![]() | ![]() |
"Sorry for the interruption, Hades," paghingi ng dispensa ng anghel na si Iris.
Malakas ang buntunghiningang narinig ni Nephalym mula sa asawa. Bagama't nakita rin niya ang kasiyahan sa mukha nito kanina sa pagdating ng mga dating guardian nito. Ilang taon nang hindi nito nakikita sina Iris at Azael.
"What else is new? Every time I try to make love to my wife, laging may mga commercial interruption," reklamo nito. "I am glad to see you again, guys, pero pwede bang bigyan ninyo ako ng isang oras bago natin ituloy ang reunion na ito?"
Ikiniling ni Nephalym ang kanyang ulo para makita nang husto ang dalawang bagong dating. Nakaharang kasi ang malapad na balikat ni Hades sa kanyang paningin. Nang maramdaman ng asawa ang kanilang mga bisita ay agad nitong ipinosisyon ang katawan para matakpan ang kanyang kahubaran.
Kung mga tao ang dalawa, maiintindihan niya ang reaksyong ito ng lalaki. Ngunit isang anghel at isang demon ang mga ito. Isang art ang tingin ng mga empleyado ng Midnight sa hubad na katawan. At higit nama'ng mas pinapansin ng mga taga-Lightside ang kaluluwa kaysa sa katawang-lupa.
Hinablot niya ang mga baging na nakalawit sa Jawoon tree na pinatubo niya kanina. Inutusan niya ang mga baging na ihabi ang mga sarili sa hugis ng isang damit. Saglit pa at mayroon na siyang yellow brown dress na hanggang hita. Isinuot niya iyon. Gusto niyang nakikita at nakakaharap ang mga kausap. Tumayo siya at nakapamaywang na hinarap ang mga bagong dating.
"Please don’t tell me na kukunin na naman ninyo si Hades. Is this another death warrant?" pagtataray niya.
"So, you are the fu-"Napatigil sa pagsasalita si Azael. Malaking lalaki ito. Tantiya niya ay seven-feet-tall. All muscles at wala ni anumang taba. Pero maliit lamang ang nag-iisa nitong sungay na nakapuwesto sa noo nito. Kung huhula siya, baka isa lamang itong viscount. "Hey, bakit hindi ako makapagsalita?" Naguluhan ito.
"You are in the presence of the Nephalym," paliwanag ni Hades.
Matagal nang pinagsabihan ni Nephalym ang lahat na itigil na ang paglalagay ng salitang 'the' sa unahan ng kanyang pangalan. Ngunit mukhang maging si Hades ay nahawa na rin sa pagtrato sa kanyang pangalan na tila isang honorific title every time na ipapakilala siya nito.
"The Elders made sure na walang trash talking or swearing na mangyayari sa harapan niya," pagpapatuloy ni Hades. "It’s a magic spell they put on her."
"Dapat pala ay pinag-aralan ko ang magic spell na iyan para hindi ako nagtiis ng labingwalong taon sa marumi mong bibig, Azael," parinig ni Iris. Long golden hair, golden eyes, white wings, white gown and sandals. Iris looked every inch like the angels na madalas nakikita sa mga painting at pelikula. Mararamdaman din agad ng sinuman ang holiness na nagmumula sa espiritu nito.
"Bakit nga pala nandito kayo?" pagbabalik ni Nephalym sa topic.
Saglit na nagpalitan ng tingin sina Iris at Azael bago nagsalita ang anghel.
"Something is happening around the world of humans. Crimes, brutal murders-"
"Normal ang ganyang mga bagay sa mundo ng tao," sabat ni Hades. "Araw-araw ay nagpapatayan ang mga tao. At kailan kayo nagkaroon ng interes sa human crimes? Hindi ba’t mas interesado kayo kung saan mapupunta ang kaluluwa ng mga namamatay? Killings usually result in an innocent victim na siguradong mapupunta ang kaluluwa sa Lightside Inc. at ang mga killer naman instantly becomes a candidate for the Midnight Corp."
"These killings are different, Hades," giit ni Azael. "Dahil walang nakakaalam kung sino ang murderer at ang kaluluwa ng biktima, whether he is good or bad simply vanishes."
