Ang haiku ay isang maikling tula na base sa kulturang Hapon o Japanese poetry. Ito ay binubuo ng labinpitong pantig kung saan ay lima sa unang taludtod, pito sa ikalawa at limang pantig naman sa panghuling taludtod (5-7-5). Ang tulang ito ay kadalasang nagtataglay ng talinhaga.