image

Chapter Two

HABANG PINAGSISILBIHAN si Liberty ng mga katulong, hindi niya maiwasang hindi mapansin ang manaka-naka at makahulugang pagsulyap sa kanya ni Celeste, tila ba may nais itong sabihin pero ayaw magsalita.

Nang matapos ihain ng mga katulong ang pagkain niya, inutusan ni Celeste ang dalawang maid na manatili sa dining room upang samahan siya, samantalang ito naman ay magalang na nagpaalam na aalis dahil sa mga iba pang aasikasuhin.

Tumango naman siya at marahang sinimulang kainin ang foie gras.

Tumingin siya sa dalawang katulong na nakatayo malapit sa pintuan. “May I ask you something?” aniya, at nagpatuloy nang sabay na tumango ang mga ito. “Does Celeste always look like she’s irritated?”

Nagkatinginan ang dalawang blonde na katulong.

“Why you ask, Mademoiselle?” tanong naman ng naka-ponytail. Samantalang nanatiling tahimik si Sandra.

“Well, since I’ve arrived, she has been looking at me so strangely, especially after I entered the dining room.”

Même if it is not what it looked like—Celeste is... um... very caring. She is...” lumunok ito at medyo nangunot ang noo, tapos ay nakangiting pumitik. “Ah oui! Celeste is worried about you.”

“Worried? Why would she be worried about me? I don’t remember doing anything wrong since I arrived,” nagtatakang sabi niya.

Muling nagkatinginan ang dalawang katulong, umiling sa kausap niyang naka-ponytail si Sandra pero ganoon pa man ay nagsalita pa rin ito.

“It’s because you look close to Léonce, Mademoiselle, and so... um... someone loyal to Madame Francesca... she... worry about you,” paliwanag nito habang nakikipag-sikuhan sa kasama at bulungan pang nakikipagtalo.

Nagbulag-bulagan siya sa napansin. “Celeste is worried about Léonce? Why?”

Sasagot pa sana ang maid nang magpakita si Lex sa pintuan ng dining room at tuloy-tuloy na naglakad papasok nang walang sinasabi. Bigla nitong pinabigat ang hangin sa paligid at hindi lang ang dalawang maid ang natahimik maging siya man, dahil sa tingin palang nito ay parang nais na niyang magtago.

Nag-angat siya ng mukha at sumulyap kay Lex ngunit bigla ring nagbaba nang tingin ng makitang nakatingin rin ito sa kanya.

Pinakiusap nito sa dalawang katulong na bigyan ito ng pagkaing kagaya ng nasa plato niya. Tumalima si Sandra at naiwan ang nakausap niya. Si Lex naman ay walang imik na naupo sa malayong sulok ng crystal table.

While Léonce gave the comfort of a soft pillow, Lex filled the room with sharp swords, giving her the feeling of being unable to move.

Napapiksi pa siya at napatingin rito nang marinig niya ang paglagapak ng palad nito sa mesa kasabay ng pagtayo.

So unlike Léonce, so un-prince like, isip niya at nakaramdam ng panghihilakbot nang makita ang pagtalim ng tingin sa kanya ni Lex.

Nilingon nito ang maid na naka-ponytail. “Laure, please go and inform Sandra to bring my meal in the garden.”

“Oui, Monsieur,” sagot naman ng maid na nagngangalang Laure at agad na sinundan ang kasama nito sa kusina.

Minsan pa ay pinukol siya ng matalim na tingin ni Lex bago ito lumabas ng dining room.

W-what, what’s wrong with that man? Puno ng pagtatakang naisaloob niya habang panay ang taas-baba ng dibdib dahil sa hindi niya namamalayang pagpigil ng hininga. Mabilisan niyang inubos ang pagkain na biglang nawalan ng lasa para sa kanya. She was too disturbed by Lex’s actions to enjoy her meal.

image

“LAURE, is Lex always like that?” nakapangalumbaba sa may bintana at nakatanaw sa malapad na swimming pool na tanong ni Liberty sa katulong, na noon ay siyang naatasan na mag-ayos ng mga gamit niya sa silid.

“What you mean, Mademoiselle?” napatingin sa kanya si Laure na noon ay ipinapasok sa light pink closet ang huling naka-hanger na damit.

Umalis siya sa may bintana at naupo sa kama. Napaisip at walang paliwanag na maibigay sa babae. Ano nga ba ang sasabihin niya? Tahimik? No. Dahil nakatikom man ang bibig nito ay para naman siya nitong sinabihan ng maraming salita, hindi nga lang niya maipaliwanag. Kung sasabihin naman niyang masungit o suplado ito, base saan? Wala naman itong ginagawa na nagsasabing nagsusungit ito.

Alanganin siyang ngumiti kay Laure. “Never mind, I can’t think of anything.”

Tila nakakaunawang ngumiti sa kanya si Laure. “Difficult... like... he read your mind?”

Napasinghap siya, “Yes, yes! That’s it!” nakaturo kay Laure na sang-ayon niya. “The way he looks at me, it’s like he can see through me and judging me. It’s strange how he and Léonce can be good friends. They’re just so… different.”

