EVER SINCE he entered adolescence, Alexandros already promised himself that he’ll never pay attention to any woman who even remotely reminded him of his deceased mother, even if she were the last woman on the planet. And Liberty was that kind of woman, she’s like his maman’s replica, the type he loves but despises the most.
That’s why even if he treats her coldly, he couldn’t help but mind her. He always noticed her, listening to her cries, and worse, he can’t stand to let her be when she seems to be losing herself. Tulad na lang ng umagang iyon. Natagpuan na lang ni Lex ang sariling lumalapit na kay Liberty at hila na naman ito pasakay sa kotse.
“Where are you taking me this time?” tanong ni Liberty sa walang kabuhay-buhay na paraan.
“In the vineyard.”
“You’re going to make me work?”
Gustong matawa ni Lex sa sinabi ng dalaga pero pinigil niya ang sarili. Sinulyapan niya ito at napaisip. Liberty obviously had no manual labor experience but the idea was not bad, besides harvesting grapes wasn’t so hard. He was sure that she would quickly learn it.
“Yes, I thought of making you help out. Why? You don’t want to?” nangingiting tanong ni Lex.
“No, it’s okay,” tila wala namang pakialam na sagot ni Liberty. Si Lex ay bumuntong-hininga na lang at tahimik na nagmaneho, naisip na naman kung bakit ba gustong-gusto niya itong aliwin sa kabila ng katotohanang ayaw niyang mapalapit rito.
IN THE VINEYARD, maraming tao ang nag-aani. Of course, they could use machines, but the Perraults prided themselves on sticking to the traditional methods of winemaking, at sa kasalukuyan ay namamanghang pinagmamasdan ni Liberty si Lex. Ipinapaliwanag nito sa kanya kung papaano nila inaani manually ang mga ubas, pero ang atensyon niya ay wala sa sinasabi ng binata, kundi nasa mga kamay nito. He was so quick yet so casual and elegant; his movements were like art.
“Do you understand me?”
Noon siya napatingin sa mukha ni Lex. Tumango siya kahit na ang totoo ay wala sa mga sinabi nito ang pumasok sa kukote niya, maliban sa impormasyon tungkol sa mga ubas na tinawag nitong muscat, isang uri ng ubas na maaaring gamitin para sa wine making at raisins, or simply eating it fresh.
“Okay then, you can go ahead and start,” sabi ni Lex na muling bumalik sa pagkuha ng mga ubas at inilagay sa baldeng nakalaan para sa mga ito.
Sa katitingin ni Liberty kay Lex, nabigla na lang siya nang lumingon si Lex at biglang sumigaw. Napapiksi siya, napatingin sa kamay na itinuturo nito at nabigla rin nang makita na hawak-hawak niya ang buong sanga ng ubas.
“You broke the vine spur!” patuloy ni Lex.
“I-I’m so sorry!” sabi niya at tumakbo palayo bitbit ang sanga, ito naman ay inis na humabol sa kanya. It was a good thing na flat shoes ang gamit niya at hindi naka-lock ang kotse. Mabilis siyang pumasok sa sasakyan at ini-lock ang pintuan bago pa iyon mabuksan ng binata.
“Get out of there!” nabasa niya sa labi nitong utos ni Lex.
Umiling siya, tumingin sa halos mga itim na mga ubas sa sangang hawak, at sumubo ng isa. Lalong nanggalaiti ang binata habang ang ibang mga tauhan naman ay natatawa sa kasalukuyang nasasaksihan.
Mag-iisang linggo na mula nang hinagis siya ni Lex sa lawa at ibigay sa kanya ang katanungang siya man ay hindi malaman ang sagot. Pero imbes na bigyan iyon ng pansin, mas pinili niyang isantabi ang naisip. Isa pa, dahil sa parating naroon si Lex sa tuwing nawawala siya sa sarili, kahit papaano’y nadarama niyang unti-unti ay napupunan ng laman ang nabakante niyang puso at para bang nag-iba ang tingin niya sa mundong ginagalawan sa loob lamang ng kaunting panahon.
It’s all because of Léonce and thanks to him, I guess... isip niya at tumingin kay Lex na noon ay nanlalaki ang mga matang sinesenyasan na ibaba ang bintana ng kotse.
