image
image
image

CHAPTER 4

image

Hindi na nakakilos pa si Hades sa kinatatayuan niya. Nasulyapan niya ang mabilis na pagtalilis ni Sabu. Lumipad ito sa bukas na portal at naglaho. Naiwan siyang mag-isa. Malinaw sa matamang pagkakatingin sa kanya ni Nephalym na naghihintay ito ng sagot.

"I haven’t forgotten!" Mabilis niyang pangangatwiran habang pinagmamasdan ang paglapit ng babae sa kanya.

Hindi uso sa mga Niesmire ang pagsusuot ng damit at madalas na sinusunod ng babae ang ganoong kaugalian. Nang unang beses niyang makita si Nephalym ay isa sa mga unang napansin niya ang perfect figure ng katawan nito. Pangalawa ang malulusog nitong mga dibdib. Pero walang malisya iyon, appreciation of beauty lamang. Kahit kailan naman kasi ay hindi niya inakalang pipiliin siya ng unofficial queen ng mga Niesmire para maging asawa nito. He thought he wasn’t good enough for someone like her.

Yumakap sa baywang niya ang mga braso nito habang nananatiling nakatitig sa kanya ang luntian nitong mga mata. Agad niyang nasamyo ang bango ng mga bulaklak, ng pine trees at ng nahihinog na mga prutas. The smell of the pristine forest surrounded him kahit na nasa gilid siya ng bundok at napapaligiran ng yelo.

Nang bahagyang bumukas ang labi ng babae ay hindi na niya napigilan pa ang sarili niya. Siniil niya ito ng halik.

Matagal na naghinang ang kanilang mga labi. Nang maghiwalay ang kanilang mga bibig ay saka niya napansin ang nangyayari sa paanan nila. Mayroon na roong mga tumutubong damo at ligaw na bulaklak!

Napangiti siya. Nawala sa isip niya na isa sa labingtatlong kapangyarihan ng asawa ay ang pagpapatubo ng halaman sa kahit na ano pang lugar at klima. Nagsimulang kumalat ang damuhan. Isang puno rin ang napansin niyang tumutubo. Marami at makakapal ang mga dahon nito at mayroon ding mga baging na animo lambat na tumutubo pababa sa mga sanga. Saglit pa at mistulang isang green wall na ang nasa tabi nila.

"To give us privacy and protect us from the wind," paliwanag ng babae. "Unless gusto mong makita ng fans mo sa Midnight ang gagawin natin?" panunukso nito.

"Then dapat ay umuwi na lamang tayo sa bahay ko."

Bahagyang napangiwi ito.

"Your room is the most unromantic place na nakita ko. Let’s make love here." Hinila siya nito paupo sa damuhan.

Hindi na siya nakipagtalo. Matagal na niyang natutunan na hindi siya mananalo sa anumang pakikipagtalo sa asawa. Kahit na ang members ng Dark Council ng demon company na Midnight Corporation ay nagawa nitong makumbinsi na sundin ang feministic ideas nito.

Hinagkan niya itong muli at ipinuwesto ang sarili sa pagitan ng mga hita nito.

"Hades, nakadamit ka pa rin," anas nito.

"Hindi ka pa rin naman nagpapalit ng anyo, Nephalym. I can’t make love to you unless mag-aanyong tao ka."

"Sino'ng maysabi sa iyo?"

"But... Every time we do this, you take the shape of a human female," pangangatwiran niya.

"Then it’s about time you make love to this form of mine."

Napakurap siya ng mata. Posible ba iyon? Aside from the hair and skin color, ang hugis at kaanyuan nito ay kawangis ng isang babaeng tao. Her breasts looked like real breasts. Pero hindi sigurado si Hades kung taglay rin ng pang-ibabang bahagi ng katawan nito ang female part na babagay sa kanyang male part.

"Magiging compatible ba ang ating mga katawan?"

"I am not really sure."

Pinandilatan niya ito. Malakas ang naging bungisngis nito.

"Most of my kind never needed any physical or sexual contact with their chosen mate to get pregnant," paliwanag nito.

Batid iyon ni Hades. Ang mother, grandmother and great-great grandmother ng babae conceived their children by taking part of the soul of the father and putting it inside a seed created by their own magic. Walang anumang intimacy. Not even a kiss.

Pero dahil iba ang nature niya at dahil maituturing din na special si Nephalym, they were able to have intimate moments kapag nagta-transform ito bilang isang human female.

"Go check," utos nito sa kanya.

"Seriously?"

"Hindi ka ba curious sa katawan kong ito? Ikaw ang nagturo sa akin that we can kiss and make-out using this body. Now, let’s see if we can also make love."

Sinunod na niya ito. Para masigurado niya, kailangan niyang gamitin nang husto ang kanyang sense of sight and touch.

"Well?" usisa ng babae.

Nag-angat siya ng ulo.

"There’s something missing."

"What?" Napuno ng concern ang mukha nito.

"The button."

"Importante ba iyon? Hindi ba dapat lamang ay may lugar ka lamang na mapupuntahan?"

"It is very important lalo na sa isang babae! That button increases your pleasure."

"I don’t mind."

"But I do!" mariin niyang sabi. "Wala akong balak na magpakasaya nang husto samantalang ang asawa ko ay walang anumang kasiyahang nakukuha."

Napangiti nang husto ang babae. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya.

"Ito ang isa sa dahilan kaya natutuwa ako at ikaw ang pinili kong maging asawa, Hades. You are not selfish." Dinampian siya nito ng halik sa labi.

"Well, I never really had a choice. Shotgun wedding 'yung ginawa mo sa akin eh."

"Nagrereklamo ka ba?" bigla nitong pagtataray.

"No! Masaya rin ako!" mabilis niyang bawi. "And I will never divorce you!"

"Faithful ka ba sa akin?"

"Of course!"

"Then ano itong nababalitaan ko na official girlfriend mo na ang bagong president ng student council sa university ninyo?"

"What are you talking about?!" bulalas niya.

"There are also rumors na nagli-live-in na kayo."

"You are crazy!" pagalit niya rito.

"Sinasabi mo bang mali ang sinasabi ko?"

Hindi malaman ni Hades kung paano sasagutin ang tanong na ito ng asawa. Sa ganitong pagkakataon, malinaw na kahit na ano pang sabihin niya ay bibigyan nito iyon ng ibang kahulugan o babaluktutin. Umaatake na naman ang inborn mischievousness and playfulness sa pagkatao ng babae.

Isa lamang ang tanging solusyon na naisip niya.

Sinunggaban niya ito at mariing hinagkan. Sinimulan din niyang paglakbayin ang kanyang mga kamay sa katawan nito. He knew every sensitive part of her human body. Ngunit sa katawang gamit ngayon ni Nephalym, kailangan niya ang mahaba-habang exploration para matuklasan ang mga lihim nito.

Isang malakas na pagtikhim ang tumapos sa exploration ni Hades. Nasundan iyon ng isang malakas na tawa na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng mga iyon ay nakita niya ang kanyang dating mga guardian na sina Iris at Azael!