![]() | ![]() |
Malaki ang kasalanan ng mga tao sa Niesmires. Ang polusyon na likha nila ang siyang patuloy na pumapatay sa mga Niesmire ngayon. Ngunit hindi makitid ang isip ni Alym at batid niyang hindi lahat ng taong nabubuhay sa mundo ay responsable sa paglala ng polusyon sa paligid. Batid niyang marami rin sa mga tao ang nagsisikap na pigilan ang polusyon at gumagawa ng paraan para mawala iyon.
At isa sa mga dahilan kaya siya nag-anyong tao ay para hanapin at tulungan ang mga taong ito na lumalaban sa pagkasira ng environment dahil sa pollution.
Sa kabila ng misyon niya, nag-e-enjoy rin siya sa pagiging isang estudyante. Tulad na lamang ngayon. Mahaba at detalyado ang lecture ni Ms. Sta. Rosa tungkol sa ancient Egyptian history. Ayon sa nabalitaan ni Alym, nakarating na mismo ang professor sa Egypt at nakasama na rin ito sa mga archeological dig sa mga pyramid. Ang background na iyon ni Miss. Sta. Rosa ang dahilan kaya sila nag-enrol ni Hades sa klase nito.
Hades had always been fascinated by the ancient history of men. At dahil hindi pa isinisilang si Alym ng mga panahong isa pang makapangyarihang kaharian ang Egypt, nagkaroon din siya ng interes na malaman ang history ng lugar na iyon. Isa pang dahilan ng interes niya sa subject ay dahil kahit minsan ay hindi pa siya napupunta sa Egypt. Hindi kasi siya interesadong bumisita sa mga lugar na kokonti lamang ang mga puno at halaman. Hot deserts were not her thing.
Sa kabila ng interesting lecture ni Miss Sta. Rosa, hindi maikakaila ni Alym na mas interesado siyang tingnan ang lalaking nakaupo sa tabi niya. She had always been fascinated watching Hades sleep.
Bahagyang nakatungo ngayon ang lalaki at nakahalukipkip. Sa unang tingin ay aakalain mong nag-iisip lamang ito. Pero sa pagtagal-tagal ay mapapansin nang hindi ito kumikilos. Magiging malinaw na malalim ang pagkakatulog nito. Kulang na lamang ay humilik ito. But Hades never snored.
"Miss Verde!" malakas na tawag ng boses ni Ms. Sta. Rosa.
"Yes ma'am?" Inalis niya ang tingin kay Hades at ibinaling ang atensyon sa professor. Todo ang pagkakakunot ng noo nito.
"Will you please wake up Mr. Espiritu," mariin nitong utos.
Usually ay mayroong effective na paraan si Alym para gisingin si Hades. Pero kakailanganin niyang ibaba ang zipper ng pantalon ng lalaki. At tiyak na mae-eskandalo nang husto si Ms. Sta. Rosa. Matandang dalaga kasi ang instructor at kung totoo ang tsismis, nananatili pa rin itong birhen.
Kung normal niyang gigisingin ang lalaki, tiyak na makakatikim ito ng matinding sermon sa professor. Pagagalitan ito nang husto. Last time na binigyan ng sermon ng isang professor si Hades, tinuruan ng leksyon ng huli ang professor. Sa huli ay ang professor pa ang napahiya dahil lumabas na mas maraming nalalaman si Hades dito. Dahil sa insidente, nawala ang respeto ng mga estudyante sa professor. Nag-resign tuloy ang professor.
Tiningnan ni Alym si Ms. Sta. Rosa. Ayaw niyang matulad ang kapalaran nito sa professor na nakainitan ng ulo ni Hades. Alym liked her at enjoy siya sa classes nito. At dahil medyo sensitive rin ito, tiyak na mapapaiyak ito ni Hades. Medyo masungit kasi ang lalaki kapag bagong gising.
Isang paraan na lamang ang naisip niya para maiwasan ang ganoong scenario.
Nakaupo sila ni Hades sa likuran ng klase. Malapit din ang upuan ng lalaki sa pintuan at dahil on going ang lahat ng classes sa building, walang estudyante na naglalakad sa koridor.
Hinarap niya si Hades. Ubod lakas niyang tinadyakan ang silya nito!
Napatanga si Ms. Sta. Rosa nang humagis palabas ng classroom si Hades at ang silya nito! Sabay na sumalpok sa dingding ng koridor ang silya at si Hades! Nahulog si Hades sa semento.
Sapat na iyon para magising ang lalaki. Bigla itong bangon! Pumorma ng palaban at iginala ang paningin para hanapin ang kalaban.
Nang dumako ang mga mata nito sa kanya ay diretso niya itong tiningnan.
"Natutulog ka kasi sa loob ng klase kaya ginising kita," kalmado niyang pahayag.
"Kailangan mo bang ihagis ako palabas ng classroom!" malakas nitong reklamo.