Bahagyang nanibago si Hades sa pagsasalita ng dating guardian. Nasanay kasi siya na mayroong dalawa o tatlong f-word sa mga salita nito. Pero dahil sa respect spell na nakapalibot kay Alym, hindi ito makapagmura.
"And these murders are copycats of past grizzly murders in history perpetrated by criminals who were never caught by police authorities," dagdag ni Iris. "As of now, nauulit na muli ang pagpatay sa mga prostitute sa Whitechapel, England tulad ng nangyari noon sa Jack the Ripper murders. Lovers and couples are also being killed in Venice, katulad ng krimeng ginawa ng serial killer na binansagan bilang the Monster of Venice."
"Nangyayari na rin sa North America ang pagpatay ng Zodiac killer. Same place, identical victims at nagpapadala rin siya ng mga cryptic message sa newspapers," ani Azael.
"Anong kinalaman ni Hades sa mga nangyayaring iyan?" Maingat na tanong ni Nephalym.
"Dahil sa bawat murder scene ay may nakukuhang isang kakaibang DNA ang authorities. It’s not human or an animal. But it perfectly matches Hades’s DNA."
"What!" bulalas ni Hades. "Inaakusahan na naman ba ninyo ako? Kahit na natagpuan pa ang DNA ko sa crime scenes, that doesn’t necessarily prove na ako ang may gawa ng krimen. Katakot-takot na dugo ang nawala sa akin noong makipaglaban ako kina Prince Clodius, Count Raksa at Duke Shedim! Malaki ang possibility na sinuman na taga-Midnight o taga-Lightside ang kumolekta ng DNA samples ko sa mga lugar na pinaglabanan namin at iniwan doon sa mga lugar kung saan niya ginagawa ang krimen para i-frame-up ako."
"He does have a point," mabilis na pagkampi ni Nephalym sa asawa. "Sabihin ninyo sa akin kung kailan naganap ang mga krimeng ito at sasabihin ko sa inyo kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na iyon at kung nasaan siya."
Napatingin sa kanya ang asawa. Iniisip nito marahil kung paano niya magagawa iyon.
"I instructed all Niesmires para lagi kang bantayan, Hades. After that death warrant episode na ginawa ng mga taga-Midnight Corp. last year, hindi na ako papayag na mapahamak ka na naman at muling ma-set up," pangangatwiran niya. "This time, hindi na uubra ang anumang false witness na ihaharap nila o mga baluktot na katwiran para palabasing naging isa kang monster since lahat ng activities mo ay inire-record din nila sa video."
"Kahit na ang intimate moments natin?"
Napabungisngis si Nephalym.
"Kapag kasama mo ako, nawawala ang mga bantay mo since mapapatunayan ko sa sinuman kung ano ang ginagawa mo. As for recording our lovemaking sessions, no comment." Nangislap ang mga mata niyang luntian.
"If that’s the case, then hindi tatanggi si Hades na pumunta sa joint investigation na isasagawa ng Lightside at Midnight sa mga nangyayaring copycat killing?" May hamon ang mga salita ni Iris.
"A joint investigation? Are you sure hindi massacre ang mangyayari riyan, Iris? Every time high-ranking members of Midnight and Lightside get together in one place, nag-aaway sila. At ang mga pag-aaway nila ay nauuwi sa patayan," paalaala ni Hades dito. Hindi pa ito buhay noong binubuo ng dalawang korporasyon ang isang Treaty na magpapanatili sa kapayapaan sa pagitan ng dalawang panig. Ngunit nalaman nito ang tungkol sa mga nangyari noong unang panahon nang mag-apprentice ito sa Midnight at Lightside. Isa sa required seminar ng mga apprentice ang pag-aaral sa history sa pagitan ng Midnight at Lightside at ang naganap na Great War sa dalawang kampo noon.
"Hindi mawawala ang arguments, but the killings can be prevented dahil nakakita na kami ng paraan para manatili ang kapayapaan sa pagitan ng Midnight at Lightside sa ganitong klase ng meeting," paninigurado ni Iris. "At kasama rin sa mga dadalo sa meeting sina Ambassador Samuel at Aramis."
