NANG KINAUSAP KO ANG MGA TALA…



Kagabi, kinausap ko ang mga tala

Nilakbay ko ang kalawakan

Sakay pauwi ng kometa

At naglakad kung saan…

Tinanong niya ko, “Sino ka?”

Sagot ay di malaman

O may halong pag-aalinlangan

Tumungo, saka tumingala…

Minsan po ‘kong naligaw

Ngayon, ako’y nasa harapan

Sa inyo… padalaw-dalaw

Umaasang… makikita ang pintuan