image
image
image

CHAPTER 35

image

Pagpasok ni Alym sa restroom ng mga babae ay agad niyang naramdaman ang mahika sa paligid. Nagtungo siya rito para mag-iwan ng isang bulaklak na magpapabango sa restroom sa loob ng maraming linggo. Iyon ang kanyang simpleng pagpapasalamat sa café owner dahil sa masarap na breakfast na inihanda sa kanila. Ngunit naisantabi ang balak niya nang magsimulang umikot ang mga dingding ng restroom. Pabilis iyon nang pabilis. Nang tumigil ang pag-ikot ng kanyang paligid ay agad naging malinaw sa kanya na wala na siya sa restroom ng café. Nasa labas na rin siya. Mausok din ang paligid. Bahagya lamang niyang naaaninag ang mga hugis ng mga bahay at buildings sa kanyang tabi.

Nagkandaubo-ubo siya! Natigilan siya. Nang huling ubuhin siya nang ganito ay noong maapektuhan ang katawan niya ng polusyon na dala ng industrial age ng mga tao! Tinakpan niya ng palad ang ilong at bibig at lumayo sa kinatatayuan. Ngunit kahit saang direksyon siya magtungo ay mayroong usok. Bigla niyang na-realize na hindi basta usok iyon. Iyon ang usok na dala ng pollution! Nababalot ang lugar ng makapal na polusyon!

"This is Liang Feng. Ito ang most polluted place sa buong mundo ngayon, Nephalym," natatawang sabi ng isang boses babae.

Nagmula sa itaas ang boses. Tumingala si Alym. Dahil sa itim na usok, hindi niya maaninag ang mukha ng nagsalita. Ngunit naging malinaw sa kanya ang mahaba nitong pointed tail na gumagalaw-galaw sa likuran nito.

"You almost died before dahil sa pollution. Pero ngayon ay magiging tiyak na ang kamatayan mo!" May pagbubunyi ang boses ng babae.

Naalaala na ni Alym kung sino ang may-ari ng boses. Ang succubus na si Hannah na ex-lover ni Hades.

"Is this some sort of revenge? Dinala mo ba ako rito dahil hindi na kita pinayagan pang lumapit at makipagkita kay Hades?"

"Among other things. Pero dahil din sa pakikipag-deal mo sa Dark Council, I was stuck in my position! I can't even get promoted!"

"Masyado ka nang matanda para magmaktol, Hannah. I thought Midnight employees are tough? Na kaya ninyong tanggapin ang anumang parusa? That what can't kill you will make you stronger?" panunuya niya rito.

Lumipad pababa ang succubus. Suot nito ang spider-web uniform na humahakab sa katawan. Manipis at see-through ang black spider silk cloth with the exception of those parts covering the succubus's intimate body parts. Ayon sa pagkakaalam ni Alym, sinadya ang ganoong design dahil sa paniniwala na mas nase-seduce ng isang babaeng half-clothed ang lalaki kaysa sa kung wala siyang saplot. Nagkakaroon daw kasi ng matinding interes ang mga lalaki na makita kung ano pa ang itinatago ng isang babae.

"Part na ba ng trabaho mo ngayon na i-harass ako?"

"Nagtatapang-tapangan ka ba, Nephalym? Hindi mo pa ba nare-realize na ilang minuto na lamang ang nalalabi sa buhay mo? At wala akong kailangang gawin. I just need to stand here and watch you die."

"Hindi na ako kasinghina noong unang beses na naapektuhan ako ng polusyon." Naging immune siya dahil sa presence ni Hades. Ngunit ang pag-ubo niya kanina ay malinaw na senyales na ang immunity niya ay hindi na ganoon kalakas. Bukod kasi sa direct exposure na ito sa bagay na nakakalason nang husto sa kanyang katawan, neither of Hades's two personality was helping her become immune. Ang special magic na mula sa asawa ay posible lamang kung ito ay isang half-demon at half-angel.

Pero ang sitwasyon niyang ito ngayon ay hindi dapat malaman ni Hannah.

"Wala akong panahon para manatili rito at makipag-usap sa iyo. Hindi pa ako tapos mag-breakfast." Tinalikuran niya ang demoness. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito bago siya manghina nang husto!

Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maulinigan niya ang hagupit sa hangin ng isang latigo. Mabilis niyang inilabas ang kanyang mga pakpak at lumipad paitaas para maiwasan ang paparating na atake. Nang lumingon siya ay nakita niyang muling ihahataw ng succubus ang latigo nito sa direksyon niya.

"Pwede kang maging teledrama queen!" panunuya niya sa succubus sabay iwas sa dulo ng latigo nito. "But you are so pathetic! Whoever heard of a succubus who can seduce any man she wants, yet continues to pine after one guy na hindi na magiging kanya pa. At kung 'di ako nagkakamali, you are the one who left Hades. Pero mukhang hindi mo matanggap na naka-recover na siya sa iyo."

Sumigaw sa galit si Hannah. Natumbok talaga niya ang dahilan ng pagkidnap nito sa kanya. It was an overused plot. Rejected villainess would kill the girlfriend or wife of a hero para mawala ang anumang sagabal sa kanya para makuha ulit ang atensyon at pagmamahal ng hero. Nakakasukang plot! At feeling ata ni Hannah ay nasa loob ito ng isang telenobela.

But then, demons were overdramatic. Kung hindi siya nagkakamali, isang department ng Midnight ang nakatuon talaga ang atensyon sa pagpapalaganap ng kadramahan sa TV at sa mga pelikula. Karamihan sa mga teleseryeng tinutulungan ng Midnight na sumikat at magkaroon ng high ratings ay 'yung may mga plot kung saan ang tatanga-tangang bidang babae ay aapihin sa umpisa ngunit pagdating sa huli ay ililigtas ng isang prince charming.

Tanggap na tanggap ng mga tao ang ganitong klase ng kuwento. Ang mga babaeng manonood ay nai-in love pa nang husto sa idea ng isang prince charming to the point na kahit na sino'ng lalaki ang dumating sa buhay nila at magpakita sa kanila ng kabutihan ay pinapatulan agad. And even if that prince charming ended up becoming a horrible troll, nananatili pa rin sila sa tabi ng mga ito. Because of this illogical behavior, psychologists started calling this stupidity as the battered-wife syndrome. Nauuwi ang mga ganitong sitwasyon sa mga broken home, traumatized children at kung minsan sa kamatayan. Maraming dark and evil souls ang nagiging resulta dito na pinapakinabangan nang husto ng Midnight.

Lumipad na palayo si Alym. Nilakihan niya ang distansya sa pagitan nila ng napakadrama at overacting na demoness. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakasunod sa kanya si Hannah. Malinaw na hindi nito hihintayin na mamatay siya dahil sa pollution. Papatayin na siya nito gamit ang sariling mga kamay.

Tumigil siya sa paglipad at lumapag sa isa sa bubungan ng mga building sa bayang ito. Walang pagbabago ang pollution kahit nasa mataas na siyang lugar. Tila nga mas matindi pa ang usok dito!

Pollution was starting to make her weak. Alam niyang dapat na siyang umalis sa lugar na ito. Pero wala siyang paraan para malaman kung saang direksyon siya lilipad. At ayaw niyang maubos ang lakas niya sa paglipad sa kung saan-saang direksyon. Malinaw rin na alam ni Hannah ang paraan para makaalis sa lugar na ito.

"You will die today, Nephalym!" malakas na sigaw ng babae nang maabutan siya. Hindi ito nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang sinugod nito!