Hindi nakaila kay Hades ang mabigat na dugo sa pagitan nina Alym at Princess Nam. Hindi na kataka-taka iyon. Naisahan kasi ni Alym si Princess Nam last year. At bagama't si Alym ang nakatulong para makuha ng huli ang titulo nitong prinsesa, malabong basta na lamang kalimutan ng huli ang mabigat na kabayaran noon.
"Since hindi mo pinaniniwalaan ang salita ko, maniniwala ka ba sa mga salita ni Ambassador Aramis?" hamon ni Alym kay Princess Nam.
Sabay na nagulat sina Hades at Aramis.
"Me? Wala akong masasabi para sa depensa ni Hades!" malakas na tanggi ni Aramis.
"Of course, you have a lot to say, Ambassador," makahulugang sabi ni Alym.
"You are mistaken, Nephalym-"
"Nang utusan ko ang Finder Unit para humanap ng ebidensiyang magpapakita na inosente si Hades sa mga krimeng ibinibintang sa kanya, they also found your collection."
"C-Collection?" Naging atubili ang Ambassador ng Midnight.
"Your hobby," mariing sabi ni Alym. "Your side business."
Napahawak sa collar ng damit si Aramis. Hindi naiintindihan ni Hades ang nangyayari. Ngunit malinaw na may ginawa si Aramis.
"Ayoko sanang ilabas pa ito, pero masyadong metikulosa si Princess Nam."
"What is this about, Aramis?" usisa na ni Samuel.
Bahagyang natawa ang Midnight Ambassador.
"Well, I was just... Tauhan ko si Hades at bilang boss niya, may mga pagkakataon na kailangan kong malaman kung nagtatrabaho siya nang maayos o hindi."
Namaywang si Alym.
"Mayroon siyang collection ng videos na mula sa mga hidden camera na inilagay niya sa bahay namin ni Hades. And these videos would show na magkasama nga kami ni Hades sa mga oras na nagaganap ang dalawang krimen na iyon."
"Aramis, show us the videos!" utos ni Councilman Sarial.
Napabuntunghininga ang ambassador. Pero tumango ito.
"Send your Finders to my apartment para makuha ang dalawang video na kailangan."
"No, every video ni Hades na palihim mong kinuha!" giit ni Alym.
"Sure, why not," sarkastiko nitong sagot.
Pagkaraan ng ilang minuto, dalawa pang Finder ang dumating. Binuksan ni Alym ang isang bintana para makapasok ang mga ito. Ang isa ay hugis balloon at ang ikalawa ay may anyong maliit na kuwago. Ang dalawang straw bag na bitbit ng dalawa ay naglalaman ng mga CD.
Dalawang CDs ang pinili ni Alym at magkasunod na isinalang sa laptop. Kumpleto sa oras at date ang mga video. HD ang video at Dolby ang sound system. Malinaw na state of the art ang hidden camera na ginamit ni Aramis.
Napatanga si Hades nang ma-realize niya kung ano talaga ang laman ng mga CD.
"Damn it, Aramis! What were you thinking?! Private moments namin ito ni Alym!" pagalit niya sa Midnight Ambassador.
"Hey, your videos are bestsellers! Sa lahat ng porn collections ko, ang video mo ang pinakamabenta!" pangangatwiran nito.
"Ibinenta mo?!"
"You are very popular with the female employees of Midnight Corp."
Napahawak sa noo si Hades.
"Don't worry, Hades, ipinaalis ko na ang lahat ng hidden camera niya. At kinuha na rin ng mga Finder ang lahat ng videos natin sa collection ni Aramis," ani Alym. Malinaw na hindi apektado ang asawa at hindi nito ikinakahiya ang sex video na kasalukuyang napapanood ng lahat.
"Exceptional naman ang performance mo," singit ni Aramis.
"Shut up!" bulyaw niya rito.
"I have seen enough!" malakas na sabi ni Samuel. Namumula na ang mukha nito. Ang ibang directors ng Lightside ay hindi na rin makatingin sa monitor. "Stop the video!"
Itinigil ni Alym ang pag-play ng video sa laptop.
"Now that we have proven beyond reasonable doubt na walang kasalanan dito si Hades, gusto kong pakinggan naman ninyo ang theory namin."
Tumuon kay Alym ang atensyon ng lahat.
"I believe na ang gumawa ng mga krimen na ito at pilit na pinapalabas na ang may kasalanan ay si Hades ay isang ancient god na tinatawag ngayon ang sarili bilang Apollo Horizon."
Nagkaroon ng bulung-bulungan ang councilmen at directors. Nakita rin ni Hades sa mukha nina Aramis at Samuel ang pagtataka. Malinaw na hindi kilala ng mga ito si Apollo. Ibig sabihin ay nagagawang itago ni Apollo ang presence nito sa Lightside at Midnight.
"At sino ang Apollo Horizon na ito?" usisa ni Princess Nam.
"My ancestor," ani Alym. "At naniniwala siyang ako ay dapat na maging asawa niya kaya't gagawin niya ang lahat ng paraan para mawala si Hades."
Tanghaling tapat nagsimula ang meeting ng investigation committee. Nang lumabas sina Hades at Alym sa Sinagtala Hotel ay madilim na. Ngunit hindi masasabing dilim iyon ng gabi dahil nagsisimula nang magliwanag sa bandang silangan. Lubhang naging matagal ang meeting na iyon. Ngunit hanggang ngayon ay hindi malaman ni Hades kung matutuwa siya o mamumurublema sa resulta ng desisyon ng members ng committee.
