image
image
image

CHAPTER 3

image

Ang bayan ng mga Tarosian ay nasa loob ng isang malaking crater ng isang inactive volcano na kabilang sa mga nagtataasang bundok sa northern part ng Russia. Tulad ng ibang clans ng mga Niesmire, nauubos na rin ang lahi ng mga Tarosian. Umaabot na rin kasi ang polusyon sa mga kabundukan. Hindi na kataka-taka iyon dahil maging ang ozone layer ng mundo ay nasisira dahil din sa sinasabing polusyon.

Mahahaba ang buhay ng mga Niesmire. Kahalintulad sila ng long-lived trees na libong taon ang itinatagal sa mundo. Dahil dito, taon din ang binibilang bago nagkakaroon ng supling ang bawat clan na nabibilang sa Niesmire. Madalas din ay may kailangang requirement para isilang ang isang Niesmire. The right time, place and even placement of the stars were required for the successful birth of a Niesmire. Pero ang mga batang Niesmire ay agad na nagkakasakit at namamatay dahil sa polusyong kumakalat sa buong mundo.

Bago pa man isinilang si Hades, the Niesmire was already a dying race. Ngunit ang unofficial queen ng mga Niesmire, ang Nephalym, ay nadiskubre na taglay ni Hades ang kakayahan na gawing immune sa polusyon ang isang bagong silang na Niesmire. Dahil sa kakayahang ito ni Hades kaya ngayon sila naririto ni Sabu sa Tarosian village.

Nang lumabas sina Hades at Sabu sa Sanctuary portal ay naghihintay na sa kanila ang leader ng mga Tarosian na si Elder Savin. Bagama't ang exit portal ng Sanctuary ay kung saan-saan lumilitaw, laging nababatid ng isang Niesmire ang exact spot kung saan ito magma-materialize. Saglit lamang ang naging batian at kumustahan nila. Maglalakbay pa sila ng ilang milya dahil may kalayuan pa ang village ng mga Niesmire sa portal.

Nang makarating sila sa village ng mga Tarosian ay agad silang dinala ni Elder Savin sa kinaroroonan ng isisilang na Tarosian.

Hindi ito ang unang beses na napunta si Hades sa village. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang hangaan ang magaganda at intricately designed ice houses ng mga Tarosian. Bagama't sa mga kabundukan nakatira ang mala-higanteng Tarosians, magagaling na craftsmen ang mga ito. Maaaring ikumpara ang buong village sa isang winter wonderland or a fairyland in ice. Isang familiar tune ng isang sikat na animated movie ang biglang tumugtog sa isipan ni Hades. Agad niyang pinatigil iyon. Wala siyang balak na panoorin ang pelikula tungkol sa isang reyna na nagtataglay ng kapangyarihan ng niyebe ngunit kinaladkad siya roon ni Alym. Ngayon, sa tuwi siyang makakakita ng ice o snow ay bigla na lamang tumutugtog sa loob ng isipan niya ang theme song ng pelikula!

Ang two hundred plus population ng Tarosian village ay nasa plaza. Nakapaligid ang lahat sa maliit na hot spring na naroroon at nagbibigay ng isang thick mist sa paligid. Binigyan sila ng daan ng lahat para makalapit sa hot spring. Sa pampang ng hot spring ay nakita ni Hades ang isang two-meter-wide na bloke ng yelo. Agad niyang nabatid na hindi ito pangkaraniwang yelo dahil kulay light blue ito, kakulay ng mga nakita niyang batang Tarosian. Light blue ang kulay ng balahibong bumabalot sa katawan ng isang Tarosian kapag bata pa ito at unti-unting nagiging puti paglaki.

Nilapitan ni Hades ang bloke ng yelo. Ngunit kahit na ano pang tingin ang gawin niya sa bawat anggulo ng blue ice ay wala siyang makitang baby Tarosian sa loob nito. It wasn’t even carved in the shape of a normal Tarosian. Sa makakakita sa mga Tarosian, mapapagkamalan silang giant polar bears dahil naglalaro sa ten feet ang karaniwang tangkad ng mga ito. Ngunit isang malaking kaibahan nila sa polar bears ay ang pagkakaroon nila ng dalawang malalaki at mabibilog na bughaw na mga mata na halos omokupa na sa kanilang buong mukha. Dahil sa kaanyuang ito ng mga Tarosian, malakas ang kutob ni Hades na ang mga Tarosian ang pinagmulan ng kuwento tungkol kay Big Foot at sa Abominable Snowman.

Binalingan ni Hades si Sabu na nakadapo na ngayon sa kanyang kanang balikat.

"Ito bang block of ice ang baby Tarosian?" usisa niya.

"No idea. Hindi pa rin ako nakakakita ng isang baby Tarosian. Two hundred years na ang nakakaraan mula nang may isang Tarosian na isinilang. Hindi pa ako isinisilang noon."

"Ilang taon ka na ba, Sabu?" Matagal na siyang curious na malaman ang tunay na edad ng kaibigan.

