image
image
image

CHAPTER 27

image

Hindi makapaniwala si Hades nang iabot sa kanya ni Archangel Elysia ang crossbow ng ina niyang si Archangel Esther.

"Huwag kang matakot, Hades. You are now a full angel. Hindi ka masasaktan o mapapahamak kapag hinawakan mo ito. And since direct descendant ka ni Archangel Esther, you have now fully inherited the right to use this."

Kinuha ni Hades ang crossbow. Mabigat at solido iyon. Hindi katulad ng illusion crossbow na nililikha niya sa tuwi siyang makikipaglaban. Naramdaman din niya ang pagdaloy ng isang kakaibang kapangyarihan sa kanyang katawan na mula sa sandata.

"Our weapons make us stronger. Dahil nagiging bahagi rin ng ating espiritu ang ating mga sandata," paliwanag ni Archangel Elysia. "Pero hindi lamang iyan ang maaari mong magamit sa oras ng pakikipaglaban mo kay Apollo Horizon." Kinuha nitong muli ang crossbow. "Now then, raise both your hands and call your own weapons."

Naguluhan siya.

"Hindi ako gumagamit ng anumang sandata," paliwanag niya rito.

"You are now a true angel, Hades. Busilak na ang iyong espiritu. At habang natutulog ka noon, isang bahagi ng iyong espiritu ay kinuha ni Justinian, ang pinakamagaling na weapon maker ng Armory. Mula sa busilak mong espiritu ay lumikha siya ng mga sandatang para sa iyo."

"Weapons? Anong klaseng weapons ang mga ito?"

Ngumiti si Archangel Elysia.

"Malalaman mo oras na tawagin mo sila. Now then, summon your weapons with your heart!" udyok nito.

Noon, kapag nagpapalabas ng ilusyon si Hades, ang ginagamit niya ay ang kanyang isipan. Ngayon lamang niya gagamitin ang kanyang damdamin. Dumaan ang mga minuto, walang mga sandatang lumitaw sa kanyang mga kamay. Nabigo ang unang pagtatangka niya.

"You are still using your mind, Hades." Inilapat ni Elysia ang isang palad sa dibdib niya. "Feel your heart. Summon your pure emotions. Tawagin mo ang iyong mga sandata habang pinapalabas mo ang paghahangad na protektahan ang mga inosente. Because that is how we angels use our weapons, to protect, never to harm."

Huminga nang malalim si Hades. Pinag-aralan niya ang kanyang damdamin. Ano ba ang pinakamalakas niyang damdamin? Kumislap sa isipan niya ang nakangiting mukha ni Alym. Agad niyang naramdaman na gusto niyang protektahan ang babae. Mabilis ang pagdating ng malakas na emosyon sa kanyang dibdib!

Sabay na nagliwanag ang kanyang dalawang palad! Isang gintong espada ang lumitaw sa kanyang kanang kamay habang sa kaliwang kamay naman niya ay naroroon ang isang silver shield na kasingtaas at kasinglapad ng kanyang katawan.

Napatango si Elysia. Nasa mga mata nito ang pagpuri sa kanyang nagawa.

"Those are now yours. Tanging ikaw, Hades, ang makakatawag at makakagamit sa mga sandatang iyon. And only your future children could inherit and use these weapons," nakangiti nitong pahayag.

Children... Batid niya kung paano nabubuo ang isang nephilim. Nangyayari ito kapag sumasanib sa katawan ng isang tao ang isang anghel at pansamantalang nagiging isang tao. Sa pagkakaroon nito ng isang katawang tao, posible na mabigyan nito ng isang anak na nephilim ang isang babaeng tao. Ngunit kung paano nalilikha ang isang pure angel ay clueless siya. That intimate part of an angel's life was never discussed or taught to him noong apprentice pa siya ng Lightside. At hindi niya matandaan ang mga nangyari sa kanya noong apprentice siya sa Midnight. Pero malakas ang kutob niyang natuklasan niya sa Midnight ang paraan ng reproduction ng mga taga-Lightside. Pero hindi niya ito basta-basta maitatanong kay Archangel Elysia. Very improper iyon!

