image

Chapter Three

NAKAPIKIT na uminat si Liberty sa kama niya kinabukasan nang tumama sa mukha niya ang sikat ng araw na tumagos sa pagitan ng makapal na kurtina sa bintana ng kanyang silid. Marahan niyang iminulat ang mga mata at nakangiting naisip ang panaginip na binubuhat daw siya ng isang prinsipe at hinalikan pa ng goodnight.

“Ahh!” biglang sigaw niya at sabay bangon na napatingin sa paligid ng sariling silid, napatingin sa sariling noon ay nakasuot na ng pajama. “Who—How—huh?” naguguluhan na napahawak siya sa pisngi. Noon naman siya nakarinig ng katok.

Umalis siya sa kama at isinuot ang indoor slippers na nasa ibaba ng kama at binuksan ang pinto. “Bonjour, Mademoiselle!” masigla at nakangiting bati sa kanya ni Laure. “Madame Francesca asked me to check, if... ah... you are awake because Madame wants you to join with them for... um... breakfast.”

Tumango siya, “Tell her I’ll be there. I’ll just take a shower first.”

Nginitian muli siya ni Laure at tumalikod na nang muli niyang tawagin.

“Yes, Mademoiselle?” anito, humarap sa kanya.

“Um, last night... I...”

Nakaunawa naman siyang tinanguan ni Laure. “Monsieur Lex see you sleeping at the stairs last night when he got back, that is why he—”

“Carried me up to my bedroom?” she cut in, jumping to conclusion.

Non,” umiiling na sagot ni Laure. Tapos ay pinaliwanag sa kanya na ginising raw ni Lex ang tiyuhin nito at ang auntie niya. Si Auguste daw ang bumuhat sa kanya patungo sa kanyang silid at pinalitan naman daw ng Auntie niya ang kanyang damit.

“Ganoon ba?” dismayadong reaction ni Liberty. “You mean to say that the Prince in my dream was Uncle Auguste?”

Mademoiselle, do you want Monsieur Lex to be the one bringing you in your room?” may halong panunukso na tanong ni Laure sa kanya na agad naman niyang tinanggihan, ganoon pa man ay nangunot rin ang noo niya.

Did I want Lex to carry me? She shuddered at the thought. No way! He’s anything but gentle!

Tumingin siya kay Laure. “Please tell Auntie that I won’t take long.”

Tumango si Laure at umalis, siya naman ay mabilis na naligo at nagpalit ng isang simpleng yellow sundress at bumaba sa dining room.

“Good morning!” bati niya sa mag-asawang magkatapat na nakaupo sa dining table, lumapit siya sa tiyahin at hinalikan ito sa pisngi.

“Bonjour,” magkasabay namang balik ni Auguste at ng Auntie niya na sinundan siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya sa katabi nitong silya.

Habang ihinahain ni Sandra ang almusal nang tila hindi makatingin sa kanya, ibinaling ni Liberty ang pansin sa Auntie niya na hindi nawawalan ng ngiti sa mukha.

“You’re glowing.” puna niya.

“Talaga?” sapo ang mukhang hinarap siya nito, lalong lumapad ang pagkakangiti.

Tumango siya. “May maganda bang nangyari?” usisa niya tapos ay saglit na napaisip at excited na muling nagsalita. “Auntie, could it be that you’re pregnant?”

Nabawasan ang ngiti sa hitsura ni Francesca kung kaya naman agad siyang humingi ng sorry.

Humawak sa balikat niya ang Auntie niya. “I’m not pregnant but we do have good news.” Sinulyapan nito ang tumangong si Auguste na noon ay malumanay na pinaalis si Sandra at Celeste habang ang Auntie niya ay nakangiti nagpatuloy. Ikinuwento nito ang tungkol sa pagpasya nito at ng mister na sa wakas ay sumailalim sa in vitro fertilization.

“I was skeptic at first, pero matapos kong marinig sa OB na malaki ang chances ko, hindi na ako nag-alinlangan. At masaya ako dahil may schedule na kami.”

“Congratulations!” natutuwa para sa tiyahing sabi ni Liberty.

Nagpatuloy na doon nanatili ang kanilang paksa hanggang sa halos patapos na sila sa pagkain.

Matapos isubo ang huling pagkain sa pinggan naisipan ni Liberty na itanong kung pwede ba siyang tumungo sa vineyards.

“Sure you can!” Nakangiting sagot ng Auntie niya. “We have Muscat grapes. They’re good for wine and also as table grapes, so I guarantee na matitikman mo ang pinakamasarap na ubas sa buong buhay mo.” Tumingin ito sa mister. “Because it’s born out of love.” Nakangiting dagdag pa ng Auntie niya na nakipagpalitan ng ngiti sa asawa.