"Baka naman kapag nagpunta roon si Hades ay hindi na siya makabalik pa sa akin dahil bigla na lamang ninyo siyang ikukulong," mapaghinalang sabi ni Nephalym.
"I assure you, Nephalym, pareho kaming hindi papayag ni Iris na mangyari ang ganyang sitwasyon," pangako ni Azael.
"Papayag lamang akong pumunta sa meeting na iyan si Hades kung kasama ako," matigas niyang pahayag.
"You can come too," ani Azael. "And since you will be there, you can argue for his innocence."
"He is innocent!" mariin niyang pahayag.
"At kung mapapatunayan ng investigation committee na ito na inosente nga si Hades sa mga nangyayaring krimen sa mundo ng tao, he will not be pronounced a monster and be destroyed," paniniguro ni Iris.
Walang tiwala si Nephalym sa sinumang miyembro ng Lightside at Midnight. They always had different beliefs and goals, pero kung makakakita ng pagkakataon ang dalawang kumpanya para mawala sa mundo si Hades, hindi magdadalawang-isip ang mga ito na samantalahin ang pagkakataon. Technically ay masasabing isang empleyado si Hades ng Midnight. But Lightside believed na darating ang panahon na magiging malakas ito at palalakasin nang husto ang Midnight. Isang bagay iyon na hindi mapapayagan ng mga anghel na mangyari at tiyak na hahanap ang mga ito ng dahilan para ma-eliminate si Hades bago dumating ang araw na iyon.
Sa part naman ng Midnight, iniisip ng mga ito na animo isang ticking time bomb si Hades. At darating ang panahon na ang angelic at demonic nature ng pagkatao nito ay maglalaban, resulting to Hades going insane and turning into a destructive monster. It was widely believed na oras na mangyari iyon, Hades would start killing everyone in Midnight. Hindi rin nakatulong sa reputasyon ni Hades ang ginawa nitong pag-eliminate sa apat na high-ranking officers ng Midnight last year at ang pagiging pasaway nito at sakit ng ulo ng immediate boss nito na si Marquis Aramis. Maraming members ng Dark Council ng Midnight Corp. ang nag-iisip that the company would be better off if Hades was dead or gone. But they still needed a good reason to eliminate Hades. Pero dahil wala silang makitang dahilan, nanatiling nabubuhay si Hades.
Ngunit baliwala kay Nephalym ang opinyon ng dalawang kumpanya. She believed in Hades. Hindi ito magiging isang halimaw dahil malakas ang isipan nito. Bagama't nagrereklamo ito na masisiraan na ng bait kapag sumosobra ang kakulitan niya at kalokohan, madali rin niyang napapakalma ito. She had plenty of feminine tricks to calm her husband.
"Then pupunta ako sa investigating committee na ito," pasya ni Hades. "Sabihin ninyo lamang kung saan at kailan."
"Magpapadala kami ng messenger kapag napagdesisyunan na ang lugar at oras," pahayag ni Iris.
Malakas ang naging tawa ni Nephalym.
"So the two sides still can't decide kung saan ang meeting place. Hula ko ay patuloy pa ring nagtatalo sila ngayon, no?" patutsada niya sa dalawa.
"Nagiging maingat lamang ang dalawang sides," mabilis na sagot ni Azael. "In fact, the place had already been narrowed down to ten places."
"Isulat na lamang ninyo ang ten places na iyan sa mga piraso ng papel, ilagay sa kahon at kalugin. And unang babagsak, iyon na ang gawin ninyong meeting place," mungkahi niya. "Natitiyak kong mas mapapabilis ang pagtatakda ng lugar at oras sa imbestigasyon na ito."
"Sa kabila ng dahilan ng pagdalaw ninyo sa akin, I'm still glad you visited me, guys." nakangiting sabi ni Hades. "Akala ko ay hindi ko na kayo makikitang magkasamang muli. And although both of you were assigned to be my guardians for eighteen years, gusto kong ipaalam sa inyo that I appreciated everything you did for me at ang lessons na itinuro ninyo sa akin ay hindi ko makakalimutan."
