image
image
image

CHAPTER 45

image

Mexico

Malakas ang naging tawa ni Apollo. Labis-labis ang katuwaan nito dahil sa nangyari kay Hades. Hindi na kasi nito kailangan pang gumalaw. Mula sa kinauupuan nito sa tuktok ng pyramid ay hihintayin na lamang nito na kainin ng worms ang katawan ni Hades.

Binaliwala ni Hades ang nangyayari sa kanyang katawan. Sinugod niyang muli si Apollo! Sa pagkakataong ito, binalot niya ng pulang apoy ang kanyang mga kuko. Lahat ng kapangyarihan at lakas na taglay niya ay ibinuhos niya sa kanyang mga kamay. Mabilis at sunod-sunod ang ginawa niyang pag-atake sa invisible barrier na bumabalot kay Apollo.

Unti-unti, nagsimulang manghina ang barrier. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha ni Apollo. Sa isa pa niyang atake ay lumusot na ang isa niyang kamay!

Napatayo si Apollo. Umurong!

Tuloy-tuloy ang ginawa niyang pagsugod nang hindi na niya maramdaman pa ang barrier. Inabutan ng mga kuko ng isang kamay niya ang kanang balikat ni Apollo, nagsiklab ang balat nito nang madikit ang pulang apoy na bumabalot sa kanyang mga kuko.

Mabilis na gumapang ang pulang apoy sa katawan ni Apollo, binalot ito at sinimulang sunugin! Malakas ang naging sigaw ng sun god. Tinadyakan ni Hades sa dibdib ang lalaki. Humagis ito at bumagsak sa sahig.

Sisipain pa sana ni Hades ito nang biglang magbago ang kulay ng apoy. Naging dilaw iyon! Mabilis na pinaghilom ng dilaw na apoy ang mga sugat na likha ng mga kuko ni Hades sa katawan ni Apollo.

Lumutang si Apollo palayo kay Hades. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

"You will never win against me, Hades," mariin nitong sigaw.

Sa kabila ng mga pananalita nito, hindi nakaila kay Hades na ininda nito ang ginawa niya sa katawan nito. Imortal si Apollo, ngunit nakakaramdam pa rin ito ng sakit.

Napadako ang mga mata ni Apollo sa sugat sa kanyang hita. Kumunot ang noo nito.

"You should be dead by now..." anito. "Dapat ay kanina ka pa tinapos ng mga alaga ko!"

Pinagtawanan ito ni Hades.

"Mahihina ang utak ng mga bulate mo, Polio. Napakadali nilang lokohin. In case you have forgotten, I am a master illusionist. These worms now think that I am you. Sa simpleng mga utak nila, nakikita at nararamdaman nila na nasa loob sila ng katawan mo. Therefore, they have remained docile. At susundin nila ang lahat ng utos ko. Hindi nila ako aatakihin. In fact, I can make them leave my body and attack you instead since sa isipan nila ay lalabas na ikaw ay ako.

"Fortunately for you, alam kong magiging useless lamang ang atake nila sa iyo, since you won't die. Pero ang intensyon ko ngayon ay pahirapan at saktan ka nang husto hanggang sa ikaw mismo ang maghangad na mamatay!" Sinugod niya itong muli.

Simple lamang ang plano ni Hades. Pagurin nang husto si Polio to the point na maubusan ito ng lakas. The ancient god wouldn't die, pero kung mauubos niya ang lakas nito, babagsak ito sa sobrang kapaguran. At kung hindi na makakalaban pa ang lalaki, madali nang maikukulong ito ni Hades. Posibleng gawin niyang kulungan mismo nito ang pyramid na kinatatayuan nila.

Para madagdagan ang lakas ni Apollo, malinaw na kailangan nito ang mga buhay at kaluluwa ng mga tao as sacrifices. At ang mga gumagawa nito para sa kanya ay ang mga worm. Ngunit wala na itong makukuha pang lakas sa worms nito. Most of his worms were now dead. At ang natitira pang worms nito ay kokontrolin niya ang isip para hindi ito bigyan ng lakas.

Biglang sinalubong siya ng malakas na apoy mula kay Apollo!

Lightside Realm

Habang napapalayo si Hades sa western gate at sa mga Finder, lalong mahihirapan siyang makabalik sa mundo ng tao. Hindi rin niya mapapayagang maikulong siya. Jails in Lightside were specially designed for erring angels. Mahirap takasan.

Ang tanging pagkakataon para makatakas siya ay ngayon lamang. Pero kaya ba niyang labanan ang dalawang Archangels? Nagawa niyang labanan ang tatlo sa pinakamagaling na mandirigma noon ng Midnight. But he was whole then and he had his full powers.

He could use his powers of illusion. Pero sapat ba ang lakas ng illusion niya para maapektuhan ang isipan ng dalawang Archangels? High-ranking demons were never affected by his illusions. Nandiyan din ang posibilidad na fifty percent lamang ang effectivity ng power of illusion niya dahil ang kalahati nito ay taglay ni Had.

Think! May paraan para makatakas siya sa kamay ng mga Archangel!

Hindi kinuha ng mga ito ang kanyang espada at kalasag. Pero nakasukbit sa baywang niya ang espada at nasa likuran naman niya ang shield. Hindi rin masyadong effective ang weapons na ito sa mga angel. At dahil bitbit siya ng mga ito sa dalawang braso habang lumilipad, mahirap kunin ang kanyang mga sandata.

