“TO CALL or not to call?” tanong ni Hershey sa kanyang sarili habang paroo’t parito siya sa silid niya. Kanina pa siya hindi makapagdesisyon. Kumuha siya ng isang barya sa bulsa. “Cara, to call. Cruz, not to call.” Hindi siya makapagdesisyon, puwes, tingnan niya ang galing ng piso niya.
She flipped the coin. The coin landed under her working table.
Kinuha niya iyon nang nakapikit. Hindi na niya kailangang malaman ang resulta ng toss coin niya dahil alam na niya ang desisyon niya bago pa man mag-landing ang piso niya sa sahig. Nang nasa ere ang piso niya ay hiniling niya na cara ang lumabas. Iyon ang bulong ng puso niya kaya iyon ang sinunod niya. Tinawagan niya si Race.
“Nasaan ka?” lakas-loob na tanong niya pagkasagot nito sa tawag niya.
“Alabang, bakit?”
“Bakit nasa Alabang ka?” Noong isang gabi ay inihatid nito si Kim. Nang nagdaang gabi ay nasa Alabang din ito kasama ang babae at nag-mall pa sa ATC. Hanggang ngayon ba naman ay doon pa rin ito pumunta?
“May kinausap lang. Nasaan ka ba?”
“Nasa bahay. Pauwi ka na ba?” mahinahong tanong niya kahit na gustong-gusto na niyang ratratin ng tanong si Race.
“Hindi pa. Baka mamaya pa nang kaunti. Bakit?”
“Wala, naitanong ko lang. Baka lang gusto mong uminom ngayon.” She bit her lip. Nilunok na niya ang lahat ng pride na mayroon siya.
“Uminom? May problema ka ba, Hershey?”
“Wala. Naisip ko lang na matagal na nating hindi nagagawa `yon.” Nakakahiya sa kanyang mga ninuno kapag nalaman ng mga ito ang binabalak niya.
“Eh, di sige. Bibili na rin ako ng pulutan. Susunduin na lang kita mamaya sa inyo.”
“Sige. Ingat.” Pinindot na niya ang End call button ng cell phone. Huminga siya nang malalim. She had done the easiest part. Ang gagawin na lang niya ay magplano kung paano niya gagawin ang susunod na mga hakbang. Hindi niya naiwasang hindi manginig sa kaba.
After all, it was really not easy to do something out of character, especially if it involved something like seducing your own best friend.
Sinundo siya ni Race sa kanila gaya ng usapan nila. Sa verandah ng mga ito sila mag-iinuman. Tuwing may inumang ganoon ay doon ang venue dahil maaliwalas at mahangin.
“Hello, Tita!” pagbati niya sa mama ni Race nang pagbuksan sila nito ng pinto.
Dumeretso si Race sa kusina pagkatapos halikan sa ulo ang ina.
“Parang namamayat ka, ah.” Hinawakan ni Tita Elise ang mga pisngi at ilalim ng mga mata niya. Kung ito ang magiging mother-in-law niya, hinding-hindi siya matatakot na baka maltratuhin siya nito.
“Good news `yan para sa akin, Tita.”
“Ikaw talagang bata ka, huwag ka nang magda-diet at sexy ka naman.”
“Naku, Tita, salamat sa pambobola.” Nginisihan niya ito. Saglit pa silang nakapagkuwentuhan bago nakabalik si Race mula sa kusina.
“Halika na, Hershey,” yaya ni Race sa kanya. Bitbit na nito ang ilang bote ng beer. Hindi uso sa kanilang dalawa ang cocktails dahil hindi naman mahilig si Race doon. “`Ma, akyat lang kami.”
“Siya, sige. Magtsitsismisan na naman pala kayo.”
Tuwing pumupunta siya kina Race ay alam na ng nanay nito na hindi naman talaga paglalasing ang nagaganap kundi pagtsitsismisan lang. Hindi pa sila nalasing kailanman dahil mas inaatupag nila ang pagkukuwentuhan.