Bigla rin niyang na-realize na mayroon na siya ngayong espiritu! Maaari na niyang mabigyan ng anak si Nephalym. Ngunit ang katumbas ng pagkakaroon ng anak ng asawa ay ang kamatayan nito! Tumiim ang bagang niya. Hindi niya mapapayagang mangyari iyon.

Napansin niya ang pagkakatitig sa kanya ni Archangel Elysia. Nabasa ba nito ang iniisip niya? Agad niyang isinaisantabi ang tungkol kay Alym. Nag-focus siya sa mga sandatang hawak niya ngayon.

"Ano ang kapangyarihang taglay ng espadang ito?" usisa niya.

Naaalaala pa ni Hades ang soul sword na naging pagmamay-ari niya matapos niyang patayin si Prince Duma noong isang taon. Nananatili iyon sa armory ng Midnight Corp. Masyado kasing mapanganib ang espadang iyon. Sinisipsip ang lakas at kapangyarihan ng sinumang madikitan ng talim nito. Walang sinumang pipigil sa kanya kung kukunin niya iyon at iuuwi sa bahay nila ni Alym. Ngunit maraming manganganib na tao at mga Niesmire dahil sa epekto ng soul sword kaya't ipinasya niyang panatilihin na lamang sa armory iyon. Isa pang dahilan kaya kahit minsan ay hindi niya iyon ginamit ay dahil sa ritwal na kailangan niyang gawin upang hindi siya maapektuhan ng kapangyarihan ng espada. Isa iyong ritual kung saan kailangan niyang isakripisyo ang isang buhay ng tao.

"Each of our weapon is unique at tanging ang may-ari lamang ang makakapagpalabas sa klase ng kapangyarihang taglay noon," ani Elysia.

Sa pagkakahawak ni Hades sa puluhan ng espada ay muli niyang naramdaman ang pagdaloy ng lakas at kapangyarihan sa kanyang katawan.

"Nilikha ito para sa iyo, Hades, ni Justinian. Alagaan mo ang mga sandatang ito dahil extension sila ng iyong espiritu. Familiarize yourself with these weapons today. Bukas ay gagamitin mo sila sa pagsisimula ng training mo. All the best warriors of Lightside will become your trainers para ihanda ka sa pakikipaglaban kay Apollo Horizon."

"Maraming salamat sa mga ito, Lady Elysia. Pero basta na lamang ba ninyo ibibigay sa akin ang mga ito? Lightside had once ordered my death. Tinawag ninyo akong isang halimaw noon."

"We don't hold grudges, Hades. Pero hindi rin ako hihingi ng kapatawaran sa ginawa namin noon sa iyo. You had demon blood then. But the situation have now changed. You have become one of us! At dahil bahagi ka na ng Lightside, bukas-kamay ka na naming tinatanggap. At susuportahan namin ng one hundred percent ang pakikipaglaban mo sa isang abomination na tulad ni Apollo Horizon," mariin nitong pahayag.

"Paano kung bumalik ang demon blood ko?"

Naging seryoso ang mukha ni Archangel Elysia.

"Then you can never use these weapons. Sigurado ring ang mga ito ang tatapos sa buhay mo dahil oras na tangkain mong gamitin ang mga Lightside weapon, you will feel great pain, worse than what you felt noong tumusok sa balikat mo ang sibat ni Gideon."

Hindi malilimutan ni Hades ang sibat na ginamit ni Gideon para turuan siya ng leksyon dahil sa naging kasalanan niya noong apprentice pa siya ng Lightside.

"I will leave you now, Hades. Mayroon pa akong duties na kailangang gawin. Bukas ay magkikita tayo sa amphitheater. Doon mo ipagpapatuloy ang pagsasanay mo."

Yumukod siya at nagbigay-galang sa Archangel. Mas sanay siyang lumaban gamit lamang ang kanyang mga kamay at sariling lakas. Ang tanging sandata na gamit niya noon ay ang matutulis na kuko.