Napangiti si Azael. Tahimik na tumango naman si Iris.
"Kung tutuusin pala, kayong dalawa ang tila naging mga magulang ni Hades," komento ni Nephalym.
"In a way," ani Iris. Sa pagkakataong ito, isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng anghel. "At kahit na katulad ng mga kasamahan ko sa Lightside ay naniniwala akong darating ang oras na masisiraan ng bait si Hades at magwawala, patuloy akong nagdarasal na sana ay hindi dumating ang ganoong panahon."
"Mali kayo ng akala. Hades will not turn into a monster. He has already accepted who he is, and he knows what he wants to do with his life. At walang kinalaman ang Lightside o Midnight sa kanyang future," kampanteng pahayag ni Nephalym.
"Everyone still thinks of him as a monster," paalaala ni Azael.
"There is nothing monstrous about my husband!" mariin niyang sabi. "Unless of course, ang pinag-uusapan natin ay ang malaki niyang-"
"So, he really has a big c-" bulalas ni Azael.
"Yes!" patotoo niya.
"Hey!" reklamo na ni Hades. "Bakit napunta sa physical aspect ko ang usapan?!"
Napabungisngis si Nephalym. Nakakunot naman ang noo ni Iris. Malinaw na hindi nito nagustuhan ang nagiging takbo ng usapan.
"But my dear husband, it really is big!" makalokohan niyang sagot.
"Everyone in Midnight is already talking about that, Hades," natatawang sabi ni Azael.
"What!"
"A certain succubus spread that rumor several years ago. Pero dahil wala ka nang kinuha pang ibang lover from Midnight, walang makapagpatotoo roon. At ang tanging paraan para mapatunayan kung totoo o hindi ang tsismis was to see you in your..." Napatigil ito sa pagsasalita. Malinaw na ang balak nitong sabihin ay bastos at malaswa, pero dahil sa active spell na ginawa ng mga Elder kay Nephalym, hindi nito masabi iyon. Kinailangan nitong mag-isip ng appropriate words. "Full potential!" sa wakas ay bulalas nito.
"Azael, masyado mong pinahihirapan ang sarili mo," pansin ni Iris na naging seryoso na naman ang mukha. "And since nasabi na natin ang dapat nating sabihin, it’s time we leave this couple alone. Masyado na tayong nakakaabala sa private moments nila."
"Hindi ko ba pwedeng panoorin ang performance ni Hades?" usisa ni Azael.
"Of course not!" malakas na tutol ni Hades. Namumula na rin ang mukha nito.
Natawa na lamang si Nephalym. Pagdating sa intimacy at privacy nila, nagiging mahiyain ang lalaki. It was one of his quirks that she found so endearing.
"Go away, Azael!" mariing sabi ni Hades.
"Akala ko ba ay na-miss mo ako?"
"I got over that quickly."
"Let’s go, Azael," yaya ni Iris. "Marami pa tayong kailangang asikasuhin." Inilabas nito ang mga pakpak at lumipad paitaas. "We still have to collect a lot more data and evidences. Ang copycat crimes na ito ay patuloy na nagaganap pa rin sa buong mundo," malakas nitong paalaala.
"Tsk. Tsk. You haven’t changed at all, Iris," reklamo ni Azael. "All work and no play ka pa rin." Sa kabila ng reklamo nito, inilabas na rin nito ang mga pakpak at sinundan sa paglipad ang anghel.
Tinanaw ni Hades ang papalayong guardians. Nawala na ang interes ni Nephalym sa mga ito dahil may isang bagay siyang napansin sa lupa. Isa iyong small blue pouch. Dinampot niya ito.
"Mukhang may naiwan ang mga guardian mo," aniya sa asawa.
"Nope. That’s mine."
"Yours? Hindi ata bagay sa iyo ang ganitong pouch."
"Ang nasa loob niyan ang para sa akin."
Binuksan niya ang pouch. Kumikinang na blue powder ang naroroon.
"Ano ito?"
"Ayon sa mga Tarosian, that’s a very potent aphrodisiac," makahulugan nitong sabi sabay kabig sa kanya palapit sa dibdib nito.