“Simulan na.” Umupo siya sa favorite spot niya sa verandah nina Race. Malapit siya sa pinto ng kuwarto ni Race. Kitang-kita niya ang kalangitan mula roon. “May baon kang tsismis?”
“Ako pa?” Itinuro pa ni Race ang sarili. Ito lang yata ang lalaking proud sa pagiging tsismoso. “Mainit-init pa.”
“Ano?” Sumubo siya ng isang buttered shrimp.
“Tagumpay si Tiffany.”
Pinagtaasan niya ito ng isang kilay. “Saan nagta-gumpay?”
“Sa panliligaw kay Luis siyempre. Ten years in the making `yong love story ng dalawang `yon.”
“Paanong nakuha ni Tiffany ang loob ni Luis?”
“Malakas ang kutob ko na gusto naman talaga ni Luis si Tiffany noon pa. Hindi lang siguro niya pinapansin kasi ang akala niya, kapatid lang ang tingin ni Tiff sa kanya. Akalain mo `yon? Iyong talino niyang `yon, medyo tanga sa pag-ibig?” Uminom si Race mula sa bote ng San Miguel. Hindi uso sa kanila ang baso. Dagdag ligpitin lang iyon.
“Pero puwede rin namang ngayon lang din na-realize ni Luis na gusto niya si Tiff, `di ba? Baka hindi siya aware noon. `Tapos, na-threaten siya nang may mapalapit kay Tiff na iba,” komento niya. Sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam sa love story nina Tiff at Luis. Sariling love story niya ang iniisip niya.
Nagkibit-balikat si Race. “Siguro. Pero ang suwerte ni Luis.”
She squirmed inwardly. Mukhang nainggit pa si Race kay Luis. “Bakit?”
“He was lucky to have someone like Tiff. You can just imagine the devotion that she has for Luis. Ang tagal niyang naghintay. Isang dekada,” sagot ni Race sa kanya. Mukhang bilib na bilib ito kay Tiffany. “Plus she’s also very pretty and smart. Nang hindi niya makuha ang puso ni Luis, kinuha niya ang puso ng nanay ni Luis.” Ngingiti-ngiti pa ito.
“`Akala ko kayong mga lalaki ayaw n'yong nagpapakita ng motibo ang mga babae?”
“Hindi naman lahat. Kung gusto mo naman talaga ang babae, bakit ka mate-turn off dahil lang ipinakita niya na gusto ka rin niya? Saka minsan talaga, kailangan ding magpakita ng motibo ng mga babae. Or kahit clue man lang. Mahirap kayang manligaw sa isang babae na wala kang kaide-ideya kung papasa ka ba o sesemplang ka.”
Tumango-tango siya. Kung totoo ang sinabi ni Race sa kanya, hindi naman siguro ito mate-turn off kung magpapakita nga siya ng motibo.
Kung totoo nga na magaling humalik ang mga taong marunong magbuhol ng cherry stem sa pamamagitan ng dila, aba, may advantage siya. Kung paulanan na lang kaya niya ng halik ang best friend niya?
Matinding lakas ng loob ang kailangan niya para magawa iyon. Uminom uli siya ng beer.
NAPANSIN na ni Race na napaparami na ang inom ni Hershey ng beer. Namumula na ang mga pisngi nito, tanda na malapit na itong malasing.
“Tinatamaan ka na yata, eh,” sabi niya rito.
Bumungisngis ito. Namumungay na ang mga mata nito. “Sira. Kayang-kaya ko pang mag-jumping jack.”
“Tama na. Ihahatid na kita sa inyo.” Inagaw niya ang beer mula rito na kanina pa pinagpapala ng mga labi nito.
Pumalatak ito at tinabig ang kamay niya. “Ang kulit mo. Hindi pa nga ako lasing. Baka ikaw ang lasing na,” singhal nito sa kanya.
Kung nakakalasing siguro ang pagtitig sa mukha ni Hershey, lasing na nga siguro siya. Kaninang-kanina pa niya iyon ginagawa. He was also itching to touch her flushed lovely face.