Muli ay tanging iling lamang ang naging sagot nya at dinilaan nya pa ito matapos na muling sumubo ng ubas.
Hmm... this is good.
Lumipas pa ang ilang minuto at nakaaliwan na niya ang patuloy na pagsubo ng ubas at nakalimutan na niyang lingunin si Lex. Medyo nakadama pa siya ng panghihinayang nang makitang wala na ito sa labas ng bintana.
Hawak pa rin ang sanga ng ubas ng ini-unlock ang kotse at binuksan ang pintuan. At ganoon na lang ang paghiyaw niya pagkababa nang dakipin siya ni Lex na nakatalungko lang pala sa lupa at naghihintay na siya ay lumabas.
Hinila siya nito palayo at itinulak pasara ang pinto ng kotse pagkatapos siyang idikit roon paharap rito. Ikinulong siya ng binata sa pamamagitan ng pagtukod nito ng dalawang kamay sa kotse, sa magkabilang gilid niya.
“Return all of it,” nananakot ang mukhang sabi sa kanya ni Lex.
Pa-cute naman niyang itinaas ang kamay na nakahawak sa sanga ng ubas. “Sorry, but I ate all of them. They were just so good.”
“Then pay everything another way, we don’t breed these grapes so you could eat for free.” sabi nito at nagtatagis ang bagang na hinawakan ang pisngi niya gamit ang kanang kamay. Tumili siya nang bahagyang piniga nito ang mga pisngi niya, subalit nang sumagi ang hinlalaki nito sa labi niya ay bigla siyang nakadama ng kakaibang sensasyon—parang electric sparks na mabilis na nanulay mula sa labi niya patungo sa puso niyang tila noon lang niya muling naramdamang tumibok. Bigla pang bumilis ang pagkabog nito nang mapansin niya ang biglang pagseryoso ng mukha ni Lex at unti-unting pagyuko.
Damang-dama na niya ang hininga nito sa balat niya nang pitikin siya ni Lex sa pagitan ng mga kilay. “Go and work for the rest of the day!” anito at muling tumuwid ng tayo.
Lihim siyang ngumiti nang maisip na buong akala niya ay hahalikan siya ng binata.
Who am I fooling? Of course, he won’t do that. Besides, he’s not... napatigil siya sa naisip at nagtaka nang madamang wala nang halaga sa kanya ang makahanap ng Prince Charming niya.
“You’re daydreaming again!” saway ni Lex, kinuha nito ang hawak niyang sanga at ginamit iyong mahinang pamalo sa ulo niya. “You’ll be working overtime,” dugtong nito habang nasa ulo pa rin niya ang sanga.
“Eh?” reklamo niya.
“For every complaint, additional one hour working time.”
“That’s unfair!” nagdadabog na sabi niya at sinundan ito palapit sa mga ubas kung saan nakangiti at tahimik silang inoobserbahan ng mga trabahador.
Nilingon siya ni Lex at tinaas ang dalawang daliri, “Plus two hours.”
“Slave driver!”
“Four hours!”
Sa pagkakataong iyon ay kikibot-kibot na lang ang mga lab na siy ay sumunod.
Hindi niya lubos na maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanyang damdamin pero nasisiguro niya, kung anuman iyon ay may pagmimithi niya iyong inaabangang madiskubre, sapagkat may pakiramdam siyang iyon ang bagay na muling lulubos sa kanyang kaligayahan.
SA TANANG buhay niya ay noon lang napagod nang ganoon si Liberty, subalit pakiramdam niya ay may malaking bagay siyang napagtagumpayan. A feeling of accomplishment.
“I didn’t know manual labor could be that much fun!” masiglang wika niya nang hapon na iyon matapos siyang sumakay sa kotse ni Lex. Tinupad nga talaga nito ang sinabi na pagtatrabahuhin siya nito ng overtime; sila pa nga ang pinakahuling umalis sa vineyard.
Pinaandar ni Lex ang kotse at sa unang pagkakataon ay ngumiti ito sa kanya. Biglang kumabog na naman ang dibdib niya, inalis ang tingin sa mukha ng binata at inihilig ang ulo sa headrest ng upuan. Pinatakbo naman ni Lex ang kotse at kahit na medyo malubak ang daan pauwi ay hindi iyon naging hadlang para siya ay makaidlip.
