindi rin namin nakayanan ang silakbo ng damdamin. Nang humupa na ang lahat, buong pag-alalang niyakap ako ni Ryu.
“Sigurado ka bang hindi natin naano si baby?” tanong pa niya.
Napabungisngis ako. Akala ko nagbibiro lang siya. Seryoso pala.
“Don’t worry. Safe si baby,” sagot ko.
Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan sa mga mata, ilong at labi habang binubulungan ng “I love you.” Maluha-luha ko naman siyang sinagot ng, “I love you, too!”