“Saan ka galing kanina?”
“Sa Alabang nga.”
“Kasama mo si Kim?” Nagawa pa rin nitong itaas ang isang kilay.
He chuckled. “Oo, bakit?”
Sumimangot ito. “Sinabi ko na kasi sa `yong huwag ka nang makipagkaibigan doon, eh.”
He laughed some more. “Bakit ba? She’s a nice girl.”
She made a face. “Nice ang alin? Ang bumpers?”
Tuluyan na siyang tumawa nang malakas. “You’re a very bad girl, Hershey.” Ginawa niya ang kanina pa niya nais gawin. He pinched her small pointy nose. Pinanggigilan niya iyon. “Ano naman ang akala mo sa akin, `yon lang ang tinitingnan sa isang babae?”
Hinampas nito nang bahagya ang kamay niya. “Hindi ba?”
“Don’t I deserve some credit for being such a good friend to you, huh? You've known me since we’re four and you still think that I’m such a maniac?”
Lumabi ito at nangalumbaba. “I don’t really know, Race. But, yeah, thanks for being such a good friend.” Parang hindi ito kumukurap habang tinititigan siya. “You’re the best.” She whispered softly that the words almost did not reach his ears.
He did not know what to say so he just stared at her. There was an unexplainable longing in her eyes. Kumurap-kurap ito pero hindi naman nito inaalis ang pagtitig sa kanya. Then, she breathed sharply. Napabuntong-hininga rin siya.
Her gaze settled on his lips. She seemed to know what was on his mind. She must have realized that he wanted to kiss her. Tumingin uli ito sa mga mata niya. It surprised him that her eyes mirrored his own desire. Napansin niya ang paglunok na ginawa nito.
Oh, hell.
So, he gave in to his own desires. He kissed her so tentatively at first, giving her time to think. Her eyelashes fluttered as she started to move her lips against his, as if telling him to go on. He gently touched her face and angled her head so he could kiss her more. She moaned and clamped her hands around her nape. He deepened the kiss and parted her lips with his tongue. He started to explore each corner of her mouth, determined to taste its sweetness. And she did not leave him disappointed for she was very sweet.
He didn’t want to stop kissing her. And it seemed like she was thinking of the same thing because she clung to his neck even more, not wanting to break the wonderful spell.
Hershey was kissing him back with the same intensity. She wasn’t selfish for she was giving as much as she was taking.
He was completely bewildered. Hindi naman siya lasing pero pakiramdam niya ay lumulutang siya. His mouth left hers and kissed the top of her nose before moving down to kiss her small proud chin. He showered gentle little kisses on her face and went back to her lips.
It took every inch of his willpower to stop kissing her. He had to stop. Kung hindi ay hindi niya alam kung saan siya hahantong. Baka sa mental siya pulutin. Nakakahibang na halikan si Hershey.
“Please don’t leave me,” sabi nito. Hindi pa rin ito dumidilat.
“I won’t.” He hugged her tightly and felt her heart beating rapidly against his. Ramdam pa niya ang bahagyang paghingal nito.
“I-I’m sleepy,” maya-maya ay bulong nito sa kanya.
“Halika na.” Binuhat niya ito papunta sa kama niya. Hinubad niya ang mga sapatos nito at kinumutan ito. Kung hindi niya ito ibabalot sa kumot ay baka kung anong katukso-tuksong bagay ang gawin niya.
Hershey looked divine lying in his bed, all covered with a white blanket. His heart melted at the sight. Umupo siya sa sahig paharap sa babae.
“Once you wake up, please don’t forget that you made my dream come true. Don’t forget that you kissed me,” bulong niya kay Hershey. Nilaro-laro niya ang buhok nito na nakasabog sa puting unan. Hindi rin niya mapigilan na maya’t mayang halikan ito sa mukha.
She stirred when he kissed her eyes.
