image
image
image

CHAPTER 54

image

Sa kabila ng mga pinagdaanan niyang pakikipaglaban sa araw na ito, walang maramdamang kapaguran si Hades. Ang kanyang mga naging sugat sa pakikipaglaban kay Apollo ay pinagaling na ng mga Finder na sina Sarejo, Bredo at Wanda. Ngayon niya napagtanto na magagaling na healers pala ang mga ito. Pero kahit na siguro ubos na ang kanyang lakas, isasaisantabi niya iyon para lamang makaniig ang kanyang magandang asawa.

Bagama't malinaw sa alaala niya ang mga naging pagniniig nila noong isa pa siyang pure demon, malinaw rin ang pananabik at pangungulilang naramdaman niya bilang isang anghel. Dahil sa mga alaalang iyon ay para siyang apoy na nagsisiklab at naghahanap ng katugunan.

Mula sa mga labi ni Alym ay pinapaglakbay niya ang kanyang bibig patungo sa mga dibdib nito. Ngunit bago siya makarating sa kanyang patutunguhan ay nabigla siya nang maglaho sa kanyang mga bisig ang babae!

Instant panic siya. May masama na naman bang nangyari sa asawa? Masyado bang maaga pa para angkinin niya ito? After all, kaka-recover pa lamang nito.

Naparam ang pangamba niya nang marinig niya ang bungisngis nito. Magaling na nga ang misis niya dahil inaatake na naman ito ng kalokohan. Hindi lahat ng mga Niesmire ay may kakayahang itago ang sarili sa mata ng isang empleyado ng Lightside at Midnight. Ngunit mayroong ilan na tulad ni Alym at ng mga Finder na may ganitong kapangyarihan.

Bagama't hindi niya makita ang asawa, naririnig pa rin niya ang tawa nito na papalayo sa kanya. Samyo din niya ang bango ng mga bulaklak na nagmumula sa katawan nito.

Tumayo siya at iginala ang paningin. Malinaw na umalis na sa cavern na ito si Alym. Isang laro ang pinasimulan nito. He had no time for any games right now!

Sinundan niya ang bango ng mga bulaklak. Paglabas niya sa cavern ay wala na roon ang mga Finder. Mukhang tulad ng Elders ay binigyan na rin sila ng mga ito ng privacy.

Saglit pa at natunton na niya ang asawa. Nasa gitna ito ng isang bukal na nasa isa sa mga cavern ng Sanctuary.

"You need a bath, Hades!" anito sabay saboy sa kanya ng tubig.

"Ngayon ko lamang nalaman na may bukal dito sa Sanctuary."

"Hindi lamang ito bukal, this also served as our version of a television. Once you use a spell, lahat ng bagay o tao na gusto mong makita sa mundo ng mga tao ay ipapakita sa iyo ng tubig ng bukal na ito."

Tumalon siya sa tubig at ikinulong sa mga bisig ang asawa.

"Not interested in watching other people!" aniya. Bahagya siyang napangiti nang matuklasang wala na ni anumang saplot sa katawan ang babae.

"Interesado ka bang mapanood ka nila?" panunukso nito.

Natigilan siya.

"Wait, are you saying na makikita rin ng mga tsismoso ang gagawin natin dito sa bukal?"

Napabungisngis ang asawa.

"Gusto mo ba?"

"Of course not!"

"Nangingibabaw na naman ang angelic nature mo."

Hinawakan niya ang isang kamay ng asawa at dinala sa kanyang pagkalalaki.

"This part is certainly no angel."

"I agree," anas nito.

"Alym..." Bumilis ang kanyang paghinga. Isang bahagi niya ang gusto nang angkinin agad ang asawa. Ngunit pinipigilan ito ng isang boses na nagsasabing hindi lamang ang kanyang pansariling kaligayahan ang mahalaga, dapat din niyang isaalang-alang ang kasiyahan ng babae.

Lumapat sa kanyang dibdib ang kanang palad ni Alym. Napakislot siya nang lumabas mula roon ang malakas na apoy! Ngunit saglit lamang ay naglaho rin iyon. Noon niya napansin na sinunog ng apoy ang lahat ng kanyang damit. Tulad ng babae ay wala na rin siyang anumang saplot sa katawan.

Ang crystal ball na kinakukulungan ni Apollo ay lumutang at bumagsak sa pampang ng bukal. Malinaw na kinontrol iyon ni Alym.

"Masyado kang nerbiyoso. I can control my powers, you know," panunukso ni Alym.

"Sa tuwi mo kasing gagamitin iyang kapangyarihan mo sa apoy ay sinusunog mo ang isang bahagi ng katawan ko."

"Those were nothing, parang kurot lamang iyon kumpara sa mga pinagdaanan mong mga laban. Besides, you can easily heal all the burns caused by my fire."

"Except the mark on my face."

"Hindi ko aalisin iyan."

Natawa siya. Dinala niya ang mga kamay sa maliit nitong baywang. Walang anuman niyang binuhat ito, iniahon sa tubig at iniupo sa pampang ng bukal.

Napuno ng pagtatanong ang mga mata nito nang manatili siyang nasa tubig.

"Simula nang umalis ako sa bahay natin ay hindi pa ako kumakain."

"I took you to a London café!"

"Not enough. And I am hungry."

