Hi to all! Nag-iisip ako ng witty joke na puwedeng i-share pero wala akong maisip. Hindi pala ako uubrang joker. Kaya babati na lang ako. He-he. Iniaalay ko ang nobelang ito kay Nicka Gracia na hindi ako tinantanan hangga’t hindi ko nagagawa ang kuwento ni Race. Binigyan pa niya ako ng kapeng barako para matuto akong magpuyat. Ubos na ang kape, pahingi uli.
Ito rin ay para kay Celine Isabella na katsismisan ko sa umaga, tanghali, at gabi. Siya rin ang tagahanap ko ng catchlines kapag wala akong makita at tagapagpalakas ng loob ko kapag ako ay nalulumbay. Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?
Kay Aya Cano na tuwing nagkikita kami ay kinukulit ako na tapusin ko na ang kuwento ni Race. `Ayan na, ha? Wala na akong utang sa `yo. Bigyan mo ako ng libreng pocketbook, aba!
Kay Julie Anne Arnedo, Annie Alfiler, Myra Binaya, Katherine Caling, Hazel Joy Angue, Chat Advincula, Nita Pangilinan, Amber Kensington, Czarie Chua, Darla Movido, Kevin Parcia, Jam Crisostomo, Cham Alfaro, Monique Gabriel, at kina Anjenette Macandili and Claudz Sontillanosa (na nag-away pa kung sino sa kanila ang unang bibili ng kopya ng Sweetest Downfall). Salamat sa friendship! Mula sa kaibuturan ng aking puso.
ALLIE SIA ALONZO