Ano ba ang kahinaan ng isang anghel? Nagbalik sa isipan niya ang mga natutunan niya sa Midnight Corp. Kaya effective ang Midnight weapons sa mga angel ay dahil ang pinupuntirya noon ay ang mismong espiritu ng isang anghel. Angels were pure spirit. Energies. At dahil sinasaid ng Midnight weapons ang espiritu ng mga angel, namamatay ang mga ito.

Spirit. Energy... Kumislap sa isipan ni Hades ang solusyon sa kanyang problema!

Angels were spirits! Spirits that could become flesh through their powers. At dahil isa na siya ngayong pure angel...

Nag-concentrate nang husto si Hades. Sinimulan niyang gawing isang espiritu ang kanyang katawan!

Huli na nang mapansin ng dalawang Archangels na may hawak sa kanya ang nangyayari. Tumagos na ang mga braso niya sa mga kamay ng mga ito! Nang makahulagpos siya sa mga hawak ng mga ito ay agad niyang ibinalik ang solido niyang katawan para bumulusok siya pababa. When angels fight and they get thrown, nagta-transform sila into their spirit form para lumusot sa babagsakan nila at hindi masyadong masaktan.

Bahagyang lumubog ang lupang binagsakan ni Hades. Ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Sumibad siya ng takbo patungo sa western gate ng headquarters.

Nilagpasan niya ang mga nabiglang guwardiya. Tumalon siya at nagsirko para maiwasan ang pagtatangka ng mga ito na sunggaban siya.

Ang ilang mga anghel na nakasalubong niya ay nagulat sa nakita. Ngayon lamang nangyari sa Lightside ang paghabol ng mga Archangel sa isang lower-class angel! Wala ring dahilan ang isang anghel para takbuhan ang kapwa anghel. Sa tuwing makakagawa ng pagkakamali ang isang anghel, maayos nitong tinatanggap ang kaparusahan at nagpapakulong.

Ngunit mukhang hindi pa talaga matatawag na pure angel si Hades.

Nang matanawan niya ang western gate ay ubod-lakas siyang sumigaw.

"Finders! Get me out of here and bring me to Had!"

Inulit niya ang tawag sa Finder Unit. Batid niya na may isa o dalawa sa mga ito na malakas ang pandinig. He only needed one Finder to hear him at malalaman na iyon ng iba pang mga kasamahan nito.

Napangiti siya nang biglang lumitaw sa paligid niya ang Finder Unit! Saglit pa at binalot siya ng mga light thread ng mga ito.

Nawala sa paningin niya ang mga humahabol sa kanyang Archangel. Natagpuan niya ang sarili na nakatayo sa paanan ng isang malaking batong pyramid!

"Nasa itaas si Had at nakikipaglaban kay Apollo!" malakas na sabi ni Albright sabay turo sa tuktok ng pyramid.

Hinawakan niya ang espada at kalasag at tumakbo paakyat ng pyramid. Bago siya nakarating sa tuktok ay nadaanan niya ang isang katawan ng isang demon na wala nang ulo. Natigilan siya. Pamilyar sa kanya ang demon na ito!

"Azael!" bulalas niya. Napaluhod siya sa tabi nito. Nagsisimula nang maging abo ang katawan ng kanyang dating guardian.

Isang luha ang dumaloy sa pisngi niya. Naging guardian niya si Azael dahil ito ang ini-assign ng Midnight para bantayan siya. Bahagi ng responsibilidad nito na ihanda siya sa pagiging isang demon. Ngunit itinuring niya itong ama. Hindi man nito sinadya, ito ang tumayong ama niya noong bata pa siya.

Kinontrol niya ang emosyon. Tumayo siya at muling tumakbo patungo sa itaas ng pyramid. Inabutan niya roon si Had na nakikipaglaban kay Apollo.

Sugatan at duguan na si Had. Pero wala ni isa mang sugat na taglay si Apollo. Hindi pansin ng demon ang mga sugat nito. Para itong sira ulo na sugod pa rin nang sugod kahit na patuloy itong tinatamaan ng mga apoy na nagmumula sa mga kamay ni Apollo.

"How could you let Azael die!" pagalit niya kay Had.

Saglit siyang nilingon ng demon.

"He died fighting, moron!" angil nito.

"This is our fight, not his!"

"Pwede bang mamaya mo na ako bigyan ng lecture? I'm busy!"

"Hindi kita mapapatawad, Had, sa ginawa mo kay Azael!" Sinugod niya ito ng hawak niyang espada.

"Are you fucking crazy!" Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang dala niyang espada.

Mabilis itong umiwas sa ulos ng kanyang espada! Batid nitong mapapahamak ito kapag tinamaan ito ng isang angelic weapon.

Ngunit hindi si Had ang tunay niyang target. Diversion lamang niya ang pakikipag-away sa demon. Dire-diretso ang espada niya sa sumusugod na si Apollo!

Mabilis na pinutol ng Lightside sword ang ulo nito! Gamit ang lapad ng espada ay hinampas ni Des ang ulo ni Apollo bago iyon tuluyang nahulog. Parang bola na humagis nang pagkalayo-layo ang sumisigaw na ulo.

"Shit! That's some fucking awesome sword!" bulalas ni Had.

"Finders! Teleport!" malakas niyang sigaw. Batid niyang buhay pa si Apollo, ngunit hindi ito ang oras ng komprontasyon nila rito. Mas importanteng mailigtas si Alym!