image
image
image

CHAPTER 15

image

Ang angkan nina Elder Maras ay tinatawag na Sioren. Ngunit marami at iba't ibang pangalan ang bansag sa kanila ng mga tao, tulad ng duwende, brownies, or little people. Bagama't hindi nalalayo ang laki ng mga Sioren sa Pixie clan na kinabibilangan ng Finder na si Albright, may dalawang distinguishing features ang mga Pixie. Pixies could make their bodies glow, and they have wings. Ang mga Sioren naman ay kayang gayahin ang kulay ng kanilang kapaligiran, making them almost invisible. Bagama't wala silang mga pakpak, mabilis silang tumakbo at kumilos. Bihira silang mapansin o makita ng mga tao dahil oras na kumurap ang mga ito ay nakaalis na sa harapan nila ang isang Sioren. Madalas ay iniisip ng mga tao na nagkamali lamang sila ng akala sa kanilang nakita.

Labingtatlo ang Elders ng Niesmires ngunit bagama't kilala ng mga ito si Hades, dalawa pa lamang sa mga ito ang nakakaharap ni Hades. Ang una ay si Elder Savin at ikalawa naman si Elder Maras. Kung kailan makikita at makakaharap ni Hades ang iba pang Elders ay hindi niya alam.

Nang unang makita ni Hades si Elder Maras, inakala niya na ang tinitingnan niya ay isang buhay na Barbie doll. Para naman kasi talagang manika ang itsura ni Elder Maras at kasinglaki rin ito ni Barbie sa kabila ng edad nitong two thousand and three hundred forty-two.

"Sigurado ka bang hindi ka binibigyan ng problema ng asawa mo kaya ka nagpunta rito?" usisa ni Elder Maras kay Alym habang nakatutok kay Hades ang mapanuri nitong mga mata. Kasalukuyan itong nakatayo sa isang malaking bato habang nakatingala sa kanila ni Alym. Nasa gitna rin sila ng isang malawak na taniman ng trigo. Usually, ang mga bahay at villages ng mga Sioren ay nasa ilalim ng mga plantation. Since malabong magkasya sina Hades at Alym sa bahay ni Elder Maras, lumabas ito para harapin sila.

Natawa si Alym sa sinabi ng Sioren.

"He is well behaved, Elder Maras. Nagpunta kami rito dahil nabalitaan ko na kayong mga Sioren ang nakakaalam ng daan patungo sa Athenaeum."

"Ang sinasabi mo ay ang mga pinsan ko. We call them the Pineapple Sioren at nakatira sila sa Hawaii."

"So, your branch of the family ay ang mga Wheat Sioren?" Hindi napigilan ni Hades na mag-usisa. Bata pa siya ay fascinated na siya sa fairytale creatures. Kahit minsan ay hindi niya inakalang magkakaroon siya ng pagkakataon na makita ang mundo ng mga ito o magkaroon ng asawa na itinuturing ng mga ito bilang reyna.

"Of course, we are the Wheat Sioren dahil sa tabi ng mga wheat kami naninirahan at iyon din ang favorite food namin. Alangan nama'ng maging Rice Sioren kami!" mataray nitong sagot.

Tumahimik na si Hades. Unlike Elder Savin na pasensyoso, madaling mairita si Elder Maras. Bagama't napakaganda, ubod naman ng suplada.

Pinangko niya si Alym.

"Thanks for the help, Elder Maras." Inilabas niya ang kanyang malalapad na itim na batwings.

"Magulong kausap ang mga Pineapple Sioren. Kailangan mo ng mahabang pasensiya para maintindihan mo ang kanilang sinasabi," pahabol ni Elder Maras.

Tumango na lamang si Hades at ngumiti. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay ginawa niyang invisible ang sarili at si Alym. Mahirap nang may mga plantation worker na makakita pa sa kanila. Tiyak na kukunan sila ni Alym ng picture at video gamit ang cell phones ng mga ito. Sa panahong ito, lahat na ng tao ay may cell phone at may access sa internet.