"I’m only 65 years old kaya ako ang itinuturing na pinakabata sa members ng Finder Unit."

Bata pa ngang maituturing ang Finder kumpara sa ibang Niesmire lalo na sa lahat ng mga Tarosian na nasa paligid nila.

Tumikhim si Hades at hinarap si Elder Savin.

"Pinatawag ninyo ako para tulungang maging immune ang bagong silang na Tarosian. But this is just a block of ice."

"Iyan ang incubator para sa aming baby," paliwanag ni Elder Savin.

"I see. Hindi pa pala isinisilang ang baby."

"Kailangan mong ilagay ang immunity magic mo sa block of ice na iyan, Hades. Oras na masalin na sa block of ice ang immunity magic mo, maaari na naming ilagay sa loob ng incubator ang aming sanggol. He can then start absorbing the immunity into his body for a year."

Last year lamang ginawa ito ni Hades sa isang Niesmire at iyon ay sa mga fish-like Baville. Inilagay lamang niya ng ilang minuto sa kanyang palad ang baby Baville para makuha nito ang immunity na kailangan nito para mabuhay.

Pero hindi kakasya sa kanyang palad ang malaking bloke ng yelo.

"Sasapat bang hawakan ko lamang ang yelong ito? O kailangan kong hawakan ang bawat part ng incubator?" usisa niya.

"Hades, kailangan mong manatili sa loob ng yelo hanggang sa magbago ang kulay nito. Once the ice has changed color, ibig sabihin ay taglay na nito ang immunity mo at mailalagay na namin ang sanggol sa loob noon."

Natigilan siya. Ikukulong siya ng mga Tarosian sa loob ng yelo? Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga naglalakihang mata ng mga Tarosian. Malinaw sa mga mata ng mga ito na umaasa silang gagawin niya iyon.

"The service fee for this is worth it," ani Sabu. Bukod sa pagiging member ng Finder Unit, suma-sideline rin ang kaibigan bilang kanyang manager. Ito ang nakikipagnegosasyon sa mga clan ng Niesmire para sa kanyang service fees sa bawat trabahong gagawin niya para sa mga ito.

"I already have enough gold and jewels." Kinita niya ang mga iyon sa iba't ibang trabaho na dinala sa kanya ng mga Niesmire nitong mga nakaraang buwan.

"Alam iyon nina Elder Savin kaya iba ang ipambabayad nila sa iyo," ani Sabu.

"What is it?"

Ibinulong ni Sabu sa tenga niya ang kanyang magiging kabayaran sa trabahong ito. Napangiti siya. Magugustuhan tiyak iyon ni Alym! At malaki rin ang kanyang makukuhang pakinabang.

"Okay then. Let’s do this!" malakas niyang pahayag. "Paano nga pala ako papasok sa loob ng ice na ito?"

"Kami na ang bahala riyan, Hades," nangingiting sabi ni Elder Savin.

Nagulat siya nang palibutan siya ng ilang mga Tarosian. Lumipad palayo sa kanya si Sabu. Nagsimulang mapuno ng usok ang paligid hanggang sa wala na siyang makita. Nang mawala ang usok, natagpuan niya ang sarili sa loob ng ice incubator!

Napabuntunghininga siya. Ito pala ang paraan para maisalin niya ang kanyang immunity sa incubator. Hindi siya nag-aalala sa maaaring mangyari sa kanya. Minsan na siyang nabalot ng yelo at ang tanging kinailangan niyang gawin noon ay maghintay at maging pasensyoso. Wala siyang dapat ipag-alala sa sitwasyon niya ngayon because he would survive the lack of air. Mataas din ang tolerance niya sa lamig. His hot green blood wouldn't freeze sa sitwasyong ito.

Dalawang oras siyang nanatili sa loob ng ice incubator. Unti-unti, nagbago ang kulay noon. Mula sa pagiging light blue, naging dark green iyon. Kakulay ng dugo niya.

Pinalibutan siyang muli ng mga Tarosian. Tulad ng nangyari kanina, napuno ng usok ang paligid at nang maglinaw na ang kanyang paningin ay nasa labas na siya ng ice incubator. Isang baby Tarosian na rin ang nasa loob ng incubator.

The baby was sleeping. At dahil nakapikit ang mga mata nito, mukha itong isang stuffed toy na masarap yakapin. Napangiti siya.

"Thank you, Hades," ani Elder Savin. Isang maliit na blue pouch ang ini-abot nito sa kanya. Malinaw na naroroon ang kabayaran sa kanyang serbisyo.

"It’s nothing. Pero paano kung maging green ang mga balahibo ng baby?"

Natawa si Elder Savin.

"We have a lot of different-colored dyes here. At uso sa mga Tarosian ang paggamit ng hair dyes."

"Why?" Hindi niya mapigilang magtanong. Sa kabila ng mga bagong bagay na natuklasan niya sa mga Niesmire, nananatiling marami pa rin siyang hindi nalalaman sa mga ito.

