KAHIHIYAN BA ANG ANAK?



Sa sarili’y nangungusap

Tinatanaw ang dagat

Naghahanap ng matatahak

Sinusundan ang pangarap

Ngunit di maalis

Ang minsa’y magkamali

O ang minsa’y malihis

Sa daang mapipili

Ginapang ang kahirapan

Nilunok ang kahihiyan

Di naglao’y pinagtabuyan

Pinintasa’t sinumbatan

Wari ‘kong ako’y mahina

Hawak lahat ng maitutulak

Ngunit di mawari... AMA? INA?

Kahihiyan ba ang ANAK?