image

Chapter Six

BUMANGON na may kakaibang sigla si Liberty nang sumunod na umaga at may determinasyon siyang tumungo sa closet. Pumili siya ng pinakamaganda niyang damit. And yes, not the one that made her look like a princess, but the one that screamed, “I won’t lose to anyone!”

Sinuri niya ang sarili sa full-length mirror sa kanyang silid at pinamulahan sa imahinasyong dumaan sa isipan pero ikinuyom niya ang mga palad at tinibayan ang napagpasyahan. Sa araw na iyon, dadalawin niya ang nobyo at wawakasan ang pagtatampo nito.

So what kung mawala ang kanyang virginity? Hindi naman niya iyon sinasadyang ingatan, talaga lang wala siyang lalaking minahal hanggang sa makilala niya si Léonce. At ang tanging dahilan kung bakit pilit niyang hinihiling na maghintay si Léonce ay dahil gusto pa niya itong makilala nang matagal, but three weeks should be enough. At saka, ito rin naman ang gumawa ng paraan para muling bumalik ang sigla niya.

B-besides, i-it’s also a-a way of getting to know him.

“Right, Celeste?” tanong niya sa babae nang madaanan ito sa foyer.

Nagtataka namang sinundan ng tingin ni Celeste ang dalaga habang ito ay papalabas ng mansion.

Sakay ng kotse, walang pag-aalinlangan na tinungo ni Liberty ang tirahan ni Léonce at lumunok muna bago nanginginig na pinindot ang intercom ng apartment nito.

Oui?” ani Léonce sa kabilang linya.

C’est moi, Liberty,” halos hindi na niya marinig ang sariling tinig sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

“Come on in,” wika ni Léonce sabay tunog ng buzzer sa pintuan ng apartment building.

Tinulak niya iyon pabukas.

I can do this! ...It’s... not going to hurt, right...?

image

IT WAS mid-September kung kaya nakasuot noon ng coat si Liberty, ngunit hinubad niya iyon bago nanginginig na katukin ang pintuan ng apartment.

Pagbukas ni Léonce ay kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito at sapat nang papuri iyon para sa kanya. Now, even if she was feeling a bit conscious of her legs because she was wearing such tight pants for the first time, it was well worth it.

“Liberty… you look cute,” sabi ni Léonce na humahangang tumitig sa kanya.

“Thank you,” nakayukong pasalamat niya.

“But...” nag-aalangang tinuro ni Léonce ang pang-itaas niya. “Your top is inside-out...” ani Léonce na halatang pinipigil ang mangiti.

Nagpa-panic na napatingin siya sa sarili at inapoy sa alab ang mukha.

Ngumiti nang matamis si Léonce, niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. “Come in,” imbita nito at may kung anong sinipa paalis sa likod ng pintuan, ngumiwi pa ito nang lumagabog iyon sa dingding.

Pumasok naman siya at iginala ang paningin sa paligid ng magulong apartment.

“Sorry, I’ve been busy.”

“I know,” balik niya at makahulugan itong sinulyapan.

Hinapit nito ang baywang niya. “I’m sorry if I have not contacted you, it’s because… um… yes, because I was really, really busy. To tell you the truth, I have not slept for almost forty-eight hours now.”

Nakadama siya ng awa sa binata, nakikita niya na tila nga antok na antok ito.

Want me to bring you to bed? Napaubo siya sa sariling naisip. “Can I use the bathroom? I’ll just fix my clothes.”

“Yes, of course,” pinakawalan siya ni Léonce.

Mabilis niyang tinungo ang banyo at binaliktad ang damit. Pagbukas niya ng pintuan ay nagulat na lang siya nang may marinig na tinig ng isang pakanta-kantang babae mula sa katabing silid ng banyo, na alam niyang silid-tulugan ni Léonce.

Binuksan niya ang silid at nagulat nang makitang may babaeng mamasa-masa pa ang buhok at nakatapis lang ng tuwalya. Naghahalungkat ito sa closet ni Léonce.

“Léonce, puis-je emprunter une chemise?” nanghihiram ng shirt na tanong ng babae, na marahil ay inakalang ang binata ang nagbukas ng pinto. Nang hindi siya sumagot ay humarap ang babae. “Qui êtes-vous?” tanong nito na napahawak sa dibdib

“I’m the one who should be asking who you are,” mahinahong balik niya sa tanong nito pero sa loob ng isipan ay kung anu-ano nang imahe ang naglalaro, habang tinitingnan niya ang magulong kama ni Léonce. “And what are you doing in my boyfriend’s room?”

“You’re Liberty?” tanong ng babae na tulad niya ay napatingin din sa kama kung saan naroon ang damit pambabae na siguradong hinubad nito.

“Oh, so you know me.”

Namula ang babae habang nakatingin sa mukha niya tapos ay biglang namutla. Lalong umusbong ang galit na nadarama niya.

“Léonce!” tawag nito sa binatang agad namang nagpakita.

