image
image
image

CHAPTER 34

image

Instant ang travel time kapag ginamit ang teleportation system ng Finder Unit. Ngunit dahil sa time difference sa Pilipinas at sa London, kahit gabi umalis sina Alym at Hades sa Pilipinas, umaga sila dumating sa London. Laman na rin ng early morning newspapers ang tungkol sa latest victim ng Jack the Ripper copycat killer.

Dahil pareho silang invisible, nakalapit sila sa crime scene. Agad napansin ni Hades ang bakas na iniwan ng demon counterpart niya. Hindi iyon footprint, more like a dark presence. Ang isang upuan na matagal na inokupahan ay nag-iiba ang temperature. At kahit na umalis na roon ang nakaupo, hindi agad-agad babalik ang temperature ng upuan sa dati. Mananatili ang mainit na temperature roon ng ilang sandali. Sa kaso ni Had, ang pavement na tinayuan nito ay may demon imprint na sa mga mata ni Hades ay higit na mas matindi ang kulay kumpara sa ibang parte ng pavement.

"Wala na rin dito si Had, but he was here," pagsasabi ni Hades kay Alym. "At hindi siya nag-iisa. May kasama siyang isa pang demon."

"Babae o lalaki?" Malinaw ang paghihinala sa boses ni Alym.

"Lalaki. Most probably, base sa naiwan niyang impression, si Azael iyon."

"Good news or bad news ba iyon?"

"Malakas at makapangyarihan si Azael kaya nasisigurado ko na kung mapapalaban si Had, malaki ang maitutulong ng guardian namin. Ngunit tulad ng ibang demons may pagka-reckless din si Azael. Baka siya pa ang magpasimula ng gulo."

Lumarawan sa mukha ni Alym ang pag-aalala.

"Had is strong. Hindi rin siya tanga. Malabong basta na lamang siya mapatay," aniya.

"I know. Pero dahil sa reckless at pagiging mainitin ng ulo niya ngayon baka kung ano nang gulo ang pinasok niya. At dahil kasama niya si Azael, tiyak na papasukin ng dalawang iyon ang lahat ng makikitang gulo." Nagpalinga-linga ito.

"Demons don't fight till the end," paalaala niya sa asawa. "Oras na maramdaman nilang dehado sila, biglang uurong ang dalawang iyon. Sa kabila ng pagiging war freak ng Midnight employees, mas malakas ang survival instinct nila. They would always retreat to be able to fight again for another day. Si Azael mismo ang nagturo niyan sa akin."

Ibinaling ni Alym ang atensyon sa mga Finder na nasa paligid nila.

"Finders, hanapin ninyo si Had. Oras na makita ng isa sa inyo ang lalaking iyon, contact the other Finders and go to wherever he is. After that, transport him to where I am immediately."

Saglit pa at nag-alisan na ang mga Finder. Naka-group in two's ang mga ito kaya't kahit na gumagalaw sila ay napapanatili nilang nakatago ang presence nila sa mga tao. Ang technique na ito ay itinuro ni Hades sa Finder Unit last year. Hindi kasi kayang gumamit ng invisibility ang mga Niesmire habang gumagalaw ang mga ito. Pero dahil dalawang Finders ang magkasama, one became responsible for making their group invisible while the other one took care of their movement. Iba-iba ang pamamaraan ng travel ng mga Finder dahil mula sila sa iba't ibang clan ng mga Niesmire. Kaya mayroong Finder na lumilipad, tumatalon, nagga-glide, gumugulong, at iba pang pagkilos na hindi kayang bigyan ni Hades ng pangalan.

Tanging si Sabu lamang ang naiwan. Dumapo ito at pumosisyon sa balikat ni Hades.

"Ano ngayon ang gagawin natin?" usisa niya kay Alym.

Napabuntunghininga ang babae.

"All we can do is wait. Since umaga rito, we should at least have some breakfast. Hindi pa rin naman tayo naghahapunan. Tama lamang na kumain tayo ng big breakfast dahil kapag natagpuan ng mga Finder si Had, baka kailangan nating pigilan ang gagawin niyang pagwawala."

"Akala ko ba ay kailangan kong manatiling invisible para hindi malaman ni Apollo ang totoong kundisyon namin ni Had?"