Nang makaalis na ang Archangel ay sinubukan ni Hades na dalhin nang sabay-sabay ang tatlong sandata. May sling ang crossbow kaya't isinukbit niya iyon sa isang balikat. Nanatiling hawak naman niya sa kanang kamay ang espada at sa kaliwa ang malaking kalasag.

Binigyan siya ng weapons ng Lightside, ngunit nananatiling wala pa rin siyang pakpak. Hindi niya alam ang dahilan noon. Maybe he would still need to earn his wings. Those wings were created from other materials samantalang ang mga sandatang ito ay mula sa kanyang espiritu.

Hindi niya maiwasang hindi ma-miss ang kanyang powerful batwings. Nagagamit din niya iyon na parang kalasag kapag tumitigas ang mga iyon na animo asero.

Siguro kapag natapos niya ang training ay bibigyan na siya ng pakpak. Kakailanganin niya iyon dahil lumilipad si Apollo Horizon.

Sinimulan niyang iwasiwas ang espada. Sa kabila ng laki nito, magaan iyon at sumusunod sa kanyang gusto. Maging ang kalasag ay magaan at kayang-kaya niyang paikutin at ihagis-hagis.

"Kulang na lamang ang isang silver armor at mukha ka nang isang knight from the middle ages," natatawang komento ng isang pamilyar na boses.

Nasamyo niya ang bango ng mga bulaklak sa paligid. Nang lumingon siya ay nakita niya si Alym! Isang kakaibang hapdi ang naramdaman niya sa kanyang dibdib. Kasabay noon ay sinurot din siya ng konsensya. Ilang araw na ang nakakaraan mula nang maganap ang pakikipaglaban niya kay Apollo. Bagama't hindi niya gustong mag-alala nang husto sa kanya ang asawa at isiping patay na siya ay wala siyang kontrol sa mga pangyayari. Dinala siya ni Iris sa Lightside Realm at habang nagpapagaling siya ay wala siyang malay. Nang pagbalikan naman siya ng malay ay nilinaw sa kanya ni Archangel Elysia na hindi na siya maaari pang makipagkita kay Alym at tapos na ang marriage niya sa huli.

"Alym..."

"You remember me!" masaya nitong bulalas.

Tumango siya. Natatandaan niya ang babae. Malabong malimutan niya na kasal sila nito. Lalo na ang mga pagniniig nila.

"Kailangan mong alisin ang marka mo sa akin."

"What?" Nagulat ito.

"I am now a true angel. It is forbidden para sa isang tulad ko na magkaroon ng relasyon sa isang tulad mo."

Naningkit ang mga mata nito. Nagbabanta ang pagsabog ng galit.

"Because the high and mighty Lightside Inc. thinks of the Niesmire as mere animals? Like vermin that needed to be crushed? Ganoon na ba ngayon ang tingin mo sa akin, Hades? Pinandidirihan mo na ba ako?" Magkahalong galit at pagdaramdam ang narinig ni Hades sa boses ng babae.

Umiling siya.

"Hindi nawawala ang respeto ko sa iyo, Alym. Kahit kailan ay 'di kita maituturing na mas mababa sa akin. Ngunit kailangan kong sundin ang mga regulasyon at batas ng Lightside. Bilang isang anghel ay nakatatak na iyon sa aking espiritu. Hindi ko mababaliwala."

Naningkit ang mga itim na mata ni Alym at nagkulay luntian. Nakaanyong tao ito ngunit nagsisimula nang mapansin ni Hades ang pag-iiba ng kulay ng balat nito.

"I am truly sorry," mabilis niyang sabi. "Pero kailangan ko nang tapusin ang ating relasyon. I cannot be your husband anymore. I am annulling our..."

"Kailangan mo ng witnesses para hiwalayan ako!" galit nitong paalaala.

Natigilan si Hades. Tanging mga anghel lamang ang matatawag niyang witness dito sa compound. At baka kung ano pa ang gawin ng mga ito kay Alym. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng hindi empleyado sa Lightside Realm. Alym was not only a trespasser, matatawag din itong reyna ng mga Niesmire. Tiyak na malaki ang kaparusahang ipapataw sa babae. Ayaw niyang mangyari iyon!