"For camouflage. Kung pupunta kami sa gubat, kakailanganin namin ang green dye para hindi kami mapansin. Kapag sa dagat, we use blue. At kapag sa disyerto, brown or yellow, depende sa kulay ng lupa at bato roon. Iyon ang best way para hindi kami mapansin ng mga tao kahit na malalaki ang katawan namin. Pero simula nang mauso ang pagpanood sa mga anime sa television at internet dito sa amin, may ilan na rin sa amin ang nagpapalit ng kulay ng buhok depende sa mood nila. Kaya huwag kang mabibigla kapag may nakita kang Tarosian na kulay yellow or pink."

Saglit na sumingit sa isipan ni Hades ang boss niyang si Aramis. Si Aramis ang Midnight Ambassador at head ng Armistice Department. Bagama't higit itong mas matanda kay Hades ng ilang daang taon, mukhang nasa mid-twenties lamang ang lalaki. Lagi ring iba ang kulay ng buhok nito at hairstyle. Updated lagi ang lalaki sa latest fashion sa Japan at Korea at sa news tungkol sa current favorite nitong mga female idol at girl band. Mahilig makipagrelasyon sa mga babaeng tao ang kanyang boss ngunit bihira sa mga relasyon nito ang sineseryoso nito. Tulad ng mga normal na demon, Aramis was also very promiscuous.

Napansin ni Hades ang ilan sa mga Tarosian na may mga hawak na iPad at cell phone. Kinukunan ng mga ito ng video ang nangyayari. Napangiti siya. Sa kabila ng intricate and fantasy-like houses ng mga Tarosian, makikita sa loob ng bawat bahay ng mga ito ang laptops, flat televisions at iba pang state-of-the art gadgets and appliances. The Niesmires had learned to adapt and use modern equipment and devices na naiimbento ng mga tao. Ngunit imbes na electricity o battery ang gamit nila para paganahin ang mga iyon, magic na nagmumula mismo sa katawan ng bawat Niesmire ang ginagamit nila.

"Let’s go, Sabu!" yaya ni Hades sa Finder. Tiyak na tapos na ang celebration party ng Solaris. At oras na para siya naman ang bigyan ng atensyon ni Alym. At dahil sa bigay sa kanya ng mga Tarosian, their private celebration would be much more memorable! Hindi niya maiwasang mapangisi nang husto nang maglaro sa isipan niya ang mga gagawin niya sa babae oras na madala niya ito sa kanilang kuwarto.

Ang portal ng Sanctuary ay dalawang bundok pa ang layo mula sa Tarosian village. Hindi lumalabas ang Sanctuary portal sa tabi mismo ng villages ng mga Niesmire. Para iyon sa protection ng lahat kung nagkataong isang kalaban o kaaway ang biglang makagamit ng portal. Sa ganoong paraan, magkakaroon ng oras ang mga Niesmire para maghanda sa paglaban o pagtakas bago pa man makarating ang kalaban sa kanilang villages.

Tatlong mga nilalang ang masasabing nagbibigay ng panganib sa mga Niesmire. Una na ang mga tao. Sa kabila ng protection spells na inilalagay sa Sanctuary, may mga pagkakataon pa rin na may mga taong naliligaw at nakakapasok doon. Ikalawa ang demons ng Midnight Corp. at ikatlo ang mga anghel ng Lightside Inc. Bagama't may treaty na ang mga Niesmire sa Midnight at Lightside, itinuturing pa rin ng mga Niesmire na kalaban ang dalawang kumpanya. Nagsisilbing proteksyon ng mga Niesmire ang treaty nila sa dalawang kumpanya ngunit nanatiling walang tiwala ang mga Niesmire sa mga ito. Malinaw pa rin kasi sa alaala ng mga Niesmire ang pagpatay, paggamit at pagbaliwala sa kanila ng dalawang kumpanya noon.

Sa unang tingin, ang portal ay mukhang bahagi lamang ng gilid ng bundok na nababalot sa niyebe. Isang maliit na halaman ang tumutubo sa gilid ng bundok. Ngunit ang totoo, isa itong Guardian Tree. Ito ang nagbibigay proteksyon sa portal.

Simple lamang ang paraan para makumbinsi ang Guardian Tree na buksan ang portal. Kailangan lamang patunayan ng papasok na isa siyang Niesmire. Hindi kayang gawin iyon ni Hades, ngunit dahil kasama niya si Sabu, madali para sa Finder na buksan ang portal.

Saglit pa at lumitaw sa gilid ng bundok ang isang wooden door. Bumukas iyon. Ngunit bago sila nakapasok doon ay isang babaeng kulay luntian ang katawan at nagtataglay ng mahabang buhok na yari sa baging at dahon ang lumabas doon. Animo napuno rin ng mga halimuyak ng bulaklak ang paligid.

"Nephalym!" bulalas ni Sabu.

Bumaling kay Hades ang mga mata ng Nephalym na kasingkulay ng mga mamahaling jade stones.

"You have been neglecting your husbandly duties, Hades," pagalit nito sa kanya. "Or nakalimutan mo na bang asawa kita?"