Oras na ma-upload ang video nila ni Alym, tiyak na iisipin ng lahat na isang babae ang kinikidnap ng isang demon-like creature. Hindi iyon magugustuhan ng Midnight Corp. Makakasira kasi sa image ng mga ito ang ganoong klase ng balita. Lalo pa ngayon na nagagawa na nilang mapalabas at mapapaniwala ang mga tao na hindi talaga masasama ang mga demon at iba lamang ang paniniwala at paninindigan nila kumpara sa mga angel ng Lightside. But any bad news regarding demons or demon-like creatures ay tiyak na gagamitin ng Lightside para mabura at mabaliwala ang current popularity ng mga lovable demon sa comics, anime and movies. Tiyak na kay Hades din mabubunton ang lahat ng sisi at mapipilitan na naman siyang humarap sa Dark Council. Hindi siya makakaasang tutulungan o pagtatakpan siya sa pagkakataong ito ni Aramis.

Mula sa wheat field ay dumiretso si Hades sa ilog sa may hindi kalayuan. Nasa ilalim ng ilog na iyon ang secret door patungo sa Sanctuary ng mga Niesmire. Pagdating nila sa ilalim ng tubig ay agad niyang hinulma ang kanyang mga pakpak upang magsilbi ang mga iyon na animo palikpik. Ginawa ni Medium, ang head ng Equipment and Supplies Department, ang kanyang mga pakpak at binigyan din iyon ni Medium ng kakayahan na baguhin ang hugis at itsura ayon sa kagustuhan ng may-ari ng pakpak.

Saglit pa at natanawan na ni Hades ang Guardian Tree ng pintuan ng Sanctuary. Kapag nasa gubat ang portal ng Sanctuary, ang guardian tree ay anyong puno, ngunit dito sa ilalim ng ilog, mukha itong halamang tubig. Animo isa itong kelp plant na mayroong mga mahahabang dahon na lumulutang. Hindi rin niya makita ang pintuan na lagi ay katabi nito.

Noon ay nagsilbi ang Sanctuary bilang lihim na daanan ng mga Niesmire na tumatakas sa mga taga-Lightside at Midnight. May mga panahon kasi na ang ilang Niesmire ay ni-recruit ng Midnight upang maging minion. Lightside then started a hunt, killing all the dark Niesmires. Ngunit sa pagpuksa nila sa mga dark Niesmire, maging ang mga normal Niesmires ay nadamay.

Dahil sa Sanctuary, maraming mga Niesmire ang nakaligtas sa kamatayang dala ng mga Archangel na siyang namuno sa pagpuksa sa mga dark Niesmire. Hindi kasi kayang ma-detect ng mga taga-Lightside at Midnight ang kinaroonan ng Sanctuary. May kakaiba ring magic ang Sanctuary dahil ang mga Niesmire na naging minions ng Midnight ay hindi na nakakabalik o nakakapasok muli roon. The location and memory about the existence of the Sanctuary would disappear from the minds of Niesmires who had chosen to work for the Midnight Corp.

Dahil sa nature ni Hades, imposibleng makita niya o makapasok siya sa Sanctuary nang walang kasamang isang Niesmire. Ilang beses na niyang nagamit ang Sanctuary para sa mas mabilis na paglalakbay. Ang thirty minutes flight niya mula sa Pilipinas papuntang Korea ay nagiging limang minuto lamang kapag dumaan siya sa Sanctuary.

Ngunit sa kabila ng maraming beses nang paggamit ni Hades sa Sanctuary paths, hindi pa rin niya matandaan ang pasikot-sikot na lagusan doon na walang anumang sign or arrow pointers. Kung mag-isa lamang siyang papasok, mawawala talaga siya!

Hinawakan ni Alym ang isang lumulutang na dahon ng Guardian Tree. Isang pintuan na yari sa kahoy ang lumitaw sa tabi nito. Very out of place ang pintuan. Ngunit nasanay na si Hades sa mga ganitong pangyayari. Bumukas ang pintuan at lumangoy si Hades papasok habang pangko pa rin si Alym. Isang mahabang tunnel ang pinasok nila bago sila nakarating sa mismong Sanctuary.

Natiyak lamang ni Hades na nasa Sanctuary na sila dahil tuyo na ang lupa at wala nang tubig. Ibinalik niya sa anyong batwings ang kanyang pakpak para makalipad siya nang maayos. Tahimik niyang sinunod ang mga direksyong ibinibigay ni Alym. Ngunit kinailangan niyang lumangoy muli dahil ang dulo ng Sanctuary path na tinatahak nila ay nagtapos sa ilalim ng Pacific Ocean.

