![]() | ![]() |
The world of Athenaeum
One month ago...
Narinig ni Hades ang malalakas na sigawan at ang pagkakagulo ng lahat ng naninirahan sa mundo ng Athenaeum. Patuloy kasing gumagapang at kumakalat sa bawat sulok ng mundo ng mga grey soul ang kanyang apoy. Lahat ng madaanang libro ng apoy ay natutupok, nagiging abo hanggang sa tuluyan nang maglaho iyon.
Ang kakaibang landscape ng Athenaeum ay naglalaho, napapalitan ng isang ordinary, dull flatland na nababalot ng mist at makapal na ground fog.
Sa pakikipag-usap ni Hades kay Dr. Miller at sa mga naobserbahan niya mula nang dumating siya rito ay naging malinaw sa kanya kung ano talaga ang mundo ng Athenaeum. Ito ang mundo ng mga pangarap, ideya at ilusyon. Theories and beliefs were made real here and stored inside a book of illusion created by authors like Dr. Miller. Ang isang normal na grey soul ay kayang makalikha ng mga tunay na ilusyon gamit ang sarili nitong isipan. Lahat ng mga denizen ng Athenaeum ay binigyan ng kapangyarihang ilusyon ng mundong ito.
Ngunit dahil natural at mula pa nang isilang si Hades ay taglay na niya ang kapangyarihan ng ilusyon, higit na mas mabisa at makapangyarihan ang kanyang mga ilusyon sa loob ng Athenaeum. Lahat ng ilusyong gawin niya sa mundong ito ay magiging totoo at permanente.
Maihahalintulad ang Athenaeum sa pinapaniwalaang purgatoryo ng mga Kristiyano. Ngunit para sa mga grey soul, ang lugar na ito ay mistulang langit para sa kanila.
"Anong ginawa mo? Stop burning the books!" malakas na sigaw ni Dr. Miller.
"Calm down, Doc. These books are ideas. Habang nasa isipan ninyo ang mga ito, hindi sila mawawala. They will just take on a new form. At hindi ka dapat mag-alala. Hindi ko sila sinusunog. My fire illusion is absorbing all the books and the information and ideas na taglay ng bawat libro. In short, inaayos ko lamang sila dahil napakagulo ng filing system ninyo rito."
"What are you talking about?!" bulalas ni Dr. Miller.
Inilahad ni Hades ang isang kamay. Isang manipis na grey tablet ang lumitaw roon. More than six inches ang haba nito, five inches ang lapad at .40 inches ang kapal. Mayroon itong malapad na screen monitor at sa bandang ibaba ay makikita ang isang maliit na keyboard.
"This, Doc, is an e-reader. Kaya nitong dalhin ang kahit na ilang libong libro. Habang sinusunog ng apoy ko ang mga libro ninyo, I was also cataloguing them and putting them into this device." Iniabot niya rito ang e-reader. "All the books you wrote, nandiyan sila sa loob. As you can see, may search box sa monitor. All you need to do is type the title or the topic of your book at lalabas na iyon."
Bagama't kinuha ni Dr. Miller ang tablet, nananatili sa mukha nito ang pagkadiskumpiyado. Nawala ang pagdududa ng lalaki nang matapos nitong i-type ang title ng isang libro nito ay lumabas mula sa tablet ang printed version ng book. Napangiti ito nang buklatin ang libro at matuklasang walang nawala sa mga isinulat nito. Pero bigla itong natigilan nang magsimulang magbago ang kulay ng grey book at maging kulay white iyon!
"Paano ito nangyari? Kahit na ano pang gawin namin, hindi kami makalikha ng mga bagay na iba ang kulay. Laging grey lamang ang kulay na lumalabas." Tumutok kay Hades ang mga nagtatanong na mata ng doktor.
"You're simply not doing it right. When you create something in your mind, don't think in grey, use colors."
Umiling si Dr. Miller.
"No, naging kulay white ang librong ito dahil sa iyong kapangyarihan, Hades. Ikaw ang lumikha ng e-reader at ng printed version ng libro kaya nang hawakan ko ito ay nagawa kong mapalitaw ang kulay na nais kong maging cover nito."
Hindi na nakipagtalo pa si Hades sa paniniwala ng lalaki.
"Pero teka, paano ako makakapagsulat pa ng aking libro?"
"Haven't you been watching the advancement of human technology below? Ang mga writer ngayon kapag nagsusulat ng libro ay sa computer na nagta-type."
Pinitik ni Hades ang kanyang mga daliri. Isang computer table complete with the most advanced laptop ang lumitaw sa harapan ni Dr. Miller.
"You type your books there. At kapag tapos ka na, you can upload your books sa limitless storage na nilikha ko sa lahat ng libro na nandito sa Athenaeum." Itinuro niya ang isang daliri sa itaas. "It is like an invisible library, but it is up there. At anumang oras na gusto ninyong makita o mahawakan ang mga libro ninyo, you simply download it. Lahat ng book na matatapos ninyo ay agad na ma-a-upload sa library. Tungkol naman sa ground screen ninyo, nakakonekta na rin iyon sa inyong laptop. Hindi mo na kailangang tumungo pa at magkaroon ng stiff neck para panoorin ang mga nangyayari sa tatlong mundo sa ibaba. At kung gusto mong mapalaki ang monitor ng laptop, you can simply increase it by using your mind."
Naupo si Dr. Miller sa harap ng computer table nito. Isang white cushion chair ang lumitaw at sumalo sa puwitan nito. Nang hawakan nito ang table at ang laptop ay nagkaroon din ng kulay ang mga iyon.
