UNANG MUSIKA



Ito bang naririnig na mga luha

Sa paligid ko’y ’sang musika?

‘Sang tugtugin, sayo’y pag-alala?

Palatandaan, na kami’y muling pagpapala?



Kay gandang musika…

Musikang walang wika

Naaaraok at natatamasa

O kay sarap madama…



Bawat tunog na madinig;

Nawa’y salita mo, sa ‘mi’y madilig

Kami… sayo’y muli at lalong iibig

At sa lagi-lagi kami’y iyong diringgin