"Gusto mong gisingin kita sa usual way?" hamon niya rito.
Natigilan ito.
Kinawayan niya ito.
"Come back here, Hades. Hindi pa tapos ang lecture ni Ms. Sta. Rosa."
Tumiim ang bagang ni Hades ngunit sinunggaban nito ang silya at kinaladkad pabalik sa classroom.
Nakangiting binalingan ni Alym si Ms. Sta. Rosa na nakanganga pa rin.
"Gising na siya, ma'am."
"Oh my God! Dapat natin siyang dalhin sa ospital!" bulalas nito.
Pabalabag na ibinalik ni Hades ang silya sa tabi ni Alym bago ito pasalampak na naupo roon.
"He's okay, ma'am. Matibay si Hades. Saka tulad ng mantika iyan kung matulog, mahirap gisingin kaya kailangan talagang biglain. Masyado ata siyang napagod making love to me last night."
Namula nang husto ang mukha ni Ms. Sta. Rosa. Umugong naman ang tuksuhan sa buong klase.
"Gamit ka kasi ng energy drink!" sigaw ng isa sa mga makakalokohan nilang kaklase.
Hindi malaman ni Ms. Sta. Rosa kung ano ang sasabihin o gagawin kaya't bumalik na lamang ito sa harapan ng klase at sinimulang hampasin ng eraser ang blackboard para mapatahimik ang klase. Nang tumahimik ay dumiretso na ito sa naiwang lecture. Lihim na napangiti si Alym. Her plan worked. Palihim niyang sinulyapan si Hades. Gising na ito, ngunit todo ang pagkakakunot ng noo nito.
Nang matapos ang klase ay nanatiling tahimik si Hades. Umabrisiyete siya sa braso nito.
"Galit ka pa rin?"
"Kailangan mo bang i-announce sa buong klase ang ginawa natin kagabi?"
"Nahihiya ka?" Napabungisngis siya.
"Alym, Pilipinas ito. Conservative pa ang mga tao rito! You do not tell people about intimate things!"
"Nagkukunwari lamang conservative ang mga tao rito, but in truth, very liberated sila. At bakit mo ikinakahiya na naikakama mo na ako? Hindi ba dagdag iyon sa iyong reputasyon?"
"Paano makakadagdag sa reputasyon ko kung ipinagkakalat mong napagod ako?"
"Napagod ka naman talaga ah."
"Hey! Bago ako bumigay, sinigurado ko munang fully satisfied ka! Hindi ko kasalanan na mas madaling makabawi ang katawan mo sa ganoong activities. Or did you use some form of magic para makabawi ka agad?"
"Not magic. Energy drink." Kinindatan niya ito.
Napabuntunghininga ito.
"Life with you will always be unpredictable."
"Nagrereklamo ka?"
"Don't worry, hindi kita hihiwalayan. Kahit na sipain mo pa ako, babalikan pa rin kita."
Inihilig niya ang ulo sa balikat nito.
"That's what I like about your angelic side. It makes you true and faithful."
Napangiti ito. Pero saglit lamang ay naging seryoso na ito.
"Iniisip mo ba 'yung investigating committee?" hula ni Alym.
Tumango ito.
"At 'yung nangyayaring copycat crimes. Sigurado akong hindi ako ang gumawa noon. Pero malinaw na may isang nilalang o grupo na sinisikap na palabasin na ako ang perpetrator."
"Don't worry about that, Hades. Hindi ko papayagang mapagbintangan ka na naman sa isang kasalanang hindi mo ginawa. Hindi kita iiwanan, at ipagtatanggol kita sa lahat ng akusasyong gagawin nila laban sa iyo."
"You should become a lawyer," biro nito.
"Isa iyan sa pinag-iisipan ko."
"Ano 'yung isa pa?"
"To become a politician!" natatawa niyang sagot.
"Hindi ba't ganyan na ang ginagawa mo para sa Niesmire as their ambassador?"
"Tahimik ngayon ang mga Midnight Corp. at Lightside Inc. Pinapabayaan na nila ang Niesmires, so wala akong masyadong ginagawa o kailangang gawin bilang ambassador nila. At kayang-kayang ayusin ng Elders ang mga gulo at 'di pagkakaintindihan ng mga clan."
"Kaya pala pumasok ka sa university politics dahil nababato ka na as an ambassador."
"Speaking of the university, kailangan mo pala ng bagong damit para sa celebration ng founding anniversary ng school natin."
"Bagong damit? Usually ay parada, beauty contests at isang boring program lamang ang ginagawang celebration doon. Hindi ko kakailanganin ang bagong damit para lamang manood sa ganoong activities."
"That was before, noong hindi pa ako ang president ng student council. This year, it will be a totally different celebration. It will be a midnight picnic party."
"Ano 'yun?"