“What’s the meaning of this, Léonce?” mababa ang tinig na tanong niya, at tulad ng babae ay tinakasan rin ito ng kulay sa mukha.

“S-She’s Katrina! You know, my co-worker,” pakilala ni Léonce na hindi maitago ang panginginig ng tinig.

“So, what’s your co-worker doing in your bedroom asking if she could borrow your shirt?”

Nagkatinginan si Léonce at ang babaeng ipinakilala nitong Katrina.

Magsasalita sana si Katrina nang ilingan ito ni Léonce. Hinawakan siya nito sa balikat at iniharap. “Liberty, it is not what you think.”

“Okay, I’m listening, so please explain,” aniya. Truthfully, kahit na magsinungaling pa sa kanya ng mga oras na iyon si Léonce ay paniniwalaan niya pero hindi iyon ginawa ng binata.

Binitawan lang nito ang balikat niya at bagsak ang mga balikat na sinabing, “I can’t. I am sorry. But please believe me when I say that it’s really not what you think. I can’t tell you the reason now, but trust me, there’s nothing I want to do that would hurt you.”

“I see,” tanging nasabi na lang niya at walang-pamamaalam na tumalikod, diretso patungo sa pintuan, palabas ng apartment.

“Léonce! Why didn’t you tell her the truth about us?” narinig niyang tanong ni Katrina bago niya maisara ang pinto.

“You know why, Katrina. I can’t... not yet.”

Isinara na niya ang pintuan at hindi na hinintay ang inaasahan niyang paghabol sa kanya ng nobyo.

image

PAPASOK pa lang si Lex noon sa apartment building na tinitirhan ni Léonce nang mapansin niya ang babaeng mukhang pasan ang mundong pumasok sa isang kotseng nakaparada sa parking area.

Liberty? Isip niya.

Nagsalubong ang mga kilay niyang ginamit ang susi at pumasok sa building. Pinangako na niya sa sariling hindi gagawa ng anumang paraan para mapalapit kay Liberty. All he wanted was for her to finish her vacation and go home, kaya nga ginagawa niya ang lahat para galitin ito at nang mabilis nang mangyari ang nais niya.

Merde!” Mura niya at muling humakbang pabalik sa entrance bago pa bumukas ang elevator. Gustuhin man niya ay hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Liberty, ngunit nang makalabas na siya ay wala na roon ang kotse nito.

Bumuntong-hininga siya at dumiretso na lang sa apartment ni Léonce.

Matapos siyang kumatok ay isang babaeng noon lang niya nakita ang nagbukas pinto. “Qui êtes-vous?” tanong niya sa babae.

“Katrina,” sagot naman ng babae. “Vous êtes...?

“Alexandros,” pakilala niya. “Is Léonce inside?”

Tinawag ng babae si Léonce at iniwang nakabukas ang pintuan para sa kanya.

Somehow, may ideya na siya kung bakit ganoon ang nakita niyang mukha ni Liberty. Sino ba namang hindi magkakaganoon lalo na kung matagpuan na nakasuot ng damit ng karelasyon mo ang ibang babae na nasa loob ng tahanan nito?

“Lex, what brings you here?” ani Léonce na nangingitim ang palibot ng mga mata.

“I will tell you soon,” aniya, ipinasok sa bulsa ng pantalon ang kamay. Naroon ang invitation card para sa birthday party ng tiyuhin niya na gaganapin sa Château de Perrault sa susunod na ikatlong linggo. “But before that, answer me.”

“Why do I have the feeling that I am under trial even though I haven’t committed any crime?”

Kumunot ang noo niya at hindi binigyang pansin ang pagbibiro ni Léonce. “Léonce, tell me the truth...”

“About what?”

Tumingin siya kay Katrina na noon ay may kung anong pinagkakaabalahan sa mga papel na nagkalat sa center table ng sala. “Did she come here?”

Napabuntong-hininga si Léonce na sumulyap din kay Katrina. “Yes, Liberty was here and before you ask, yes. She also saw Katrina... right after taking a shower, standing with a towel wrapped around her in my bedroom, asking to borrow my shirt.”

Bahagya lang tumaas ang kilay ni Lex. “Did you explain yourself to her?”

Kilala niya si Léonce, natural itong mabait sa mga babae pero hindi ito playboy, hindi nito ugali ang makipaglaro sa ibang babae kung may karelasyon na ito. Malamang na hindi lang ito binigyan ng pagkakataon ni Liberty na magpaliwanag.

But hell, why am I making that woman my problem?

“Sorry to disappoint you, but no, I did not explain anything to Liberty, nor do I plan to, at least not yet.”

“Did she not give you the chance to explain yourself—”

“It’s not that,” antala sa kanya ni Léonce. “She asked but I didn’t tell her anything.”

Lalong nangunot ang noo ni Lex sa sinabi ni Léonce. “Why did you do that?”

Ngumiti lang si Léonce. “It’s no use. I’d rather let her think that I’m cheating than let her know that the money and the donations she gave me might go nowhere.”