“Yes, I’m sure...” aniya na dinampot ang juice at uminom.

Maaga mang namatay ang Mommy niya pero malinaw na malinaw pa rin sa kanyang alaala na ganoon din noon ka-sweet ang kanyang mga magulang.

Biglang sumagi sa isipan niya ang matigas na mukha ni Lex at lihim na napangiti. Hindi niya ma-imagine kung paanong manlalambing ang isang tulad nito na tila palaging galit at abala.

Napailing siya. How he loves is none of my business, gusto ko lang na makahingi ng paumanhin sa kanya, period. Pagkatapos noon, bahala na siya kung ayaw man niya akong pansinin.

“By the way Auntie, Lex will be there right? At the vineyard?”

“Maybe, pero mas madalas siyang pumunta sa vineyard kapag hapon.”

“I’m sure he’s in the east side garden right now, tending the plants.” sabi naman ni Auguste na medyo nagpalaki sa mata ni Liberty pero sinarili na lang niya ang nasa isip. Ininom niyang lahat ang kanyang juice at tumayo.

“Ah, Auntie, anong masasabi mo tungkol kay Léonce?” tanong niya hoping to get a bit of information tungkol sa binata pero kakaibang titig lang ang ibinalik nito bago siya sagutin.

“He’s Lex’s best friend, you could ask him.” ani Francesca na pilyang ngumiti nang nagtataka itong sulyapan ng asawa.

Iningusan na lang ni Liberty ang tiyahin at nag-excuse nang lumabas. She has a feeling that it would be better not to know what’s going on in her, on her Aunt’s mind.

image

HINDI NGA nagkamali si Auguste, natagpuan ni Liberty si Lex sa east garden ng mansion. Nagbubungkal ito ng lupa sa ilalim ng malaking apple tree.

Hindi siya nito pinansin nang lumingon ito para kunin ang potted flower.

C'est beau,” papuri niya sa kulay violet na bulaklak na inilipat nito sa lupang binungkal.

Oui,” sagot ni Lex, tumingala sa kanya. “Vraiment charmant,

May kung anong biglang bumundol sa dibdib niya sa nakitang expression at pagkakasabing iyon ni Lex ng huling kataga. Kung hindi pa niya alam na ang bulaklak na nabanggit ang tinutukoy nitong truly charming ay baka namilipit na siya noon sa kilig. But then suddenly the wind blew his already messy hair, at kasama nang pagkawala ng umihip na hangin ang pag-iba ng expression ni Lex.

“So, why are you here?” walang kagana-ganang tanong nito sa kanya, tumayo at nakita pa niya ang pagtulo ng pawis nito mula sa noo patungo sa leeg.

Hinubad nito ang t-shirt na basa na sa pawis.

“I-I...” nagkakandautal at nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang nakatitig sa semi-tan nitong balat na kumikislap sa pagtama ng maliliit na sikat ng araw, na nakalusot sa pagitan ng mga sumasayaw na dahon ng apple tree. Napalunok siya at sinubukang ipagpatuloy ang pagsasalita, but she was really distracted by Lex’s exposed lean muscles.

 

image

 

Pagtatawanan siya siguro ng marami, but she had been raised isolated from all of it. Sa isang convent school for girls siya nagtapos ng high school, tapos ay homeschooled pa siya nang tumuntong siya sa college. Therefore, aside from her Dad, she had never seen another topless man. Maybe actors, but then they were only on the TV screen, and not personally in front of her.

Sumalpok ang kilay ni Lex nang mahalata ang nangyayari sa kanya. “Fine, I’ll put it back.”

“Ah, you don’t have to!” pigil niya sa binata na masamang tingin lang ang ipinukol sa kanya bago ipinagpatuloy ang pagsuot ng pang-itaas. “Sorry,” nakayukong nausal na lang niya.

Narinig niya ang marahas na paghinga ni Lex. “So, do you want something from me? Or are you waiting to be kidnapped by Robin Hood and ask your parents for ransom?”

Nakagat niya ang ibabang labi. “About that...” tumingala siya at sinalubong ang mata ng binata. “I’m sorry.”

“Are you saying that you’re taking back what you said?”

“No.”

“Regretting?”

“No.”

“So why are you here saying sorry?” magkadikit na ang mga kilay ni Lex habang nakatitig paibaba sa kanya, pakiramdam niya ay kung maaari lang ay tiniris na siya nito.

“I just wanted to say that I didn’t mean to hurt your feelings.”

Lex chuckled and wipe the sweat off his neck. “And who’s the bonehead who told you that?”

Natigilan siya. “No one, I just assumed that you...”