Patihaya siyang nahiga sa kama. Pinikit niya ang mga mata at inimagine ang dalawang binata. “Léonce is like the Prince on a white horse, while Lex is like the bandit leader holding a saber.”

“That is not true, Mademoiselle...” malumanay na wika ni Laure na noon ay inaayos ang mga sapatos niya sa shoe cabinet na karugtong ng closet.

Bumangon siya at nakataas ang dalawang kilay na tumingin kay Laure. “Not true? How come?”

Saglit na tumigil si Laure sa ginagawa at nakangiti siyang nilingon. “Sure, Léonce is like a prince, but monsieur Lex is... eh... not only a bandit.”

“So how would you describe him?” aniya.

“He is... kind,” tumayo si Laure at parang may pana itong humarap sa kanya. “Like Robin Hood!” anito, sabay akto na parang may pinakawalang sibat.

Sapo ang dibdib na kunwari ay hirap siyang nagsalita, “Robin Hood, a hero but still an outlaw.” at animo ay natigok na inilawit niya ang ulo, tapos nakipagtawanan kay Laure.

Nagpatuloy sila sa mga kakengkuyan nila at napatigil lang nang maramdaman nilang may dalawang tao sa labas ng pintuan ng silid niya na nakalimutan nilang isara. Si Lex ay tumuloy lang sa pag-alis samantalang si Celeste naman ay masama ang pagkakatingin kay Laure na noon ay nagpanic na bumalik sa mga ginagawa.

“Excusez-moi, Celeste,” aniya bago pa makapagsalita ang babae. “Don’t be mad at Laure. I’m the guilty one for distracting her.”

“Okay, Mademoiselle, but the next time you joke around please be sure to close the door first,” ani Celeste na bahagyang inayos ang bun hairstyle nito.

Tumango siya at matapos umalis ng babae ay tumungo sa pintuan para isara iyon.

“Thank you, Mademoiselle,” wika ni Laure, na noon ay natapos na sa mga gawain. “But I feel bad for what happened.”

“Why?” salpok ang kilay na iwinasiwas ni Liberty ang kamay. “Don’t worry about Celeste. I’m sure she won’t scold you anymore.”

“No, no Celeste. I feel bad pour monsieur Lex.”

Nilapitan niya si Laure at napangiti nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. “Laure, could it be that you’re in love with Alexandros?”

Namula si Laure.

Napatawa naman siya sa pag-aakalang natumbok niya ang damdamin nito pero mabilis iyong kinureksyonan ni Laure. “No, not like that, Mademoiselle. I... I’m not in love with Monsieur. J'ai un fiancé.”

“Oh,” namimilog ang bibig na sabi niya, nagdududa sa katutuhanan ng sinabi nitong may fiancé na ito. “So why are you so worried about his feelings?”

“I have a debt to monsieur Lex. Half-year ago my... my old mother... almost got in an accident. Monsieur Lex saved her,” sabi ni Laure na naupo sa silya ng study table na isinenyas niyang upuan nito. Siya naman ay bumalik sa pagkakaupo sa kama. “T-then, just four months ago, I became... hm... jobless, the medical clinic I work for became no more, then again monsieur Lex help me. He convinced Monsieur Auguste to hire me here, even if Sandra and Celeste were enough.”

“So, you’re a doctor or a nurse?”

Umiling si Laure. “I am... how to say... I clean the clinic.”

Napatango na lang si Liberty at kahit paano ay naunawaan ang kausap. Lumapit siya sa dalaga at idinantay ang kamay sa balikat nito. “Don’t worry, I’ll talk to Alexandros and apologize for the both of us.” iyon ang sabi niya, subalit sa muli niyang paglabas sa silid ay hindi na niya nahagilap ang lalaki. Ayon kay Celeste, bumalik na naman daw ito sa vineyard.

Hanggang sa dumating na ang Auntie Francesca niya at ang asawa nito—na napag-alaman niyang nanggaling pala sa gynecologists—hindi pa rin umuuwi si Lex. Sumapit na ang hapunan at hindi pa rin ito nagpapakita. Bagay na hindi naman daw bago ayon sa Auntie niya dahil mas gusto daw talaga ni Lex ang mapag-isa.

Matapos maghapunan, hinintay niyang dumating si Lex, at sa ibaba ng hagdan patungo sa magkalapit nilang silid sa second floor siya naupo upang makasigurong magkikita sila nito. Tulad ni Laure ay medyo tinatamaan na rin siya ng guilt sa pagbibiruan nila kanina.

She still meant what she said pero hindi niya intensyon na iparating iyon sa kaalaman ni Lex dahil alam niya na kung siya ang nasa lugar nito ay masasaktan din ang damdamin niya.

Patuloy siyang naghintay hanggang sa makaramdam na siya ng antok. Isa-isa na ring natulog ang mga kasambahay nilang hindi siya napilit na bukas na lang kausapin ang binata. Gayunpaman, pagkaraan ng ilan pang sandali ay hindi na niya namalayan na naidlip na pala siya at napahiga sa ibaba ng hagdan.