Nanlaki ang mga mata nito nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ngunit hindi ito tumutol nang paghiwalayin niya ang mga hita nito at sinimulang pawiin ang kakaibang gutom niya.

Sa kabila ng pagkakaroon ni Alym ng dalawang kaanyuan, hindi siya nag-aanyong tao noon. Wala kasi siyang nakikitang pakinabang sa pagiging isang tao. She had always preferred to use her green form. Ngunit mula nang maging asawa niya si Hades, natuklasan niyang higit na mas masidhi ang kasiyahang nakukuha niya sa katawang tao niya sa mga pagniniig nila ni Hades. Although may kakayahan din ang asawa na paligayahin siya kahit na gamit niya ang kanyang green form, kakaiba pa rin ang damdaming nararamdaman niya kapag taglay niya ang kanyang kaanyuang tao.

Tulad na lamang ngayon.

Hindi niya napigilan ang paglabas ng mga ungol sa kanyang bibig. Hades made every part of her human body so sensitive to pleasure! Hindi pa sila nagtatalik ng lalaki ngunit dumadaloy na ang kasiyahan sa katawan niya. Pakiramdam niya ay may taglay na mahika ang mga daliri at bibig ng lalaki dahil sa kakayahan ng mga ito na gisingin ang isang kakaibang apoy sa kanyang katawan.

Ang mga dibdib niya na iniisip lamang niya noon bilang dekorasyon sa kanyang katawan ay pinagmumulan ngayon ng masidhing emosyon na dulot ng mga kamay ng asawa na bumibihag sa mga ito.

Bagama't napapikit siya nang husto, nakikita pa rin niya sa kanyang isipan ang ginagawa ng mga labi nito sa itinuturing ng mga babae na most intimate part ng kanilang katawan. Nang unang gawin sa kanya ni Hades ang ganito, nabigla siya nang maramdaman ang tila pagsalpok ng kasiyahan sa kanyang pagkatao. Noon lamang niya natuklasan kung para saan talaga ang bahaging iyon. It was for pure pleasure!

Habol niya ang kanyang hininga nang sa wakas ay mag-angat ng mukha si Hades. Kusang bumagsak ang kanyang katawan sa pampang ng bukal. Napangiti siya nang maramdaman ang paglalakbay ng bibig ng lalaki pabalik sa kanyang mga labi.

Nang maghinang muli ang kanilang mga labi ay yumakap siya sa leeg nito. Nagmulat siya ng mata.

"Kabisadong-kabisado mo na ang mga kahinaan ko," anas niya sa pagitan ng kanilang mga halik.

"Kahinaan?"

"Every time you do this foreplay of yours, pakiramdam ko ay nasasaid ang lakas ko."

Natawa ito. Marahang kinagat ang isa niyang tenga.

"It's not yet over, Nephalym."

"I know."

Nagtama ang kanilang mga mata.

"Kung ano-ano ang ginawa mo sa katawan ko noong isa ka pang pure demon," paalaala niya rito.

"Gusto mo bang ulitin ko ulit iyon?" kunwa'y pagbabanta nito.

Bago siya nakasagot ay naramdaman na niya ang pagdating ng pagkalalaki nito.

"You're bigger..." anas niya.

"I am only twenty-three years old. I am still a growing boy."

Nanlaki ang mga mata niya. Ang iba kasing mga taga-Midnight at Lightside ay mistulang higante sa laki ang mga katawan.

Malakas ang naging tawa ni Hades. Kasabay noon ay sunod-sunod ang naging pagdating nga mga ulos ng kaligayahan sa kanyang katawan.

"Just kidding. Hindi ako tulad ng mga taga-Midnight at Lightside. But I do agree, may mga pagkakataon na may lumalaking bahagi sa aking katawan. But that is entirely your fault, dear wife."

Gusto sana niyang sagutin ito, ngunit hindi na niya kaya pang magsalita. Nawalan na siya ng kontrol sa kanyang sariling katawan. Napayakap siya nang mahigpit sa likuran ng asawa. Pakiramdam niya ay natatangay siya ng isang napakalakas na agos!

Pabilis iyon nang pabilis. Palakas nang palakas hanggang sa halos hindi na siya makahinga. Ngunit kapalit noon ang isang masidhing kasiyahan na bumalot at yumanig sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang pagsabog ng init ng apoy mula sa katawan ni Hades nang sundan siya nito sa kasukdulan.

Kung isa siyang normal na babae, tiyak na senyales iyon ng pagsisimula ng isang buhay sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahi nila ay hindi nagbubuntis sa ganitong paraan.

At wala siyang balak na magkaroon ng anak sa mga panahong ito. Gusto niyang sulitin muna ang lahat ng oras at panahon sa piling ni Hades. Saka na niya iisipin ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Nagmulat siya ng mata. Nakita niyang nakangiti siyang pinagmamasdan ng asawa.

"We two seem to be developing a habit of making out in weird places."

"Hindi lamang making out ang maitatawag sa ginawa mong ito sa akin, Hades."

"Ginawa? Hindi pa ako tapos. Bumubuwelo pa lamang ako. Nag-iingat lamang ako dahil ayokong mabigla ka," makahulugan nitong sabi. Malinaw na marami pa itong gagawin sa kanya.