image
image
image

CHAPTER 38

image

Pyramid of the Sun, Mexico

Lumapag sina Hades at Azael sa ibabaw ng Pyramid of the Sun. Bagama't triangular ang shape ng pyramid, hindi ito kasingtarik ng Egyptian pyramids. Mayroong flat surface sa ibabaw ito.

"This is rather unfair. Since dalawa kayo samantalang nag-iisa lamang ako," komento ni Apollo.

"We demons never fight fair," pahayag ni Azael.

"Ikaw ang responsable sa mga nangyayaring copycat serial killing," diretsong akusa ni Hades. "And you would need to face both Lightside and Midnight dahil sa gulong ginagawa mo ngayon. Hindi nila mapapalampas ang ginawa mong pagwasak sa mga kaluluwa ng mga taong pinagkunan mo ng lamang-loob."

Natawa si Apollo.

"Wala akong pakialam sa mga korporasyon na iyan. They don't have any hold on a god like me!" pagmamalaki nito. "I am more ancient and more powerful than them. At ang tanging dahilan kaya natuklasan ninyo ang tungkol sa aking mga alaga ay dahil pinayagan kitang malaman mo ang tungkol sa kanila, Hades. Kung gugustuhin ko, those companies would have remained clueless forever. Kahit na noong unang beses na nangyari ang killings na ito ay wala silang ka-ide-ideya sa mga nangyayari. Ibinintang na lamang nila sa human psychopaths at masasamang multo."

Naging malinaw kay Hades ang isa pang katotohanan.

"Those killings were not copycats! Kahit na noong una silang nangyari, ikaw na ang nasa likod ng lahat! Ang mga sinasabing biktima nina Jack the Ripper, the Zodiac, the monster of Venice at iba pang mga killer na hindi nakilala at natagpuan ay pinatay ng mga alaga mong worms! They were the real killers at binigyan lamang sila ng iba-ibang pangalan ng mga tao," akusa niya rito.

"Very perceptive," sarkastiko nitong sabi.

"Inuutusan mo ang iyong mga alaga na pumatay ng tao, gawin silang sakripisyo para sa iyo upang madagdagan ang iyong kapangyarihan."

"Partly correct. My first reason kaya ko inutusan ang aking mga alaga na humanap ng mga magiging sakripisyong buhay at kaluluwa para sa akin ay para magising ako at makakawala sa spell na inilagay sa akin ni Solaria. Lives must be sacrificed para makabalik ako at mabawi ang aking bride. Second reason lamang iyang sinasabi mo."

"Sinadya mo talagang iwanan sa mga crime scene ang dugo ko para i-frame up ako." Batid na niya ang katotohanang ito, ngunit gusto niyang marinig ni Azael mismo sa bibig ni Apollo ang pag-amin ng huli. Alam niya na si Azael pa rin ang naka-assign na investigator ng mga serial killing at ang anumang information na makuha nito ay tatanggapin ng Midnight. Isa iyon sa dahilan kaya kinontak niya ang dating guardian at isinama.

"My pets were able to gather samples of your blood last year. As for framing you, well that's not my purpose. Gusto ko lamang ipaalam sa iyo ang presence ko at ang kakayahan ko. Gusto kong malaman mo ang aking pagbabalik at nalalapit kong pagbawi sa aking asawa. Pero kung pinarusahan ka o pinatay ng mga Lightside at Midnight people, I wouldn't have minded that at all. Konti lamang ang magiging panghihinayang ko kung hindi ako mismo ang papatay sa iyo." Inilahad nito ang mga kamay. "So then, shall we start the duel?" hamon nito.

"Hindi ba't nakipagkasundo ka sa Lightside na next week pa ang magiging laban natin?"

"But if you break that agreement and you attack me now, magkakaroon ako ng karapatan na ipagtanggol ang aking sarili, hindi ba?"

Natigilan si Hades.

"Bahagi ito ng plano mo! That worm was a bait!"

"Of course! My pets are capable of making themselves invisible to everyone. Bakit sa tingin mo sa tagal ng panahon ay hindi nakita at natuklasan ng Midnight at Lightside ang tunay na culprit ng mga unsolved serial killing? And then bigla ninyong makikita ang aking alaga doing the crime? It was staged for your benefit, Hades. Since may sinusunod akong pattern, nasisigurado kong mare-realize mo rin iyon at darating ka sa isa sa mga takdang oras ng pagpatay. I instructed my pets to show themselves to you oras na dumating ka roon at dalhin ka rito."

"This was a fucking trap!" bulalas ni Azael. Inilabas nito ang mga mahahaba nitong kuko. Lumitaw rin ang matulis nitong sungay. Naglabasan ang elektrisidad sa sungay nito na nagsimulang humaba ng hanggang isang talampakan. Umigkas ang buntot nito na animo latigo at napuno ng mga matatalas na tinik.

Naiwan ni Hades ang kanyang sungay at buntot sa bahay. Tanging ang talons lamang niya ang magagamit niyang sandata ngayon.

"You have two choices, gentlemen. Flee or fight. Kung uurong kayo at tatakbo, hindi ko kayo hahabulin. But then, dalawa na nga kayo, naduduwag pa rin kayo sa akin? What would everyone say? Na ang itinuro ng great warrior na si Azael sa kanyang alaga ay kaduwagan at kung paano tumakbo nang mabilis?" pangungutya nito.

Malakas na sumingasing si Azael.

"Give this creature to me, Hades!" mariin nitong sabi. Naging matulis na ang mga ngipin nito. In total demon mode na ang kanyang dating guardian.

Tumango siya. Lumipad palayo rito.

"Okay lang sa akin kung sabay kayong aatake," pagyayabang ni Apollo na inilahad pa ang dalawang kamay at iniliyad ang dibdib. Animo hinahamon silang atakihin na ito.

Ang ganoong klase ng gesture ay nagsabi kay Hades na wala ang weakness ng lalaki sa dibdib nito. Probably ay wala rin itong puso at iba pang lamang loob. Ang mga bagay kasi na iyon ang madalas na kunin ng pet worms nito at ibigay rito. Maybe iyon ang dahilan kaya mahilig ito sa mga internal organ.

"Kayang-kaya na kitang patayin!" sigaw ni Azael na mabilis nang sumugod.

Ang tactic na ito ay itinuro ni Azael noon kay Hades. Isa iyong tactic na labis na sinimangutan ni Iris. Madaya raw kasi.

Thankfully, walang konsensiyang pumipigil ngayon kay Hades. Sabay sa pag-atake ni Azael sa harapan ay aatake naman siya sa likuran ni Apollo! Susubukan ni Azael na putulin ang ulo ni Apollo. Ang target naman niya ay ang mga paa nito.

Bago matapos ang labang ito, magkakadurog-durog na ang ancient sun god. Hindi na niya kailangan pang sabihin kay Alym na nakatulong niya si Azael sa pagpatay sa manliligaw nito. He would take all the credit para malamangan niya nang husto si Des.

Napangisi siya. Masarap pala ang pakiramdam kapag matatalo mo ang iyong sarili!

Biglang napalis ang ngiti niya nang maghagisan palabas sa buong katawan ni Apollo ang worms! Mabangis na inatake ng mga ito sila ni Azael!