image
image
image

CHAPTER 16

image

Madaling nasundan nina Hades at Alym ang grey soul. Binaliwala lamang sila ng grey soul at ipinagpatuloy ang tahimik na paglalakbay. Inakala ni Hades na lalabas pa ng atmosphere ito at magtutungo sa outer space. Ngunit sa makakapal na ulap sa langit lamang nagtungo ang grey soul. Sa gitna ng mga ulap ay natagpuan nila ang isang mata ng cyclone na may lapad na sampung metro. Napapaligiran ito nang mabilis na umiikot na kaulapan. Ngunit walang anumang maramdamang hangin o kahit na lamig si Hades. Usually rin ay horizontal ang position ng mata ng bagyo, pero ang bagay na ito ay naka-vertical position.

Dire-diretso sa mata ng bagyo ang grey soul. Pumasok ito ngunit hindi lumusot sa kabilang side.

"It's a doorway!" anas ni Alym. "Nasisigurado kong iyan ang gate ng Athenaeum!"

Maingat na lumipad si Hades sa tabi ng gate. Ang nakita niya sa loob ay tila isang tunnel sa loob ng isang buhawi. Hindi na rin niya masulyapan pa ang grey soul.

"Let's enter!" udyok ni Alym.

"Sasama ka sa akin?"

"You are my husband, hindi kita iiwanan."

"Pero ang lugar na ito ay para lamang sa mga hindi mabuti at masama. Paano kung hindi ka makapasok?"

"Posibleng naging half-good and half-evil na rin ako. If that's not the case, then hihintayin kita rito sa gate hanggang sa lumabas ka."

Pinagmasdan niya ang asawa. Matagal na niyang alam na matapang ito. Ngayon lamang niya natutuklasan na very adventurous din ito. Ngunit higit na mas malakas at matibay ang katawan niya kaysa rito. Pangko niya ito at kung papasok sila sa gate, ito ang unang sasalubungin ng animo buhawi.

"Pumuwesto ka sa likod ko, Alym, at humawak sa leeg ko. I will act as your shield kung masyadong malakas ang puwersang sasalubong sa atin. Ilabas mo na rin ang mga pakpak mo kapag kakailanganin mong lumabas agad.

Tumango ito at ginawa ang gusto niya. Ilang beses na nilang ginawa ang ganitong posisyon sa paglipad kaya't matagal nang alam ni Hades na perfect fit ang katawan ng asawa sa likuran niya at hindi ito makakahadlang sa pagkampay ng kanyang mga pakpak.

Huminga siya nang malalim bago siya lumipad patungo sa gate ng Athenaeum. Pakiramdam niya ay dumaraan siya sa isang makapal na gelatin.

"Hades, it's rejecting me!" bulalas ni Alym.

Naramdaman niya ang paghulagpos ng mga kamay nito sa kanyang leeg. Tinangka niyang hawakan ito at pigilan ang paghihiwalay nila.

Ngunit isang malakas na puwersa ang nagtulak kay Alym palabas ng gate!

"Alym!" sigaw niya.

"I'm okay!" Mabilis ang paggalaw ng apat na translucent na pakpak nito sa likuran habang lumilipad ito sa labas ng gate. "Pero mukhang hindi talaga ako makakapasok. Hihintayin na lamang kita rito." Sumenyas ito na dumiretso na siya nang pasok. "Just make sure na makukuha mo ang impormasyong kailangan natin!"

"Sandali lang ako," aniya bago niya muling hinarap ang animo tunnel ng buhawi. Sa paglipad niya papasok ay naramdaman niya ang isang bagong puwersa. Sa pagkakataong ito, hinihigop siya nito papasok sa mundo ng Athenaeum!

Naglaho na sa paningin ni Nephalym si Hades. Muli niyang inilapat ang palad sa gate ng Athenaeum. Para iyong rubber na lumundo, ngunit kahit na ano pang tulak ang gawin niya, ayaw lumusot doon ang kanyang kamay. Malinaw na sinasabi ng barrier na hindi equal ang kabutihan at kasamaan sa kanyang pagkatao.

Napabuntunghininga siya. Wala siyang choice kung hindi hintayin na lamang ang pagbabalik ng asawa. Pero hindi maaaring manatili siyang lumilipad-lipad dito. Her wings were not made for long flights. Bibigay ang mga iyon. Nagpalinga-linga siya. Puro mga ulap na lumulutang ang nakita niya sa kanyang paligid. Wala siyang makitang solidong bagay na maaari niyang maupuan.

Pinagmasdan niya ang isang makapal na ulap. Bigla niyang naalaala na ang mga ulap ay gawa sa maliliit na water droplets! Mabilis niyang ikinumpas ang kamay niya. Ginamit niya ang kapangyarihan niyang magpatubo ng mga halaman. Mabilis na nagsulputan sa ulap ang mga halaman at baging. Binalot ng mga ito ang ulap. Her magical plants would grow as long as there was a source of water. At dahil ang mga halamang ito ay aerial plants, lulutang din ang mga ito. Ang tanging limitation lamang ng kapangyarihan niyang ito ay hindi niya kayang magpatubo ng fruit bearing plants and trees. Kakailanganin niyang magdala ng seeds ng mga ito para mapatubo ang mga iyon.

Nakangiti siyang naupo sa mga halaman na nagsisimula nang maging hugis sofa. Kapag nagutom siya ay magpapa-deliver na lamang siya ng pagkain kay Sabu. Kahit na nasaang lugar pa ang mga Finder, maririnig ng mga ito ang kanyang boses oras na kantahin niya ang magical song na isa sa mga regalo sa kanya ng mga Elders noong isinilang siya.

