PASKONG WALA KA

 

Ilang pasko na ang nagdaan

Ngunit ika’y ‘di pa rin malimot

Kailan mo kaya matutunton

Ang daan patungo sa aking puso

 

Kay dami ng dumaan

Ngunit wala ni isa man

Ang siyang nakapagturo

Sa iyong kinaroroonan

 

Sana’y matagpuan ko na

Ang aking hinahanap na

Kasiyahan sa kabila ng mga pagsubok

Sana’y tuluyan ko ng maasam

 

Ikaw ang siyang hangad

Nitong pusong nangangarap

Ang makasama ka ng matagal

Ng walang sinuman ang makakahadlang

 

Sana’y ibigay ang kahilingan

Nitong pusong nagsusumamo

Na sana’y ikaw ay makasama

At sa habang buhay ay tayong dalawa

 

Paskong sasapit

Ngunit anong pait

Sabik sa yakap na kay higpit

Kailan kaya ito makakamit

 

Kailan ka kaya makakapiling

Na sa puso ay tanging hiling

Kung mahahanap lang kita agad

Wala na akong mahahangad