“Sorry, `cant help it,” pabulong na sabi niya. Isang banayad na halik uli ang ibinigay niya kay Hershey.
Hindi siya makapaniwalang ang kauna-unahang babaeng dumurog sa puso niya ay nasa kama niya at mahimbing na natutulog pagkatapos niya itong halikan. Who would have thought?
It was Valentine’s Day, seventeen years ago. He was in Grade four.
Nakatayo silang Boy Scouts at Girl Scouts nang pabilog sa quadrangle. Ang lahat ng lalaki ay may dalang dalawang tangkay ng rosas. Ang mga babae naman ay may hawak na dalawang handmade cards.
Humahalimuyak siya sa pabango. Dinekwat kasi niya ang pabango ng tatay niya para magamit sa araw na iyon. Siniguro din niyang pinakamaganda at pinakamapula ang mga rosas na hawak niya. Siya mismo ang bumili niyon.
Sinimulan na ang programa. Sinabi ng scout master nila na ihanda na nila ang mga hawak na rosas at cards. Ibibigay raw nila ang isa sa mga rosas sa nabunot nilang babae at ang isa naman ay sa pinakaespesyal na babae para sa kanila. Hindi pa siya kasali sa Boy Scout at naririnig pa lang niya ang ganoong kuwentuhan mula sa mga higher batch ay alam na niya kung sinong espesyal na babae ang pagbibigyan niya ng rosas niya.
That special girl was standing clumsily and staring at her handmade cards. Mukhang kinakabahan ito.
Nagsimula na ang bigayan. Ang unang round ay para sa mga nabunot nila. Isang babaeng naka-pigtailed ang nagbigay sa kanya ng handmade card. Ito raw ang nakabunot sa kanya. Ang isa sa mga rosas naman niya ay ibinigay niya sa babaeng nabunot niya.
And then the second round came. This time, nauna ang mga lalaki na magbigay ng rosas. Pampito siya sa magbibigay ng bulaklak. Para siyang maiihi sa kaba. Soon, it was his turn to give his rose. Naglakad siya nang marahan papunta kay Hershey. Pinilit niyang ngumiti kahit kinakabahan siya.
Namilog na parang holen ang mga mata nito nang tumigil siya sa harap nito. Then he gave her his rose.
“T-thank you.” She bit her lip and stared at her feet. Mukhang hiyang-hiya ito sa kanya. Lalo nitong hinigpitan ang paghawak sa card. Hindi niya masilip kung kanino nakapangalan iyon. Dapat ay sa kanya!
Bumalik siya sa puwesto niya. Wala siyang pakialam kung sino ang binigyan ng ibang Boy Scouts maliban na lang doon sa mga Boy Scout na naglakas din ng loob na bigyan ng rosas si Hershey.
Dumating ang sandaling pinakahihintay niya. It was the girls' turn to give their handmade cards. Pangwalo si Hershey sa mga iyon.
Dalawa sa mga nauna kay Hershey ay binigyan siya ng cards. Nginitian niya ang mga iyon at pinasalamatan. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya nang si Hershey na ang magbibigay ng card nito.
Yukong-yuko ito na waring hiyang-hiya habang naglalakad.
Palapit ito sa kanya ngunit dahil hindi nga nakatingin sa dinaraanan ay bahagyang kumanan ito.
Mali ang dinaraanan mo, Hershey, mali! Nandito ako! piping sigaw niya sa isip.
Pero hindi nga pala mali ang dinaraanan nito dahil tumigil ito sa tapat ng isang boy scout. Troop leader iyon dahil Grade 6 na iyon. Bahagyang tiningnan ni Hershey ang lalaki habang nanlalaki ang mga mata niya sa panonood sa ginagawa ng kaibigan niya. Mabilis na ibinigay ni Hershey ang card kay Daryl.
Pagkatapos niyon ay tumalikod na si Hershey at nagmamadaling bumalik sa puwesto nito. Nalaglag ang mga panga niya kasabay ng pagbulusok sa lupa ng puso niya...