"Hindi na-detect ng mga Finder ang presence ni Apollo rito. Kaya hindi mo na kailangang manatiling nagtatago."

Limipad sila palayo sa crime scene. Sa isang eskinita na walang tao sila lumapag. Doon nila inalis ang kanilang invisibility. Tanging si Sabu ang nanatiling invisible. Lubha kasing magiging kapansin-pansin sa mga taga-London kung makikita si Sabu na nakaupo sa balikat niya.

Nagulat si Hades nang maglabas ng face powder si Alym at sinimulang pulbosan ang kanyang marka sa kaliwang pisngi.

"Para hindi masyadong maging obvious," paliwanag nito.

"Maaari mong alisin ang markang iyan gamit ang iyong kapangyarihan," komento niya.

Tinaasan siya nito ng kilay.

"Oras na alisin ko talaga ang markang iyan, ibig sabihin noon ay itinatakwil na kita bilang asawa ko. I have no intention of doing that," mariin nitong sabi bago ikinawit ang isang kamay sa kanyang braso. "Let's go find a café."

Pagkaraan ng ilang minuto ay pumapasok na sila sa isang maliit na regular English café. Isang table for two ang inokupahan nila roon ni Alym. Umorder si Alym ng ricotta pancakes with roasted grapes, spiced banana, at French toast para sa sarili. Turkish poached eggs with whipped yogurt and chili butter at bacon sandwich naman ang sa kanya. At siyempre, umorder din sila ng favorite coffee nila.

Bahagyang napangiti si Hades nang matuklasan niyang ang spiced banana ay para kay Sabu. Ngayon lamang niya nalaman na mahilig sa spicy food ang kaibigan. Inayos niya ang maliit na vase sa table nila para matakpan ang spiced banana. Baka kasi may makapansin na unti-unting nauubos ang spiced banana gayong wala nama'ng kumakain dito. Since minor movements lamang ang kailangang gawin ni Sabu sa pagkain, napapanatili pa rin nito ang invisibility.

"Punta muna ako sa CR," pagpapaalam ni Alym nang maubos nito ang kalahati ng breakfast nito.

Hindi na niya itinanong kung ano ang gagawin nito. Pero nasisigurado niyang walang kinalaman iyon sa normal na gagawin ng isang babae sa loob ng restroom.

Dahil naubos na ni Sabu ang pagkain nito, bumalik ito sa puwesto nito sa kanyang balikat.

"Totoo ba talaga ang sinabi ni Had sa iyong equipment?" basag ni Sabu sa katahimikan.

"Hindi ang bagay na iyan ang dapat na pinag-uusapan dito!" saway niya sa Finder.

Natawa si Sabu.

"Masyado kang sensitive."

"At usisero ka pa rin."

Isa sa mga customer ng café ang napasulyap sa kanya. Napalakas ata ang boses niya. Inilabas niya ang cell phone na bigay ni Alym at inilagay sa tabi ng tenga. At least kapag may nakapansin ulit sa kanya, iisipin ng mga ito na ang kinakausap niya ay nasa kabilang linya ng phone at hindi isang invisible na kalapati.

"Can I join you?" usisa ng isang boses babae.

Nang mag-angat siya ng mukha ay nabigla siya nang makita si Princess Nam! Malinaw sa ekspresyon ng mga lalaki sa café na visible ang babae sa lahat. Isang blue blouse na may plunging neckline ang suot nito. Pero kahit na hindi revealing ang suot nito, makukuha pa rin nito ang atensyon ng mga lalaki. Isang napakagandang babae ni Princess Naamah.

"Upuan iyan ni Alym. Hindi niya magugustuhan kapag kinuha mo iyan."

Binaliwala ni Princess Nam ang kanyang sinabi at naupo pa rin sa upuan ni Alym. Magkakaroon tiyak ng malaking away oras na lumabas na sa restroom ang asawa.

"Tingin ko ay hindi na niya kakailanganin pa ang silyang ito dahil hindi na siya babalik dito."

"What?" Kinutuban siya nang masama.

"I had her kidnapped. At para mabalik siya ulit sa iyo, dear Hades," matamis itong ngumiti, "you need to play a game with me."