IKAW LAMANG

 

Ikaw ang tangi kong dasal

Na sa akin ay ibigay ng Maykapal

Ikaw ang nag-iisang mithiin

Upang mga pangarap ay kamtin

 

Nagsusumamo ang puso ko

Na ikaw at ako ay maging buo

Wala ng mahihiling pa

Kung sa tuwina ay makakasama ka

 

Di ko na makakaya ang ika’y wala

Sapagkat ikaw ang nais kong makita

Sa bawat araw na ginawa

Ikaw lamang ang nag-iisa

 

Tanging ikaw ang siyang nanaisin

Nitong pusong walang nais hilingin

Kundi ikaw ay mapasaakin

Sa buong buhay na tatahakin

 

Ikaw lamang ang hinintay

Na dumating sa aking buhay

Upang punan ang mga pagkukulang

Para magkaroon ng kinang

 

Ikaw ang siyang sinisigaw

Sa isip kong laging ikaw

Dito sa mundong ginagalawan

Nais kong ika’y laging masulyapan

 

Sana’y sa ating pagtatagpo

Damhin ang tibok ng puso

Ng malaman mo ang laman nito

Na ikaw lamang at ako