PARA KAY LOLO





No’ng una’y di mapaniwala

Ang sarili sa ‘king nakita

Puso ko’y lunod sa luha

Lungkot ang nadarama

Di lubusang maisip

Kung pano ang hangi’y

Kay bilis umihip

Sa buhay ng ‘sang butihin

Ako’y nanghihinayang

Pagkat di siya naabutan

Oras sa palad ay kulang

Wala na siya, nang aking datnan

Ba’t kung kailan huli

Saka ko pa naisip

Mga bagay na di ko nagawa

Nung panahong siya’y nabubuhay pa

Siguro’y nararapat na ang nangyari

Upang di na niya mapintig

Ang kanyang paghihirap at sa’kit

Nang ang kanyang kaluluwa’y manahimik

Saan man naroon ang aking lolo

Nawa’y marating mo

Ang walang hanggang paraiso

Katawan mo ma’y nahimlay

Sa isip nami’y di ka mawawalay

Sa puso nami’y mananatili kang buhay

Ibaon man ang alaala mo sa hukay