image
image
image

CHAPTER 58

image

Dahil sa kakaibang pagtakbo ng panahon sa Hades Realm, batid ni Hades na ang ilang minuto niyang pagtigil sa mundong iyon ay katumbas ng maraming araw sa mundo ng tao oras na lumabas siya sa magical gate nito. Nagpaalam siya kay Alym kaya't batid ng asawa na matatagalan ang pagkikita nilang muli.

Nasisigurado niyang miss na miss na siya nito. Lihim siyang napangiti.

Gabi na nang dumating siya sa likuran ng bahay nila. Agad niyang napansin na madilim pa rin sa loob ng bahay. Wala pa si Alym. Bigla siyang kinabahan. Batid niya ang gagawin nitong pakikipagharap kay Princess Nam. Bagama't nangako si Alym sa kanya na hindi nito lalabanan talaga ang prinsesa at lalansihin lamang para matalo, naroroon pa rin ang possibility na...

No! Alym couldn't be dead! Dahil kung natalo siya at napatay ni Princess Nam, tiyak na sinalubong na siya ni Sabu paglabas niya ng Hades Realm. Aatasan din tiyak siya ng Elders na ipaghiganti ang asawa. Walang nangyaring ganoon.

Dapat ay magtiwala siya sa kakayahan ni Alym. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. Pinaalalahanan niya ang sarili na maraming responsibilities din na pinagkakaabalahan ang asawa. Nandiyan na ang pagiging ambassador nito sa Niesmire at ang pagiging presidente ng student council ng university nila. Sumagi sa isipan niya kung ano na ang mga pinaggagawa ni Sabu habang nagpapanggap ito bilang siya. Magkaiba ang ugali nila ng Finder na iyon. Baka ang kanyang heartthrob status sa school ay napalitan na bilang school gossip!

Napangiwi siya.

Pumasok siya ng bahay. Dire-diretso siya sa bedroom nila. Since wala pa si Alym, didiretso na lamang siya ng tulog. Hindi na siya nagbukas pa ng ilaw dahil kaya naman niyang makakita sa dilim.

Ngunit bago niya narating ang kama ay biglang nagliwanag ang buong kuwarto. Napangiti siya sa kanyang nakita.

"This is a pleasant surprise!" aniya habang pinagmamasdan si Alym. Malinaw na sinadya ng asawa na gawing invisible ang sarili para gulatin siya.

Nakasuot ito ng isang simpleng yellow spaghetti-strapped blouse na hanggang mid-thigh. At malinaw sa pagbakat ng damit sa katawan nito na wala na itong anumang iba pang suot. Nakalugay ang buhok nito at isang red flower ang nakalagay sa kanang tenga nito.

"You look tired, dear husband. Gusto mo na bang matulog?" panunukso nito.

"Kaya ko pang lumaban hanggang tatlong oras." Naglakad siya palapit dito.

"Tatlong oras lang? Nasaan na 'yung ipinagmamalaki mong lakas?"

"The whole night!" Tinangka niyang hapitin ito palapit sa kanya.

Ngunit tinampal nito ang kamay niya.

"I need to be sure first na buo ka pa. Malay ko ba kung ano ang consequences na nangyayari sa katawan mo kapag nagpupunta ka roon sa Athenaeum."

"Hades Realm na ang pangalan ng lugar na iyon," paalaala niya.

"Nope. In this world, Athenaeum pa rin ang tawag ng lahat doon, unless of course, gusto mong ipagkalat na ikaw ang hari roon?"

Hindi na siya umimik. Napansin niya na matamang pinagmamasdan nang husto ng asawa ang kanyang katawan.

"I'm okay, Alym. Walang masamang nangyari sa akin."

"You could have lost something in that realm," seryoso nitong sabi.

Pinigilan ni Hades ang sarili na matawa. Ipinasya niyang makipaglaro na lamang sa asawa.

"I assure you, dear wife, hindi ang angelic part ko ang umuwi ng bahay. Those two natures of mine are still merged at walang isa man na humiwalay nang lumabas ako ng Hades Realm."

"Saka na natin pag-usapan ang Hades Realm. For now, I need proof."

