![]() | ![]() |
Nagmulat ng mata si Hades. Tapos na ang mga alaala. Bahagya siyang napangiti. He remembered everything na nangyari sa kanya sa Athenaeum! Nakalog siguro ang utak niya sa pagsasanib na muli ng kanyang dalawang katauhan. Anuman ang kapangyarihan o spell na nagbubura sa memorya ng mga nanggagaling sa Athenaeum ay mukhang hindi umepekto sa kanya.
Bahagya siyang napangiwi nang maalaalang binago na ng mga citizen doon ang pangalan ng mundong iyon. Hindi magandang ipagkalat niya ang bago niyang posisyon. Tiyak na lalo niyang makukuha ang atensyon ng Midnight at Lightside.
On the other hand, him becoming a king also made him equal to Alym's rank...
"Hades? Are you whole again?" basag ni Elder Savin sa kanyang pagmumuni-muni. Noon niya napansin na nakatungo ito at pinakakatitigan siya ng dalawang malalaking mata nito.
Na-realize niya na nakahiga siya sa lupa. Bigla niyang naalaala ang dahilan ng muling pagsasanib ng dalawang katauhan niya! Balikwas siya.
Napansin niya ang dalawang tuyot na worms sa tabi ng kanyang kanang hita. Nababalot ang mga ito ng luntian niyang dugo. Ang dalawang butas sa kanyang hita na nilabasan ng mga ito ay nagsisimula nang maghilom. Patay na ang worms ni Apollo. Nasunog. Mukhang hindi kinaya ng mga ito ang enerhiya ng pagsasanib muli ng kanyang dalawang katauhan. Napilitang lumabas sa kanyang katawan. Ngunit huli na, pareho na silang na-barbecue.
Isinaisantabi niya ang tungkol sa worms at kay Apollo. Hinanap ng mga mata niya si Alym! Nakita niya itong nakahiga pa rin sa higaan nito at binabantayan ng ilang Elders. Tumayo siya at nilapitan ang asawa. Naupo siya sa tabi nito. Binuhat niya ito at dinala sa kanyang kandungan. Mahigpit na niyakap.
"I'm whole again, Alym. Come back now," anas niya.
Hindi niya alam kung paano talaga nagiging epektibo ang kakaiba niyang kakayahan na ito na gawing immune si Alym sa pollution.
Nilingon niya ang mga Niesmire Elder. Humihingi siya ng tulong sa mga ito kung ano pa ang maaari niyang gawin.
"Just be near her. Don't let her go," payo ni Elder Savin.
Pinagmasdan ni Hades ang mukha ng asawa. Nananatili itong nakapikit. Ang dating makinis at malambot nitong balat ay kahalintulad na ngayon ng magaspang na balat ng isang puno. Nagsisimula na rin iyong magbitak-bitak.
"Huwag mo siyang iiwanan," bilin ni Elder Maras.
Hindi niya kailanman magagawang iwanan o layuan si Alym. Hinapit niya sa dibdib ang ulo nito. Gusto niyang marinig nito ang tibok ng kanyang puso, malaman nito na kahit na ano pa ang mangyari ay hindi niya ito iiwanan.
Nagsimulang lumipas ang mga sandali. Tahimik na pinaligiran sila ni Alym ng labingtatlong Elders. Hindi napansin ni Hades kung kailan nagsimula ang pag-awit ng mga Elder. Kasabay noon ay narinig niya ang pagsabay ng isang kakaibang musika sa awitin. Pakiwari niya ay nagmumula ang musika sa mismong dingding ng Sanctuary. Hindi niya maintindihan ang mga salitang gamit ng Elders ngunit ang awitin at musika ng mga ito ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob, ng kapayapaan. Sinasabi nito na magiging maayos din ang lahat.
Napadako ang mga mata niya sa kamay ni Alym. Kulay brown iyon kanina, ngunit ngayon ay tila dilaw na ang kulay! Ginagap niya iyon.
Nagtaas siya ng mukha. Nagtama ang tingin nila ni Elder Savin. Bahagya itong tumango.
Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Alym. Nakaramdam siya ng kasiyahan nang mapansing nagbabago na rin ang balat nito. Nagsisimula na iyong kuminis.
Ilang sandali pa at bumalik na ang katawan ni Alym sa natural healthy green color nito! Napangiti siya nang magsimulang magbigay ng green glow ang katawan ng asawa. Ganito niya ito unang nakita. She was also glowing.
Dinala niya ang palad nito sa kanyang kaliwang pisngi.
"Wake up now, Alym," anas niya.
Nanatiling nakapikit ang mga mata nito.
"Alym?" Biglang nakaramdam ng pagkabahala si Hades.
"She is in a very deep sleep, Hades," paliwanag ni Elder Savin.
"Pero nailigtas mo na siya," dagdag ni Elder Maras.
"Is she under some spell or curse?" Kung ito ay isang fairytale story, isang simpleng halik lamang ang makakagising sa natutulog na prinsesa.
"Nang dalhin mo siya rito kanina, natuklasan namin na nabawasan ang kanyang espiritu. Para mangyari iyon, tiyak na sinadya niyang alisin ang isang bahagi ng spirit niya. Unlike angels who could regenerate their spirits, walang ganoong kakayahan si Nephalym," ani Elder Laross.
"We need to find the missing part of her spirit. Kailangan nating ibalik iyon sa kanyang katawan para siya magising," mariing pahayag ni Elder Savin.
"Anong itsura nito?" Hahanapin niya ang spirit part na iyon ng asawa kahit na nasaan pa iyon.
"It's like a soft glowing green fire," ani Elder Maras.
Nagbalik sa isipan niya ang kislap na nakita niya na malapit sa kinaroroonan ni Alym sa Liang Feng. Iyon ang tumawag sa kanyang pansin noon. Pero bago siya nakalapit kay Alym, naglaho iyon. "Paano kung tumigil sa pagkislap iyon?"
Nagkatinginan ang mga Elder.
"That means that spirit is gone. Hindi na natin maibabalik pa sa katawan ni Alym."
Tumiim ang bagang niya.
"Wala na bang paraan para magising pa si Alym? Mabigyan siya ng bagong espiritu?"
"Para sa mga katulad ni Nephalym, their spirit comes from their father. Only Nephalym's father could help her now, Hades."
Maingat niyang inihiga muli si Alym sa higaan nito. Tumayo siya, puno ng determinasyon ang mukha.
"Then I will force her father to give her the spirit she needs!" mariin niyang pangako.
Nagsimula siyang maglakad palabas ng cavern. Sa katauhan niya ngayon, mapapalaban siya nang husto kapag sumugod siya sa Lightside Incorporated. Ngunit wala siyang pakialam doon. Hindi siya aalis sa Lightside hangga't hindi niya nakukuha ang bahagi ng espiritu ng ama ni Alym!
"Mukhang natutunan mo na ring tanggapin ang aming kultura, Hades," komento ni Elder Savin na pinipigilan ang sarili na matawa.
Napatingin si Hades sa kanyang sarili. Wala siya ni anumang saplot sa katawan! Nasunog ang kanyang mga damit nang magsanib sina Had at Des!