image
image
image

CHAPTER 43

image

Mexico

Nagawang isa-isangtabi ni Hades ang labis na kalungkutan sa nasaksihan niyang kamatayan ni Azael. Ngunit hindi niya napigilan ang pagsiklab ng labis na galit sa kanyang katauhan! Lumabas ang pulang apoy sa kanyang katawan!

Ang kapangyarihan ng apoy na namana niya sa kanyang amang si Prince Rosomon na hindi niya magawang magamit noon ay tuluyan nang nagising!

"Apoy ang ipanlalaban mo sa akin?" Malakas ang naging tawa ni Apollo. "I am the Sun God! At baliwala sa akin ang epekto ng anumang apoy, because I am fire itself!" Nagliwanag ito. Nabalot ng naglalagablab na dilaw na apoy ang katawan nito.

Binaliwala ni Hades ang pagyayabang nito. Diretso niyang sinugod ito. Nagmistulang isang bola ng apoy ang kanyang buong katawan.

Sumalpok siya sa katawan ni Apollo! Nagtunggali ang mga apoy nila. Pilit na ginagapi ng dilaw at pulang apoy ang bawat isa. Pinalakas pa ni Hades ang apoy na naglalagablab sa kanyang katawan. Sumambulat iyon na animo bomba. Ngunit nabigo siyang sirain ang protective fire ni Apollo!

Humagis lamang palayo sa kanya ang lalaki. Nahulog ito mula sa itaas ng pyramid.

Mabilis niyang sinundan ito. Pinagbaga niya ang kanyang mga matatalas na kuko. Anuman ang klase ng katawan ni Apollo, wawasakin niya iyon!

Napakunot siya nang makarating siya sa ibaba at hindi makita ang lalaki.

"Up here!" malakas na tawag ng boses ng kalaban. Nakatayo itong muli sa itaas ng pyramid.

"Fucking shit!" mura niya. Nawala sa isip niya na may kakayahan itong mag-teleport!

Lumipad siya pabalik sa ituktok ng pyramid. Nainsulto siya nang makitang nakaupo nang cross-legged lamang doon ang lalaki at parang hari kung umasta habang tinitingnan siya na tila isang alipin lamang nito.

"I think it's about time you die, Hades," utos nito.

"Kung meron mang mamamatay ngayon, ikaw iyon!" asik niya.

"This fight is over." Nanatili itong hindi gumagalaw sa kinauupuan sa kabila nang mabilis niyang pagdating.

"Matatapos lamang ang labang ito kapag nagkapira-piraso na ang katawan ko!" bulyaw niya sabay atake ng kanyang mga nagniningas na kuko.

Dumaplis ang atake niya. Nababalot si Apollo ng invisible barrier nito!

"You will be the one that will be in pieces, Hades." Tumutok ang mga mata nito sa sugat sa kanyang hita. "Nang atakihin ka ng pet ko kanina, iniwan niya sa loob ng katawan mo ang kanyang itlog. Kanina pa nabasag ang mga itlog. Nagsisimula nang lumaki sa katawan mo ang mga bago kong pet at ginagamit nilang pagkain ang katawan mo para sila lumakas, Hades."

Tiningnan ni Hades ang kanyang sugat sa hita. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang mga mahahabang bagay na gumagalaw-galaw sa ilalim ng kanyang balat! Ngunit nananatiling hindi niya maramdaman ang mga ito!