image
image
image

CHAPTER 53

image

Ang nag-aalalang mukha ni Hades ang unang nakita ni Alym nang magmulat siya ng mata. Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti nang mapansin niya ang pamamasa ng mata ng asawa. Malinaw ang pagpipigil nitong umiyak. Ngayon lamang niya nakita na nagkaganito ito. At nakaramdam siya ng tuwa dahil batid niyang siya ang dahilan ng mga luha nito.

"Ano na nama'ng pinaggagawa mo, Hades? Ang dumi-dumi mo," kunwa'y pagalit niya rito.

"I don't deserve a lecture. Kung meron man na dapat magbigay ng lecture rito, ako iyon." Ibinangon siya at hinapit sa dibdib nito. "Dapat ay umalis ka agad sa bayang iyon nang ma-realize mo kung gaano iyon ka-polluted!"

"I tried to fly away! Pero pinigilan ako ng ex-girlfriend mo."

Napatitig ang mga mata nito sa kanya. Ngayon niya na-realize na hindi ito si Des o si Had! Hinawakan niya ang pisngi nito.

"You are whole again!"

"Iyon lamang ang tanging paraan para hindi magtuloy-tuloy ang pagkamatay mo. Your father also helped. Nag-donate siya ng spirit niya para magising ka at muling lumakas." Kumunot ang noo nito. "Binabago mo ang usapan."

"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa iyo na matapos akong pagtangkaang patayin ng ex-girlfriend mo, I killed her. Wala ka nang pag-asa pang magkaroon ng affair sa kanya ngayon."

"Puro ka talaga kalokohan, Alym! I would never have an affair with her! At kung hindi mo siya pinatay, baka ako ang pumatay sa kanya dahil sa ginawa niya sa iyo. Hindi ko siya mapapatawad. Princess Nam will also-"

"Wait, kung meron mang dapat na makipagkompronta sa kanya, ako dapat iyon. This is personal, Hades."

"Gagawa ka ng gulo kapag kinompronta mo siya. Baka masira pa ang treaty na ginawa mo sa Midnight. At hindi ako papayag na malagay ka na naman sa panganib. But I, as a Midnight employee could challenge her to a duel without any repercussions."

"I am also the Ambassador of the Niesmire," paalaala niya rito. "Ang ginawa niya sa akin ay paglabag sa treaty. Don't worry, dadaanin ko ito sa proper procedure. Makikipagkita ako kay Aramis, magpa-file ng formal complaint."

Nasa mga mata ng lalaki ang pagdududa. Malinaw na hindi ito naniniwala na iyon lamang ang gagawin niya.

"Bakit tila kinakabahan pa rin ako?" anito.

"Siguro dahil kilalang-kilala mo na ako." Napabungisngis siya.

Hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. Animo ayaw na siya nitong bitawan pa.

"Hades..." anas niya.

"Yes?" Isang pamilyar na apoy ang nakita niyang naglalagablab sa mga mata ng lalaki.

"Balak mo ba akong angkinin ngayon kahit na mayroon tayong audience?"

Napaangat ng mukha ito. Malakas ang naging tawa niya.

"We won't mind at all, Hades," singit ng boses ni Elder Savin.

Tuluyan nang namula ang mukha ng asawa.

"You are still a prude! Akala ko pa naman ay nawala na ang pagiging mahiyain mo nang maranasan mong maging pure demon," patuloy niyang panunukso rito.

"At puro ka pa rin kalokohan!" reklamo nito.

Tumikhim si Elder Maras. Sabay silang napatingin dito ni Hades.

"Since everything is now back to normal, oras na rin para bumalik kami sa aming villages at pamilya. I also need some sleep," anito bago ito sumibad ng takbo palayo.

Tahimik na sumunod dito ang iba pang mga Elder. Malinaw na binibigyan sila ni Hades ng privacy.

Nang maiwan na sila ni Hades ay ikinawit ni Alym ang mga braso sa leeg nito.

"Well then, dear husband, ngayong meron na tayong privacy, meron ka pa bang gustong sabihin o gawin sa akin?" panunukso niya.

"Noong magsanib na muli ang dalawang katauhan ko, I remembered something."

"Good or bad?"

"I am not sure."

"Tungkol saan ito Hades? Kay Apollo?"

"Partly. Natandaan ko noon kung paano siya gagapiin. And by the way, hindi na niya tayo guguluhin pa. I have defeated him."

"Bumalik na siya sa kanyang pagtulog?"

"Not exactly." May kung anong hinugot ito sa bulsa. Nakita ni Alym ang isang maliit na green crystal ball na mayroong bola ng apoy sa loob. Sa loob ng apoy ay mayroong isang dilaw na bagay na kumikinang. Mukha itong isang crystallized coral. Or maybe mas kahawig ng isang sea urchin.

"Ano iyan? Please don't tell me na regalo mo iyan sa akin. I don't like dead things."

"I managed to take this out of Apollo's body. Ito ang kanyang true essence. Without this, hindi na niya mabubuong muli ang kanyang katawan o makakalikha muli ng katawan. His body never really belonged to him. He created it from the life forces of the people that his worms had killed."

"Worms?"

"Iyon ang mga alagad ni Apollo. Pasalamat ka at tulog ka noong natuklasan ko ang totoo niyang pagkatao, nakakadiri ang itsura ng worms sa loob ng katawan niya."

Natawa siya.

"Hindi mahina ang sikmura ko. I don't scream kapag nakakita ako ng worms."

"Let's not talk about that." Ibinalik nito ang essence ni Apollo sa bulsa nito.