"Proof?"

"That nothing is missing. Now, then, start stripping!" Nangislap ang mga mata nito.

Napatanga siya.

"Seriously? Ano ito strip dancing?"

"Kung gusto mo ng music, that can be arranged." Isang remote control ang inilabas nito. Itinutok nito ang remote sa stereo na ngayon lamang niya napansin na nasa kuwarto nila!

Napangiwi siya nang pumailanlang ang isang malakas na dance music! Mukhang pinagplanuhan ito ng asawa!

"May music na, ano pang hinihintay mo?" natatawa nitong sabi.

Oh well... Sinunod niya ang gusto nito. Sabay sa pagwawakas ng tugtugin ay naalis na niya ang huling piraso ng damit niya. Namaywang siya.

"Satisfied?"

"Not yet." Nilapitan siya nito. "I need to make a closer inspection."

Hindi siya nakatutol sa mga sumunod nitong ginawa. Pero kung ipagpapatuloy ni Alym ang ganitong klase ng inspection, hindi siya tututol. Hindi niya maitatanggi na ang inspection na ito was worth the dance he just performed!

Makalipas ang ilang minuto, tumayo si Alym sa pagkakaluhod nito sa kanyang harapan.

"Welcome back, Hades," anas nito.

Pinangko niya ito at dinala sa kama. Yumakap ang mga kamay nito sa kanyang leeg. Naghinang ang kanilang mga labi. Ngunit kinontrol niya ang kanyang pananabik at apoy sa katawan. Nag-angat siya ng mukha at pinagmasdan ang asawa.

"No more strength?" panunukso nito.

"Marami pa akong reserbang lakas. But first, I need some answers. Dahil kapag hindi ko nalaman ang sagot dito, baka bangungutin lamang ako kapag natulog na ako."

"Then ask." Ngumiti ito.

"Anong gagawin mo kung napatay nga ako ni Polio? Papayag ka ba talagang maging asawa niya?"

"We, the Niesmires are known for being tricksters. Pero dahil ako ang representative nila at ambassador, once na nakipagkasundo ako or I make a deal in front of witnesses, kailangang tuparin ko iyon no matter what happens. I myself cannot break my own words."

"Magpapakasal ka nga sa kanya!" Hindi niya nagustuhan iyon.

Pinitik nito ang ilong niya.

"My agreement with Apollo Horizon had been invalid from the start. Dahil oras na makipagkontrata na ako, baliwala na ang mga susunod ko pang kontrata. My first contract was with you. Nang markahan kita noon, that was a promise, a commitment na kahit na ano pa ang mangyari, I will be your wife until the day I die. So kahit na mamatay ka pa, hindi ako pwedeng mag-asawa ng iba. I was only tricking Apollo to give you some time to prepare."

"I should have known!" Natawa siya. Bigla siyang natigilan nang maalaala niya ang nangyari noong isang taon sa Tarosian village. "Wait, sabi ni Elder Savin, pwede kitang hiwalayan. Gawing null and void and kasal natin."

"Of course, you can! Pero hindi dahil ayaw mo na akong maging asawa, titigil na ako sa pag-angkin sa iyo bilang akin."

"Mukhang unfair ata..."

Napabungisngis ito.

"Yes, it's unfair. Pero ano pang magagawa mo. I am the Nephalym! And I always make sure that I get what I want no matter the consequences."

"You can sometimes be frightening and intimidating."

"Natatakot ka ba?"

Ngumisi siya.

"I find frightening and intimidating women very sexy! Now, stop talking. Marami akong gagawin sa magdamag na ito. After that, matutulog ako."

"At kapag nagising ka na ulit?" Napuno ng excitement ang mukha nito.

"You better be prepared for a nonstop marathon!" babala niya rito.

Thank you for reading Hades Realm. If you enjoyed reading Nephalym and Hades Realm and want to know when and where to purchase the conclusion of the Hades trilogy entitled Midnight Throne, please check out my Facebook fan page and website;

https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

http://arielle-ebooks.weebly.com/

Scroll down to read an excerpt from Midnight Throne

Arielle Alia