![]() | ![]() |
Natagpuan ni Had ang sarili sa loob ng isang cavern sa Sanctuary. Agad niyang napansin ang presence ng labingtatlong Elders ng Niesmire. Ngunit mabilis niyang binaliwala ang mga ito nang makita niya si Nephalym!
Napatakbo siya sa tabi ng kinahihigaan ng asawa.
"Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nagkaganito?"
"Dinala siya ni Princess Nam sa isang lugar na puno ng polusyon," malungkot na paliwanag ni Elder Savin.
Galit niyang binalingan si Des.
"How could you allow this to happen?! Ipinagbilin ko siya sa iyo! Tapos sinisisi mo ako sa nangyari kay Azael? Azael and I were fighting that f-" Hindi siya makapagmura. Malinaw na sa kabila ng kalagayan ni Nephalym, effective pa rin ang anti-trash talk spell nito. Nagbigay iyon sa kanya ng pag-asa na nilalabanan ni Alym ang kundisyon nito.
"Alym is dying!" mariing pahayag ni Des. "Wala na tayong panahon pa para magtalo. We need to become one again!"
"Why in the-" Natigilan siya.
"Dahil ang kapangyarihan na nagbibigay sa kanya ng immunity sa pollution ay nawala sa atin nang magkahiwalay tayo. Mababalik lamang iyon kung muli ay magiging isa tayo!"
Hindi magawang alisin ni Had ang mga mata kay Nephalym.
"Pababayaan mo ba siyang mamatay na lamang because of your selfishness?" pangongonsensiya ni Des.
Kumuyom ang kanyang mga kamay.
"Shut up! Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin kung paano makakaligtas si Alym!"
"Then-"
Huminga siya nang malalim.
"I am not going to let her die!" mariin niyang pahayag. "Kahit na wala akong konsensiya ngayon, alam ko na hindi siya dapat mamatay!"
Nakita niya ang pagsisimula ng ngiti sa bibig ni Des.
"Don't smile! Hindi dahil pumayag ako na magkasama tayong muli ay tapos na ang problema. We still don't know how we can become one again!"
"I have an idea."
"Then spit it out! Bawat sandali ay mahalaga! I can't have a wife looking like a dead tree! Major turn-off iyon!"
"I will possess you."
"You will what?" Tama ba ang narinig niya?
"Angels are spirits. Pure energies. If I transform myself into my pure energy form makakapasok ako sa katawan mo. Noong kapanahunan ng Great War, may ilang mga anghel na isinasakripisyo ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa katawan ng isang demon. The demon's body exploded, but it also resulted to the angel's death. Isa iyong desperadong paraan para mailigtas nila ang kanilang mga kasamahan."
Kumunot ang noo ni Had. Posible pala'ng mauwi sa pagkamatay nilang dalawa ang idea na ito ni Des!
"But... Ganito rin ang paraang ginagawa ng mga taga-Lightside kapag nagtutungo sila sa mundo ng tao at..." Hindi nito naituloy ang sasabihin. "Well, humans survived being possessed by angels. Wala nga lamang silang naaalaala pagkatapos ng possession."
Agad na naintindihan ni Had kung bakit pino-possess ng mga anghel ang katawan ng isang tao.
"So, that's how nephilims are born." Isang hinala ang biglang pumasok sa isipan niya. "Did you do that, used a human body to bed Nephalym while I'm gone?"
Nainis si Des.
"Wala akong panahon para sa ganyang bagay! At hindi na natin iyan dapat pinag-uusapan pa. We need to become one, right now!"
"You know, weird itong gagawin natin. Ginagawa lamang ito ng mga anghel kapag desperado na sila. Parang suicide ito sa isang anghel."
"I am desperate! And it's a chance na kailangan nating gawin! Ito lamang ang paraan na naisip ko para muli ay maging isa ang ating katawan. Dati ay isa lamang tayo, so it's possible that we could both survive this."
"What if sa paraang iyan ay pareho lamang tayong mamatay?"
"Inaatake ka ba ng kaduwagan?" panlalait nito.
Tumiim ang bagang niya. Mataman niyang tiningnan ang anghel.
"I have never been a coward!" singhal niya.
"Then get yourself ready!"
Lumayo si Had kay Nephalym at sa Elders. Kapag pumalpak ang idea na ito ni Des, ayaw niyang mapahamak pa ang kanyang asawa. Nakita niya nang mawala ang solid form ni Des. Naging isang pure being of energy ito! Para itong bulalakaw na biglang sumugod sa kanya!
Nanatili siyang nakatayo. Nagpakatatag.
"By the way, I have worms," ang huli niyang nasabi bago sumalpok sa katawan niya ang energy ni Des!
Naramdaman niya ang angelic nature ni Des. Nagbalik sa isipan niya ang sakit na dulot ng isang angelic weapon sa kanyang katawan. Sampung doble ng sakit na iyon ang bumabalot ngayon sa kanyang buong katauhan. Bawat kalamnan niya ay animo sinusunog at dinudurog! Pakiramdam niya ay nagsisimula na siyang mamatay!
FUCKING SHIT!!!