Dala ba ng hangin ang mensahe?
Salitang sa puso’y lumalagi
Sing ningning ng mga bituing kay rami
Patak-patak na liwanag sa gabi
Napagtanto mo ba?
Ang pinahihiwatig nila?
Sa lahat ang naiiba’y wika
Na tanging puso lang ang makababasa
Sinasabayan mo ba ang agos?
Tulad ng ‘yong pagtalos?
Mensaheng sa gabi’y tumagos
Liwanag na kay puspos