“Right, you assumed. Well lady, you’re wrong! Besides, I prefer to be Robin Hood instead of being a wimpy prince riding on his high horse for fun and doing nothing but wave his hand.”

Gusto niyang balangin ang sinabi nito pero nagpigil siya. She’s going to be living with him in the same house for the next three months at ayaw niyang araw-araw ay makabangayan ito. But then again, hindi pa niya nararanasan ang makipag-bangayan sa isang lalaki, at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan naeengganyo siya sa nakakatakot pero exciting na ideya. Subalit mas pinili niyang tumayo sa safe zone.

“If that’s all , I’ll be on my way. I still have things to do.”

“Wait!” nakainat ang kamay na tawag niya pagtalikod ni Lex, nakahandang hawakan ito sa braso kung tumuloy ito sa pag-alis.

“What now!”

Nahihiya siyang nagbaba ng tingin, pinagsaklob niya ang mga kamay sa harapan ng hita.

“What is it?” nasa tinig ang inis na muling tanong nito.

“Um, I just want to know if I could t-talk to you a l-little bit more?”

Walang kabuhay-buhay na halakhak ni Lex ang muling nagpataas ng tingin niya.

“D-Don’t misunderstand, I’m not asking to talk to you because of what you’re thinking. It’s not what you think,” aniya.

“And what do you think I’m thinking?”

Napalunok siya. Ayaw niyang isatinig ang nasa isipan.

“You don’t want to tell me?” si Lex ulit. “Here’s your assumption, you think that, I’m thinkin’ you like me right?”

Napatingin siya kay Alexandros at huli na para mabawi niya ang awtomatikong pagtango.

Naiiling naman siya nitong tiningnan. “Well, you’re wrong, woman. I laughed because I know exactly what you want to talk about.”

“What?” hindi makapaniwalang sabi niya.

“Yes, but sorry, I have no time to spare to support your delusional fantasies, and if you want to speak to someone or ask about Léonce, you better find another sheltered, dreamy person like you.”

Bigla siyang nakadama ng inis sa tinuran ng binata na para bang may ginagawa siyang mortal na pagkakasala.

“Y-you shut up. How could you know what I want to talk about? And what do you know about me that gives you the right to speak to me that way?” kontrolado at kalma ang tinig na tanong niya. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasang sumigaw sa galit. Feeling enraged was such an unknown thought for her, but at that moment, she finally felt it.

“Trust me, I know.” sabi ni Lex na lumapit sa kanya, napakalapit na nasisinghap na niya ang amoy ng pawis nito at nakikita ang detalye sa balat. Tulad na lang ng maliit na nunal sa ibabaw ng manipis nitong labi. “You don’t have to voice it out for me to know what’s going on in that mind of yours,” patuloy ni Lex na humahakbang pa rin palapit kahit na patuloy siya sa pag-atras. “Just one look and I know what type of woman you are. “You’re the type of woman who dreams to meet a man who rides on a white horse reaching out to you, offering you a ride. Le Prince Charmant, perhaps?” anito sa tonong puno ng sarkasmo.

Nagpatuloy si Liberty sa pag-atras hanggang sa madama na niya sa likuran ang puno ng mansanas. Itinukod ni Lex ang kanang kamay sa itaas ng ulo niya at yumuko.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang gusto niyang tumakbo pero gusto rin naman niyang manatili upang malaman kung ano susunod nitong gagawin.

Gamit ang kaliwang kamay hinagip ni Lex pisngi niya at pilit siyang pinatingala at sinalubong ang tingin niya.

Inilapit nito ang mukha sa kanya at ganoon na lamang ang biglang pangangatog at panghihina ng kanyang katawan. It was a rougher version kumpara sa mga gentle scene na naisusulat niya sa kanyang mga kuwento o nababasa sa ibang fairy tale stories, but surprisingly enough she did not dislike it; if anything, it was rather exciting. Well it was, hanggang sa muli niyang marinig ang idinugtong ni Lex.

Tu, mademoiselle, is a woman who has her foot centimeters above the ground and her head in the clouds. You’re a dreamer, someone who’s disconnected from reality. And you are the type of woman with whom I have no wish to be connected to, even if you are the niece of my Uncle’s wife. So stay away from me,” marahas na binitawan ni Lex ang mukha niya at tinalikuran siya.

“Finish your little adventure here and go home,” patapos na wika nito at iniwan na siya na walang masabi kundi ang mamula sa galit habang pinagmamasdan ang magaspang nitong paglakad palayo.

“Rude Robin Hood!” malakas na sigaw niya sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay bago mabilis na naglakad patungo sa kabaliktarang direksyon.