"I am hungry! Saan tayo kakain, Hades?" usisa ni Alym. Masaya ito. Excited.
"Hindi ka nag-aalala?"
"They found you innocent. Dapat ay mag-celebrate tayo, hindi ba?" humawak ito sa braso niya.
"Pero hindi nagtagumpay ang plano natin! Oo nga't hindi na nila ibibintang ang mga copycat serial killing na iyon sa akin pero inutusan din nila akong hanapin si Apollo Horizon at iharap sa kanila! Kung hindi ko iyon gagawin, they will declare me guilty again! They have-" Natigilan siya. Napatiim ng bagang. Gusto niyang magmura. "Ito talaga ang plano nila! Sinadya nilang pagbintangan ako para mapilit nila akong resolbahin ang problemang ito na hindi nila maayos! I was tricked, we were tricked, Alym!"
"Medyo naghinala na nga ako sa talagang balak ng committee. I mean, kung gusto talaga nilang ipahamak ka, hindi ang mga dati mong guardian ang gagawin nilang investigators. They definitely knew na kahit paano ay magiging bias sa iyo sina Iris at Azael."
"Paano sila naging bias sa akin? Their documentary report showed that I was the only possible culprit."
Napangiti si Alym.
"Yes, they did. Pero kung napansin mo, kumpleto ang report nila sa exact time and date kung kailan naganap ang mga copycat killing. Sa kabila ng magkaibang presentation nila, magkaparehong-magkapareho at malinaw ang time and dates. Dahil sa kanilang documentary reports, higit na naging mas madali sa atin na ipakita kung nasaan ka during those times. Without their detailed reports, mahihirapan tayong makakuha ng mga ebidensiya na ipanlalaban natin sa akusasyon sa iyo. And there is also the fact na hindi ko lamang nakuha through research at sa tulong ng Finders ang detailed information sa mga copycat killing."
"They sent you an advanced copy of their reports?!" gulilat si Hades.
"No comment." Napabungisngis si Alym. "Ang masasabi ko lamang, those guardians of yours really cares for you."
Saglit na napangiti si Hades. Ngunit nawala rin iyon nang maalaala niya ang problemang dala ni Apollo Horizon.
"Paano nga pala natin makukumbinsi ang Midnight at Lightside na totoo ngang nilalang si Apollo Horizon? Ang past names na ginamit niya noong unang panahon ay binaliwala nila. Matibay ang paniniwala nilang produkto lamang siya ng imahinasyon ng mga sinaunang tao. At wala tayong idea kung nasaan siya ngayon. Alangan namang hintayin pa natin ang araw ng duel namin kung saan siya sisipot."
"We need more information about Apollo."
"He is so ancient, lahat ng mga nakakakilala sa kanya noon ay matagal nang nawala. At ang mga alaalang namana mo sa iyong mga ninuno ay hindi sapat."
"But there is a place kung saan maaari tayong makakuha ng impormasyon tungkol kay Apollo!" excited na pahayag ng asawa.
"Where?"
"Sa Athenaeum. It's the fourth world na sinasabi ko sa iyo noon."
"No. Wala ka pang sinasabi sa fourth world na ito."
Sa pagkakaalam ni Hades, there were only three worlds simultaneously coexisting. Una ay ang mundo ng tao, ikalawa ay ang mundo ng Midnight kung saan ang lahat ng kaluluwa ng mga masasamang tao ay napupunta at ang ikatlo ay ang Lightside kung saan naman nagtutungo ang mabubuting tao.
"Then it's about time na malaman mo ang tungkol sa fourth world na ito. Sa mundong ito nagtutungo 'yung mga kaluluwa ng mga tao na hindi masama at hindi mabuti. Sila 'yung fifty percent good and fifty percent evil. Christian religions call this purgatory. Pero tinatawag namin itong Athenaeum."
"Paano ninyo nasigurado na nasa mundong ito ang mga impormasyon tungkol kay Apollo?'
"Dahil karamihan sa grey souls na nagtutungo sa mundong ito ay dating scholars at historians. Nasisigurado kong mayroong ilan sa kanila na nabuhay noong mga panahon na pinapaniwala ni Apollo ang mga tao na isa siyang diyos. Ang mga grey souls ng Athenaeum ay kakaiba sa mga kaluluwa na nagpupunta sa Midnight o Lightside na nakakalimutan ang mga naging buhay nila sa mundo ng tao. Those grey souls retain the memories of their lives as humans. Wala kasing taga-Lightside o Midnight na kukuha sa kanilang memories doon."
"Nasaan ang mundong ito? Paano pupunta roon? Kailangan pa ba nating mamatay?"
Nangislap ang mga mata ni Alym.
"Wala kang magiging problema sa pagpunta roon, Hades. Because you are half-demon and half-angel!"
Napaisip si Hades. Isang mundo kung saan naninirahan ang mga nilalang na hindi masama at hindi rin mabuti... A world where he could belong!
Napatingin siya kay Alym. Ngunit kung magpupunta siya roon, makakabalik pa ba siya rito? Or would he be trapped there forever? Posibleng bahagi ito ng plano ng Midnight at Lightside! Those two companies had always wanted to get rid of him! Kung mata-trap siya sa mundo ng Athenaeum, hindi na siya magiging problema o balakid sa mga plano ng mga ito!
"At batid ng mga Sioren kung paano makakarating sa Athenaeum!" ani Alym.