Muli niyang itinutok ang paningin sa gate ng Athenaeum. Inihanda niya ang sarili sa matagalang paghihintay.

"Mamasamain mo ba kung samahan kita sa paghihintay?" usisa ng isang pamilyar na boses.

Nang tumingala si Nephalym ay nakita niya ang nakalutang na si Iris!

"Pinapunta ka ba rito ng Lightside para mag-espiya?"

Tumango ito.

"Pero nandito rin ako dahil concerned ako kay Hades. No grey soul had ever left Athenaeum. Kailangan niyang maging pure white or pure black para makalabas siya sa mundong iyon. And Hades... Imposibleng maging pure angel siya or pure demon." Nasa boses nito ang pag-aalala.

Malinaw na nakikita ni Alym ang maternal concern ng anghel para kay Hades sa kabila ng duty nito sa Lightside Inc.

Ngumiti siya. Binigyan niya ng puwesto sa vine sofa ang anghel.

"Thank you," anito bago ito naupo sa kanyang tabi.

"Nandito rin ba si Azael?" usisa niya.

Tumango ito. Itinuro ang isang makapal na ulap sa may hindi kalayuan.

"But he is still pretending to be a cloud," sarkastiko nitong sabi.

Nawala ang makapal na ulap. Nakita ni Alym si Azael. Nakakunot nang husto ang noo ng demon.

"I am a spy! At kahit kailan ay hindi nagpapakita o nilalapitan ng isang espiya ang kanyang target tulad ng ginagawa mo, Iris! A spy must simply observe and record information!" gigil nitong sabi nang makalapit sa kanila.

"Your cover has been blown, Midnight spy," pasaring ng anghel. "Bumalik ka na sa mga boss mo."

"Wala pa akong maaaring i-report!" Humalukipkip ito. "And since ibinuko mo na ang presence ko, I have no other choice kung hindi manatili rito at maghintay sa pagbabalik ni Hades."

"Hindi ka pwedeng umupo rito. For girls only ang upuan na ito. And you are too heavy, baka bumagsak ito," pagtataray ni Iris.

"At bakit naman ako mauupo sa tabi mo?" asik nito.

Hindi napigilan ni Alym na mapabungisngis. Kahalintulad ng mag-asawang matagal nang kasal ang dalawa! Hopefully, hindi sila maging ganito ni Hades pagdating ng araw. Arguing for the sake of arguing was no fun.

Napatigil sa pag-aaway ang mga dating guardian ni Hades. Sabay ring napasulyap ang mga ito sa gate ng Athenaeum.

"Anong gagawin mo, Nephalym, kapag hindi na nakalabas pa ng Athenaeum si Hades?" maingat na usisa ni Iris.

"At least he would be alive and safe."

Tumutok nang husto sa kanya ang mga mata ni Azael.

"You planned this!" akusa nito sa kanya. "Nilansi mo si Hades para pumasok siya rito. Para hindi matuloy ang pakikipaglaban niya sa Apollo Horizon na iyon!"

"Mukhang sa kabila ng pagtanggi ng Midnight sa meeting na kilala nila si Apollo ay marami na kayong nalalaman tungkol sa kanyang mga activities."

"News travel fast. At bago pa natapos ang meeting na iyon, naging abala na ang Midnight Information Bureau sa pagre-research at pag-iimbestiga tungkol sa pagkatao ni Apollo. He is currently all over the news in Midnight." Tumutok kay Alym ang mga mata nito. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Hindi ko siya nilansi, Azael. Ngunit alam ko ang possibilities na maaaring mangyari oras na pumasok siya sa Athenaeum. Hindi ko siya pinigilan dahil kahit na ano ang mangyari, maganda pa rin ang magiging resulta. Athenaeum is the safest place for him right now. Hindi siya roon masusundan ni Apollo dahil tulad ko ay hindi rin makakapasok ang lalaking iyon sa Athenaeum. And as long as hindi napapatay ni Apollo si Hades, I will never become his wife. Magkakaroon din ako ng sapat na panahon para makaisip o makahanap ng paraan para muling mapatulog si Apollo."

"Mas gugustuhin mong magkahiwalay kayo ni Hades?" paniniyak ni Iris.

"I am very patient at nasisigurado kong makakagawa rin ng paraan si Hades para makabalik sa akin. Matibay rin ang paniniwala ko na kung lalabas siya ng Athenaeum, taglay na niya ang impormasyong magagamit niya para gapiin si Apollo. It's a win-win situation."

Hindi na nakaimik ang dalawa. Sinadya ni Alym na huwag banggitin sa mga ito na kung magtatagal nang husto ang paglalayo nila ni Hades, mamamatay siya. Mawawala na kasi ang immunity niya sa pollution na ibinibigay ng presence ng lalaki. Pinoprotektahan kasi niya at ng mga Niesmire ang special powers na iyon ni Hades.

Sa kaibuturan ng puso niya, umaasam siyang makakagawa ng paraan si Hades para makabalik agad sa kanyang piling. Na magagawa nitong baliwalain ang mga batas ng mundo ng Athenaeum.

Kapag namatay siya, wala siyang maiiwanang kapalit. Para siya magkaroon ng anak, kailangan niyang kunin ang bahagi ng espiritu ng isang lalaki at isalin iyon sa seed na magmumula sa kanyang katawan. Wala siyang balak na gamitin ang espiritu ng ibang lalaki. Kung magkakaroon siya ng anak, tanging si Hades lamang ang kikilalaning ama nito. Kung paano niya gagawin iyon ay hindi pa niya alam. Pinapaniwalaan ng lahat na walang kaluluwa si Hades at hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na masubukan kung totoo iyon o hindi.