"Think of a street party na katulad ng Mardi Gras! Nakausap ko na ang mga administration at ang head ng lahat ng college departments. Bawat college will help out para gawing isang all night celebration ito."
"Napapayag mo sila?"
"Of course! Since sinabi ko sa kanila na ako ang sasagot sa decorations at pagkain. And since it's a party, we need to dress up!"
Walang hilig si Hades sa mga party. Ngunit todo ang pagkahilig ni Alym sa celebrations and festivities dahil bahagi iyon ng culture at pagkatao ng mga Niesmire. Hindi na tuloy siya nagtaka sa excitement ni Alym. Ito mismo ang bumili ng damit na susuutin niya.
All black ang pinili nito para sa kanya. Skintight V-neck shirt na napapatungan ng long-sleeved jacket na bukas sa harapan, pantalon at boots ang naging get-up niya.
"Hindi ba dapat naka-necktie ako, kaysa sa nakabukas na jacket?" usisa niya habang tinutulungan siya nitong magbihis sa loob ng kanilang dressing room sa bahay. In one hour ay magsisimula na ang campus party at mukhang mauubos ang oras na iyon sa pagbibihis nila.
"Too formal. Semi-formal ang party na ito. Saka kailangang nakabukas iyang jacket mo para makita ng lahat ang pagbakat ng t-shirt sa dibdib at sa abs mo."
"Lalong dadami ang may crush sa akin niyan," biro niya rito.
"Hanggang tingin lamang sila. Because you are already mine, Hades."
Sa tuwing sasabihin ni Alym na pag-aari na siya nito ay nakakadama siya ng tuwa. Buong buhay niya ay kinondena siya at itinakwil ng lahat. Ngunit tinanggap ni Alym ang kanyang buong pagkatao nang walang kundisyon.
"Dapat ay magbihis ka na rin. Hindi maganda na ang pasimuno ng celebration na ito ay siya pang late darating," paalaala niya rito. Bihis na siya ngunit nananatiling naka-bathrobe pa rin ang asawa.
"Mabilis lamang akong magbihis."
Bahagya itong lumayo sa kanya. Pinagmasdan ang itsura niya.
"You look very handsome! And dashing!" Papuri nito.
"Magbihis ka na, Alym. Gusto kong makita itong damit na susuutin mo since ayaw mong ipakita sa akin nang i-deliver dito iyan ni Sabu noong isang araw."
"Just wait here for a second."
Tumakbo ito papasok sa bedroom nila. Nang lumabas ito ay napangiti siya. Nakalugay ang buhok nito na hanggang baywang. Napapalamutian din ang buhok nito ng mga maliliit na bulaklak. At ang damit nito ay isang white silk dress na hanggang tuhod. High neck at sleeveless ang damit. Bodyfit din ito hanggang sa balakang bago ito nagkaroon ng maluwag na skirt na bumabagsak sa upper thigh. Isang high-heeled white sandals ang kumumpleto sa damit nito.
Umikot-ikot sa harapan niya si Alym.
"Well? Anong masasabi mo? Mismong silkworms ang humabi ng damit na ito para sa akin."
"You are very beautiful." Humagod ang mga mata niya sa buong katawan ng babae. Ngunit nang mapadako siya sa may likuran nito ay na-realize niya na may hindi tama. There should be a hint of panty lines. Pero wala siyang makita!
"Alym, may underwear ka ba?"
"Nope."
"Hindi ka puwedeng pumunta sa party ng ganyan!" bulalas niya.
"Mahaba naman ang palda ko, walang makakakita. And it will also provide easy access for you."
Hindi na talaga mawawala ang pagiging makalokohan ng asawa!
"Every guy will know!"
"Paano?"
"Dahil tiyak na hahanapin nila ang panty lines!"
"Pabayaan mo sila."
"Hell no!"
Sinimulan niyang halughugin ang drawers sa dressing room hanggang sa matagpuan niya ang hinahanap. Nang balikan niya si Alym ay hawak na niya ang isang white panty nito.
"Isuot mo ito."
"Panties are overrated." Malinaw na magmamatigas ito.
No choice na si Hades. Pinaupo niya si Nephalym sa sofa. Lumuhod siya sa harapan nito at siya na mismo ang nagsuot dito ng underwear.
"At huwag mong aalisin iyan!" babala niya rito.
"Of course. Tanging ikaw lamang ang pwedeng mag-alis niyan," panunukso nito. Nabigla siya nang ikinawit nito ang dalawang paa sa kanyang baywang.
Pinagmasdan niya nang husto ang asawa. Sinadya nito ang lahat! Napangiti siya. Napailing. There would never be a dull moment in his life.
Kinabig niya ito at hinagkan sa labi.
"Baka tayo ma-late," anas nito sa pagitan ng paghahalikan nila.
"Don't worry, gagamitin ko ang aking mga pakpak para madala kita roon agad," pangako niya.