"Kailangan mong umalis na rito, Alym!" malakas niyang sabi.

Binaliwala nito ang mga salita niya.

"You cannot remain my husband or you don't want to be my husband anymore?" mariin nitong usisa.

Huminga siya nang malalim.

"I cannot be your husband anymore. I am no longer the person you married. As an angel, I am bound by rules I cannot break."

"Regular mong binabali ang mga patakaran ng Lightside noong isa ka pa lamang apprentice rito."

"Dahil nasa katawan ko pa ang demon blood ni Prince Rosomon. But that evil blood had now been purged out of my body. Katunayan na ang mga sandatang hawak ko ngayon. Kung kahit isang patak ay mayroon pa rin akong demon blood, hindi ko magagamit ang mga ito at makakaramdam ako ng matinding sakit. I am now an angel, Alym. A pure angel. Angels don't become husbands," malumanay niyang paliwanag dito.

"Paano mo ngayon ipapaliwanag ang existence ng mga nephilim? Remember those half-human, half-angels na member ng Lightside?" sarkastiko nitong sabi. "Pure angels ang mga ama nila!"

"Humans have souls! Niesmires..."

"Nilalait mo ba ako at ang lahi ko, Hades?"

"I am sorry. Ayokong saktan ka. Pero dapat ay intindihin mo rin na imposibleng magkaroon pa tayo ng relasyon. At parehong makakabuti sa atin kung maghihiwalay tayo at hindi na magkikita pa. Please leave now, Alym. Maging ang presence mo rito ay isang paglabag sa batas ng Lightside. You do not belong here."

Pilit niyang binaliwala ang matinding kalungkutan at sama ng loob na nasa mga mata ng babae. Tinalikuran niya ito. Naglakad palayo. Tapos na ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa babae.

"Magkakaroon na ako ng anak, Hades!" malakas nitong sigaw.

Napalingon siya rito. Malakas ang naging pagtutol ng isipan niya.

"At ikaw ang ama!" mariin nitong pahayag.

"That's impossible! You need a...the spirit or soul from the father of your child at wala akong ganoon!"

Namaywang ang babae.

"You are now a pure angel, right?"

"Yes."

"Angels are made up of pure energy. In short, isa kang espiritu na nag-anyong tao. Kahit na noong isa ka pang half-angel at half-demon, taglay mo na ang espiritong kailangan ko para bigyan ng buhay ang binhi na gagawin ko. At kinuha ko ang bahaging iyon ng espiritu mo matapos tayong makasal. At nang inakala kong patay ka na, I created a seed at inilagay ko roon ang espiritu mo. That seed is now growing at pagkalipas ng dalawang full moon, mamumunga ang halamang iyon at lalabas sa bunga nito ang ating anak."

"I don't have a spirit during that time," giit ni Hades. "Pinadaan ako pareho ng Lightside at Midnight noon sa mga test para matiyak kung mayroon akong kaluluwa sa katawan. They found none."

"Mali ang mga test na ginamit nila sa iyo! Because every time you made love to me, nararamdaman ko ang espiritu mong nakatago sa iyong katawan!"

Natigilan si Hades. Posible ba ang sinasabi ng babae? Kasabay ng pagdating ng katotohanang iyon sa kanyang isipan ay naalaala rin niya ang tunay na kahulugan ng pagkakaroon nito ng anak!

Malapit nang mamatay si Alym! Isa iyong kamatayan na nakatakdang maganap at hindi mapipigilan. Pagkatapos na ibigay ni Alym ang lahat ng mga alaala at experience nito sa kanilang magiging anak, mamamatay na ito. Papalitan ito ng kanilang anak na siya nang tatayong tagapagtanggol ng mga Niesmire!

No...No....! Sasabog ang dibdib niya sa tindi ng kalungkutang bumalot sa kanyang katauhan.

Napaluhod siya. Anong ginawa niya? Kasalanan niya ito. Siya ang nagbigay ng kamatayan sa kanyang asawa!