Nang makaahon sila sa tubig ay agad niyang natanawan ang Hawaiian Islands.

"Saang isla naroroon ang mga Pineapple Sioren?"

Mabilis na itinuro ni Alym ang isa sa mga maliliit na isla. Niesmires always had very keen sense of direction. At dahil kakaiba si Alym, kaya rin nitong ma-sense ang presence at klase ng Niesmire na nasa paligid nila.

Sa gitna ng mga naglalakihang pinya ay natagpuan nila ang tatlong Siorens. Bagama't kasinglaki ito ni Elder Maras, malinaw na teenagers pa lamang ang mga ito. Dalawang lalaki at isang babae ang mga ito at panay rin ang paggalaw ng mga ito. Hindi mapakali sa isang lugar. Palipat-lipat. Sumuko na si Hades sa pagsunod ng tingin sa mga ito dahil nahihilo na siya. Pinakinggan na lamang niya ang boses ng mga ito.

"Simple lamang ang paraan para makarating kayo sa Athenaeum," ani Anji, ang babaeng Sioren.

"Just follow a grey soul," dugtong ni Cordion.

"At makikita ninyo ang gate patungo sa Athenaeum," pagtatapos ni Lazzez.

Bukod sa walang katapusang paggalaw at pagtatakbuhan ng tatlo, natuklasan din ni Hades na ang isang sentence at paliwanag ay pinaghahatian din ng tatlo. Totoo nga ang sinabi ni Elder Maras, kakailanganin niya ang mahabang pasensiya sa pakikipag-usap sa mga Pineapple Sioren.

"Ano ang grey soul?" Bagama't may idea si Hades kung ano ang grey soul gusto niyang masigurado na nagtutugma ang nalalaman niya sa grey soul sa sinasabi ng mga Sioren.

"Hindi mo alam?" panunukso ni Anji.

"Dumadaan sa tatlong stages ang kaluluwa ng mga tao at nagpapabalik-balik din sila sa stages na iyon depende sa pagbabago ng kanilang paniniwala," pagpapatuloy ni Cordion.

"Black souls are evil souls at kapag namatay ay nagtutungo," dugtong ni Lazzez.

"Sa left side. White souls are the good ones at-" paliwanag ni Cordion.

"Dumidiretso sa right side," singit ni Anji.

Ipinikit na ni Hades ang mga mata para higit na mas maging malinaw sa kanya ang dating ng impormasyon. Naging effective iyon dahil nagmistulang isang Sioren na lamang ang nagsasalita.

"The grey ones, sila 'yung hindi masama at hindi mabuti. They usually go up!"

Sa pagtatrabaho ni Hades noon sa Lightside at Midnight, hindi siya na-assign sa Soul Retrieval Department. Pero nakakita na rin siya ng black and white soul. But never a grey soul. Unique ang kundisyon na iyon, bihirang mangyari. Normal kasi na kapag namatay ang isang tao, laging nangingibabaw ang evil or good side nito kaya't madali nang malaman kung saan itong panig mapupunta. Ang isang masamang tao na biglang nagbago at nagpakabuti bago namatay ay nagkakaroon ng white soul. Ang isa nama'ng taong mabuti ngunit sa huling sandali ng buhay nito ay gumawa ng kasalanan ay nagiging black soul.

"Siguro dapat ay magtungo tayo sa mga ospital. Iyong mga taong may taning ang buhay ay karaniwang gumagawa ng paraan para magpakabuti. Pero mahirap iyon, so it's possible na imbes na mas tumaas ang percent ng kabutihan nila, nagiging kapantay lamang ng evil side nila," mungkahi ni Alym.

May punto roon ang asawa.

"There, a grey soul!" malakas na sabi ng tatlong Siorens sabay turo ng mga daliri sa isang direksyon sa itaas ng langit.

Napakurap si Hades. Isang bagay na parang anino ngunit kulay grey ang nakikita niyang lumulutang sa langit. Pero papalayo na iyon!

Sinunggaban niya si Alym, mabilis na lumipad at hinabol ang grey soul!

"Thanks for the help, guys!" ani Alym sa mga Sioren.