ANG TIYAHIN KO SA HAGONOY



Sa pamilya ikaw ay malayo

Sa ibang bansa ika’y nagtatrabaho

Pagkat hangad ay malaking sweldo

Magandang buhay sa pamilya’y hangad mo

Malayo man sa iyong mga minamahal

Sila’y binabantayan ng iyong mga dasal

Pangarap ay mabuhay ng may dangal

At mga anak ay makapagtapos ng pag-aaral





Sa paglipas ng bawat oras

Sa kalungkuta’y nais tumakas

Pagkat pamilya ang naiisip madalas

Kung kayat pagtawag sa kanila’y di mo pinalalampas

Sa iyong mga magulang

Iniisip ay kanilang kabutihan

Kung meron mang pagkukulang

Iyo naman itong pinupunan





At sa iyong mga kapatid

Di man lumaking malalapit

Buhay nila’y iyong sinilip

Tulong ay iyong inihahatid

Nawa’y marating mo ang tuktok

Ng iyong mga pangarap at pangako

Sa pagsubok ay wag susuko

Pagkat bahagi lamang ng buhay ito