"You really are the master of illusion!" bulalas nito. "Thank you!"
Tumango si Hades.
"At oras na matapos mo nang basahin ang libro, maglalaho iyan. Kung kakailanganin mo ulit, simply summon it by typing its title on your e-reader. Pero bago mo isiping nagmamagandang loob ako, let me clarify na ginawa ko lamang ito para maging madali sa akin ang paghahanap sa impormasyong kailangan ko tungkol kay Apollo. Nilagyan ko lamang ng sistema ang pagkakaayos ng mga libro rito. I connected all of them in one big storage. Once everything has been filed properly, all I would need to do is type the information I want in my own tablet at lalabas na ang mga librong tumatalakay sa information na kailangan ko."
Napatuon naman ang atensyon ni Hades sa bagong landscape ng lugar na ito. Masyadong foggy at dimly lit. Tipong set ng isang horror movie.
This place definitely needed a redecoration!
Itinuro ni Hades ang hintuturo sa makulimlim na kalangitan. Gumuhit siya roon ng isang half-moon. But unlike the normal half-moon na malamlam ang liwanag na ibinibigay, sumiklab iyon at nagbigay ng liwanag tulad sa isang white incandescent lamp.
Napawi ang animo takipsilim na bumabalot sa kapaligiran. Everything became clear. Noon niya nakita ang mga denizen ng Athenaeum na hindi malaman ang gagawin. Puno ng takot ang mga mukha ng mga ito. Hindi kasi narinig ng mga ito ang kanyang paliwanag kanina kay Dr. Miller.
Isang megaphone ang nilikha niya sa kanyang kanang kamay.
"Citizens of Athenaeum, calm down!" Malakas na dumagundong sa apat na sulok ng Athenaeum ang kanyang boses.
Natigilan at nahinto sa pagtatakbuhan ang mga residente ng Athenaeum.
"Hindi kayo masasaktan o mapapahamak sa apoy. It will just get rid of all the other illusions. Especially the clutter of books. Ngunit wala kayong dapat na ipag-alala, hindi mawawala ang masterpieces ninyo. Matatagpuan ninyo ang isang e-reader at isang computer table na may laptop sa inyong lugar. All of your books could easily be accessed through the e-reader or the laptop."
Naramdaman ni Hades ang pagtuon ng atensyon ng lahat sa kanya. Nagsimula na ring maglapitan sa kinaroroonan niya ang mga grey soul.
"Denizens of Athenaeum, magkakaroon ng redecoration ang mundong ito. More color and a little bit of organization. Hindi dahil mga grey soul kayo, magiging para na kayong ermitanyo. You now live here. Mayroon na kayong bagong buhay sa mundong ito na pag-aari na ninyo ngayon.
"Don't you think it's time that this world of yours leave the middle age period at sumabay na rin kayo sa modernization at improvement na nagaganap sa tatlong mundo sa ibaba? You cannot forever think of this place as purgatory! You own this world. You control this! Hindi ito imbakan ng rejected souls. This is the place where the unique and totally independent souls reside!"
Ang sigawan or cheer na inaasahan ni Hades ay hindi niya narinig. Nanatiling tahimik at nakatayo lamang ang mga grey soul sa kanyang paligid. Hindi siya sigurado kung nakuha niya ang interes ng mga ito o naging isang galit na mob na ang mga ito na saglit pa at susugurin na siya.
Isang lalaki na malapit sa kanya ang nagtaas ng kamay. Signal na ba iyon ng pagsugod sa kanya ng lahat?
"My name is Menses. At marami akong nalalaman tungkol kay Apollo Horizon. Nabuhay ako bilang isang Egyptian scribe noong unang panahon. Nasisigurado kong makakatulong sa iyo ang mga librong isinulat ko."
Sa may likuran ay narinig niya ang isa pang boses babae.
"Tinatawag akong Loresa. Nakilala ko si Apollo Horizon noong tinatawag pa siya ng tribu ko bilang si Arcton."
"Anong nangyayari, Doc?" anas niya kay Dr. Miller na nananatiling nakatayo sa tabi niya.
"You have conquered this world. You gave it order and made us realize na dapat na rin kaming magbago. Kumilos bilang mga responsableng citizen ng mundong ito."
"That is your opinion, Doc, pero ganyan din ba ang opinyon ng lahat?"
"Kilala ka ng lahat dito, Hades. All of us have become fascinated with your improbable birth. At dahil sa ipinakita mong kapangyarihan, naging malinaw sa lahat na ang mundong ito ay para sa iyo. Malinaw rin sa ikinilos mo na prinoklama mo na ang sarili mo bilang tagapag-ayos ng lugar na ito. In short, you have elected yourself to be our leader, our king. Ipinakita mo rin kasi sa amin na kailangan namin ng isang leader na tutulong at magbibigay sa amin ng direksyon."
"W-Wait... Nagpunta lamang ako rito para makakuha ng impormasyon tungkol kay Apollo!"
"And you shall have it." Yumukod si Dr. Miller.
Napatanga siya nang mapansin niyang nagsipagluhuran din ang ibang mga grey soul. Tinatanggap na nga siya ng mga ito bilang hari nila! Pero wala siyang balak na sakupin ang lugar na ito o maging hari! Alym would never forgive him if he didn't return to her!
"Simula sa araw na ito, tatawagin na rin namin ang mundong ito bilang Hades Realm," pahayag ni Dr. Miller, "and you will be our king, Hades!"
Ang mga salitang ito ni Dr. Miller ay tinanggap ng lahat sa pamamagitan ng malalakas na sigawan ng pagsang-ayon.