Napanting ang tainga ni Lex sa narinig. Walang-pakundangan niyang hinablot ang kwelyo ni Léonce at sinuntok ito sa unang pagkakataon.

“For the first time, Léonce, I could tell that you’re your father’s son,” sabi niya sabay tapon rito sa sahig, kung saan mabilis itong nilapitan ni Katrina.

At tulad ni Liberty, walang-paalam rin na iniwan ni Lex sina Léonce at Katrina.

Nagkakilala si Léonce at Alexandros twenty years ago, sa mismong araw na ipagtapat sa kanila ng kanilang mga magulang na magpapakasal na ang mga ito. Noon ay limang taon pa lamang si Léonce, at si Alexandros naman ay walong taong gulang.

Tutol na tutol noon si Lex sa pagpapakasal muli ng ina niya ngunit kailanman, hindi niya kinamuhian si Léonce kahit na noong isumpa niya ang ama nito dahil sa ginawa nito sa kanyang ina. Not until today.

Pagkalabas niya ng apartment building, dinukot ni Lex ang invitation sa bulsa, pinunit at ibinasura.

image

PAGDATING ni Liberty sa mansion ay agad na napansin ng Auntie Francesca niya na may hindi tama sa mood niya. Sinundan siya nito hanggang sa kanyang silid.

Nang tanungin siya nito kung ano’ng nangyari ay agad naman siyang nagsalaysay.

Mahigpit siyang niyakap ni Francesca habang sinasabihan na “everything will be okay” kahit na wala naman siyang emosyon na ipinakikita. Ni isang butil ng luha ay wala siyang inilabas. But she was mad—so mad that she locked herself in her room, refusing to talk to anyone.

image

SA IKALIMANG araw na pagkukulong ni Liberty sa silid, nakadapa siya noon sa kama habang ang Auntie Francesca niya ay nakaupong nagbabasa ng libro sa silya ng study table niya, nang pabalandrang bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Iniluwa niyon ang isang galit na binata.

“Lex?” banggit ni Francesca at tulad ni Liberty ay nagulat nang bigla na lang siyang baklasin ni Lex at pilit pinatayo, at saka hinawakan sa braso at kinaladkad palabas.

“Wait Lex, what’s going on?” May pag-aalala sa mukhang tanong ni Francesca, sinusundan ang dalawa na tila hindi malaman ang gagawin, samantalang si Liberty ay walang pakialam na nagpapatianod lang.

Nilingon ng binata si Francesca matapos sulyapan si Liberty.

“Don’t worry. I know what I’m doing.”

Kumalma naman agad si Francesca at hinayaan ang binata na ilayo ang pamangkin sakay ng kotse nito.

image

FUNNILY ENOUGH, sa lawa dinala ni Lex si Liberty, sa mismong spot pa kung saan sila unang nagpicnic ni Léonce. Napasimangot siya dahil sa alaalang bumalik sa kanya, nanubig ang mga mata ngunit bago pa iyon pumatak, laking gulat na lang niya nang bigla siyang buhatin ni Lex at inihagis sa malamig na tubig ng lawa.

“What are you doing?” lumangoy siya at nanginginig na umahon. “I could get—” hindi na niya naituloy ang sasabihin nang batuhin siya ni Lex ng isang long sleeve pullover. Tumapal iyon sa buo niyang mukha.

“Go change.” dikta nito at sininghalan pa siya nang ipakita niya ang kawalan niya ng ganang sumunod. Tumungo siya sa likod ng kotse nito at mabilisang nagpalit ng damit at pumasok sa loob ng kotse.

Nang lingunin niya si Lex ay salubong ang mga kilay itong papalapit sa kotse. Binuksan nito ang pintuan at tahimik na naupo sa driver seat. Siya man ay walang sinabi. She was sad and mad, pero wala sa isipan niya ang makipag-usap rito.

Narinig niya ang marahas nitong pagbuntong-hininga. Pinaandar nito ang makina ng kotse at binuksan ang heater na agad nakatulong sa ginaw na kanyang nadarama.

Inayos niya ang pagkakaupo at hinintay niyang ito’y magsalita ngunit walang ni isang katagang lumabas sa labi ng binata. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtaas nito ng braso, at iniunan nito ang dalawang palad na sumandal sa upuan, nakatingin sa kawalan.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ang pananahimik na iyon ni Lex ang nagtulak sa kanya para humagulgol ng iyak at kusang magsalita.

“Why? Can’t Léonce simply explain what’s going on?” tanong niya sa pagitan ng pag-hikbi. “I was ready to listen to him. I won’t judge him, and I’ll believe in whatever he’d say!”

“Then, why wait for an explanation?”

Tumingin siya kay Lex. “Because I love him!”

Lex snorted. “Have a heart check, woman.”

Sumalpok ang mga kilay ni Liberty. “What do you mean?”

“Are you sure you love him or you just love the thought of being in love with him?”

Napadilat siyang napatingin kay Lex at napayuko sa kawalang maisagot, natigil rin sa pagpatak ang kanyang luha. The thought had never occurred to her, and the possibility of it left her heart feeling empty.