image
image
image

CHAPTER 22

image

"Welcome home, Hades," malambing na sabi ng isang boses babae.

Nagmulat ng mata si Hades. Isang napakagandang babae na nakasuot ng red negligee ang nakatungo sa kanya. Sa kabila ng suot nito, malinaw niyang nakikita ang balingkinitang katawan ng babae dahil masyadong manipis ang tela ng damit nito.

Ikinurap niya ang kanyang mga mata. Nakahiga siya sa isang malaki at malambot na kama na nababalot ng makakapal na balahibo ng kung anong hayop. Maraming antigong kasangkapan sa kuwartong kinaroroonan niya ngunit hindi nakaila sa kanya ang presence ng isang very modern CCTV device sa dingding at nakatutok sa kama.

Hinaplos ng babae ang kanyang pisngi.

"Isang linggo ka nang natutulog. Akala ko ay hindi ka na magigising," anas nito.

Napakunot ang noo niya. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Nasisigurado niyang kilala niya ito. Ngunit hindi nga lamang niya matandaan ang pangalan nito.

"Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na ako?" himutok ng babae sabay pagtaas ng isang magandang kilay nito.

Napangiti si Hades.

"Someone as beautiful as you should never be forgotten. Unfortunately, your name-"

"It's Naamah. Princess Naamah," pagpapaalaala nito sa kanya. "Ngunit maaari mo akong tawagin ng Nam."

Mabilis ang pagbabalik ng alaala kay Hades. Napabangon siya. Umunat sa pagkakatungo sa gilid ng kama si Princess Nam, namaywang. Nanatili sa mapupula nitong labi ang isang ngiti.

"Ikaw ang dati kong boss sa Midnight!" bulalas ni Hades. May isang bagay na pinagawa sa kanya ito na hindi niya nagustuhan. Pero nananatiling malabo pa rin iyon sa kanyang isipan.

Natawa ang babae.

"Mukhang hindi total amnesia ang nangyari sa iyo." Naupo ito sa tabi niya. Inilapit ang mukha sa kanya. Halos lumapat na rin ang mga labi nito sa kanyang bibig. Pakiramdam ni Hades ay binibigyan siya nito ng layang hagkan ito. "Now, let's see kung nabawi mo na rin ang lakas mo. I have been watching your videos."

"Videos?" Wala siyang matandaang ganoon.

Nabigla siya nang itulak siya ni Princess Nam pahiga at maupo ito sa kanyang kandungan.

Magulo ang memorya ni Hades. Ngunit malinaw niyang natatandaan na hindi nagkaroon ng ganitong interes sa kanya ang babae noong apprentice pa siya ng Midnight Corp. Mataas ang ranggo nito sa kumpanya at ngayon ay miyembro pa ito ng Dark Council. At siya... Wala siyang ranggo. Kabilang siya sa mga lowest-ranked employee ng Midnight Corporation.

"Now, Hades, satisfy me!" malakas na utos ng babae.

Kumulo ang dugo ni Hades. Wala siyang balak na maging sunud-sunuran sa gusto ng babae. He wasn't some stud that could be use anytime by a horny demoness!

Malakas niyang itinulak palayo sa kanya ang babae. Sa sobrang lakas ay nahulog ito sa kama!

"What the fuck are you doing!" galit na bulalas nito.

"Malabo pa ang pag-iisip ko. But my instincts are telling me na hindi kita dapat pagtiwalaan. At itong pang-aakit na ginagawa mo sa akin, may mali rito. May masama kang binabalak na naman, Princess Nam," akusa niya rito.

Napalis ang galit sa mukha ni Princess Nam. Natawa ito.

"You really are different now, Hades. Mas nakakatulad mo na ngayon ang ama mong si Prince Rosomon."

Nanatili siyang walang imik. Tumayo si Princess Nam at muling naupo sa gilid ng kama. Hindi maiwasang tanungin ni Hades ang sarili kung ano ang ulterior motive ng babae.

"Mukhang hindi mo pa nare-realize ang nangyari sa iyo."

"Don't worry, Princess, malalaman ko rin kung bakit ako naririto at kung bakit isang linggo akong nakatulog."

"I will tell you. It is because your body had to heal and to adjust to the new you."

Kumislap sa isipan niya ang isang makintab na lalaki. Nakalaban niya ito. Ano nga bang pangalan noon? Katunog iyon ng isang human disease. Polio?

Bumaba siya ng kama. Noon niya napansin na wala siyang anumang damit. Pero baliwala sa kanya ang kahubaran niya. Ang nakabigla sa kanya ay ang presence ng isang mahaba at pointed black tail sa likuran niya!

"Tanging ang mga demon na may ranggong prince ang nagkakaroon ng buntot!" bulalas niya.

"And you are a prince, Hades," natatawang sabi ni Princess Nam. "Nakuha mo ang ranggong iyon nang patayin mo sina Prince Clodius at Prince Duma last year. You just never went through the ceremonies para properly ay maibigay sa iyo ang title na iyon. But everyone in Midnight knows you are entitled to that rank."

Kumunot ang noo niya. Bahagya lamang niyang naaalala ang mga sinasabi ni Princess Nam.

"Kung hindi ako nag-apply para officially ay maging prinsipe ako, what's with the tail-" Napasulyap siya sa malaking salamin na nasa dingding ng kuwarto. Hindi lamang buntot ang nadagdag sa kanyang katawan. Mayroon ding siyang malaki at bull-like horns sa magkabilang panig ng kanyang ulo. "And the horns? Sa pagkakatanda ko, kailangang maging official muna ang title ko bago ako igawa ng ganitong accessories ng Equipment and Supplies Department."

"Those belonged to your father," paliwanag ni Princess Nam. "At dahil isa ka na ngayong full-pledged demon, automatic na namana mo ang powerful tail at horns ni Prince Rosomon. Ipinakuha ko ang mga iyan sa storage vault ng Equipment and Supplies Department at ipinakabit sa iyo habang natutulog ka."

Sinuri ni Hades ang reflection niya sa salamin. A full-fledged demon? Sa itsura niya ngayon ay para ngang isa na siyang totoong demon.

"Welcome to Midnight Corporation, Prince Hades," masayang bati ni Princess Nam.