"Ano nga pala'ng gagawin mo riyan kay Apollo?"

"Dadalhin ko siya sa Athenaeum. He will be studied there by scholars and scientists. As long as nasa loob siya ng crystal na ito, he would remain in that realm."

"At kung mabasag? Manganganib ang mga grey soul doon."

"Kahit na makakawala pa siya sa kulungan niya, hindi na siya lalakas pa dahil wala siyang magagamit na worms para kumuha ng life forces.

"I am also confident na maibabalik agad siya ng mga grey soul sa kulungan niya dahil sila ang nagsabi sa akin kung paano ikukulong sa crystal si Apollo. In case hindi nila magawang ibalik si Apollo sa kulungan niya, tiyak na lalabas ang tunay na kulay niya. Since he's definitely not a grey soul, isusuka agad siya ng Athenaeum. And the moment na sipain siya palabas sa realm na iyon, he would become an amnesiac. Wala na siyang anumang matatandaan. And of course, his presence would instantly alert Lightside and Midnight. Those two companies would have to deal with him this time dahil hindi ko na siya problema pa."

"Paano kung maging problema na naman natin siya?"

Hinaplos nito ang buhok niya.

"Laging may problema sa mundong ito, Alym. At laging may katapat na solusyon iyon. Let's deal with that problem kapag nangyari na ito. For now, isaisantabi na muna natin si Apollo. Ang gusto kong sabihin talaga sa iyo ay ang nangyari sa akin sa Athenaeum."

"Natatandaan mo pa rin? Hindi mo nalimutan?"

Ngumiti ito.

"Ayon sa paniniwala ng lahat, nakakalabas lamang ang mga grey soul doon kapag naging itim o puti ang kanilang mga kaluluwa. The truth is, may kalayaan ang bawat grey soul na umalis sa Athenaeum. But none chose to leave dahil naging kontento na sila sa kanilang buhay roon. In a way, natagpuan nila ang mundong nababagay sa kanila. At kung aalis sila roon, posibleng maging masama sila o bumuti which would then disqualify them from returning to that realm again. As for me, since I remained half-angel at half-demon, madali sa akin ang maglabas-masok doon."

"Pero paano mo nagagawang tandaan ang mga nangyari sa iyo roon?"

"No idea. Siguro may kinalaman doon ang pagiging unique ng pagkatao ko. Pero ang talagang gusto kong sabihin sa iyo ay..." Animo nagdadalawang-isip ito.

"What?" usisa niya.

"Habang nandoon ako, at nagre-research at nakikipag-usap sa ilang theoretical scientists, somehow, I sort of got elected as the ruler of that world."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ginawa kang hari ng mga grey soul? Sigurado ka bang wala ka nang iba pang ginawa roon?"

"Ahm, tingin ko na-impress din sila sa aking kapangyarihan at skill pagdating sa redecorations." Napangisi ito.

"So, I am now married to the ruler of the 4th world? Kailangan bang pumunta ako roon at manirahan?"

"Not really. Kahit ako ay hindi required na laging nandoon. Base sa pagkakaintindi ko, sa tuwi akong darating doon, they will treat me as their ruler and I would need to solve or help some of their problems."

"So, Athenaeum has become your private realm..." Mapaghinala niyang pinagmasdan ang asawa. "Marami bang magagandang babae roon? Balak mo bang bumuo ng harem doon dahil kapag naroroon ka ay hindi kita maaaring masundan?"

"Alym!" Malakas ang protesta sa boses nito. "Kahit kailan ay hindi ako nagkainteres sa mga babae roon o sa sinumang babae mula nang makilala kita! I never lie to you pagdating sa ganitong mga bagay."

"Gusto ko lamang ipaalaala sa iyo ang mga bagay na hindi mo maaaring gawin."

"Masyado kang selosa." Kunwa'y reklamo nito bagama't hindi nito napigilan ang pagkakangiti.

"Bakit sa tingin mo green ang kulay ko?" Kasabay noon ay nagpalit siya ng anyo at muling naging isang nineteen year old woman.

"Mukhang bumalik na rin ang mga kapangyarihan mo. Gusto mo na bang umuwi ng bahay o gusto mo pang magpahinga muna rito?"

"We should go home. Kailangan kitang paliguan dahil ang dumi-dumi mo." Natatawa niyang sabi.

Napangiti si Hades. Tumungo ito at hinagkan siya sa labi.

"Kakailanganin ko rin pala'ng bumalik sa Athenaeum para dalhin doon si Apollo," anito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Hades, mayroon pa pala akong kailangang sabihin sa iyo," seryoso niyang sabi.

Nakita niya ang pagdating muli ng pag-aalala sa mukha nito.

"Natatandaan mo pa ba 'yung sinabi ko sa iyo noong puntahan kita sa Lightside? About me having a child?"

Tumango ito. Napuno ng kalungkutan ang mga itim nitong mata.

"I will prepare myself for that day, Alym. At ipinapangako ko na aalagaan at poprotektahan ko ang ating magiging anak."

"I lied."

"What?"

"Lumaki ako sa mga Niesmire. At bahagi na ng kultura nila ang panloloko at panlilito sa mga tao. I learned to become a trickster because of them. At kailangan kitang lokohin para sumama ka sa akin at manatili sa tabi ko since as an angel masyado kang mabait at masunurin sa napaka-rigid rules ng Lightside pagdating sa relationships!"

Lalong kumunot ang noo ng asawa.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala at-"

Hinagkan niya ito ng mariin sa bibig para matigil na ito sa pagrereklamo.