Nagising lang siya nang maramdaman niya ang pamilyar na sensasyon na minsan niyang naramdaman noong nakatulog siya sa hagdan.
Karga na naman ba ako ni Uncle Auguste? Isip niya at unti-unting iminulat ang mga mata, ngunit agad ring pumikit muli nang makitang hindi ang uncle niya ang kumakarga sa kanya. It was Lex, carrying her like a princess.
“Oh Lex, what happened to Liberty?” narinig niyang tanong ng Auntie niya.
“It’s nothin’, just exhausted. I might have made her work a little too much,” sagot ni Lex at medyo in-adjust ang pagkarga sa kanya. Nagsusumigaw naman ang kalooban niya at lihim na naihiling na sana ay hindi siya masyadong mabigat.
“Well, she has zero experience when it comes to physical work, so it’s no surprise she’s knocked out. Is she heavy?”
Shut up, Auntie! Lihim na sigaw ni Liberty na nahihirapan nang umakto na tulog pa rin.
“Yes, very heavy. Too heavy compared to her size if you ask me,” wika naman ni Lex na tinawanan ng Auntie niya, siya naman ay gustong umiyak sa narinig.
“Do you want me to accompany you to her room? I could open her bedroom door.”
“Sure. That would be helpful,” sagot naman ni Lex na muling nagsimulang humakbang.
“Carrying your sleeping princess again, Monsieur?” narinig niyang tanong ng nabosesan niyang si Laure habang paakyat na sila sa hagdan, subalit hindi na ito sinagot ni Lex.
Again? Ulit niya sa narinig. Si Lex ang bumuhat sa akin noon?
Narinig niya ang pagbukas ng pinto. “Okay just go down if you want to have your supper. We’re all done, so you’ll be by yourself again,” sabi ng Auntie niya.
“That’s okay,” balik naman ni Lex bago nagpaalam sa pag-alis ni Francesca.
Tumuloy si Lex sa pagpasok sa silid niya at nagulat siya nang magsalita ito.
“Tell me honestly, until when do you plan to make me carry you? Or do you want me to get you ready to bed too?”
Minulat ni Liberty ang mga mata at nakita ang blangkong mukha ni Lex. Nagmamadali siyang nagpatihulog mula sa braso nito at tumikhim na tumayo ng tuwid. “You knew that I was awake?” Nakadama ng labis na hiya niyang tanong at sapat nang kasagutan ang munting ngiti na sumilay sa sulok ng labi nito.
Natataranta siyang humakbang patungo sa pintuan. “Ah, all that working can surely make a person starve to death. Do you want to eat with me?”
Saglit siyang tinitigan lang ni Lex at sumagot nang hindi niya inaasahan. “Sure,” anito, sabay talikod palabas ng silid niya, tapos ay hinintay na maisara niya ang pintuan bago sumunod sa kanyang bumaba ng hagdan. At sa araw rin na iyon, tulad ng napakaraming “firsts” ay kumain siya na sila lamang dalawa ni Lex ang magkasama.
HABANG tahimik silang kumakain ay napuna ni Alexandros ang madalas na pagsulyap sa kanya ni Liberty na katapat niyang nakaupo sa dining table. And knowing her, may idea na siya kung ano ang nasa isip nito.
Marahas siyang bumuntong-hininga at nakitang nanigas ito sa kinauupuan at tila ba kung maaari lang ay tanungin siya nito kung maaari nang sumubo.
“You!” sita niya sa dalagang lalong natigagal.
“Yes?”
“What’s the matter with you? Why do you act like I’m some dangerous beast?”
Yumuko si Liberty. “Noon ‘yun, iba na ngayon, gusto lang kitang pagmasdan. At saka nakakanerbyos ka yatang kasama,” bubulong-bulong na sagot ni Liberty na siyang nagpataas sa kilay ni Lex.
“I don’t understand a shit of what you just said!” singhal na naman ni Lex na siyang alangang nagpalunok kay Liberty, nabilaukan ito at inubo. “Oh great, why are you such a klutz? You got to pay attention to how you eat!” sermon ni Lex habang mabilis na naghagilap ng inumin na maibibigay sa dalaga. Huli na nang mapansin niya na ang kopita ng red wine na nasa harapan niya ang kanyang pinaiinom sa namulang dalaga. Siya man ay kinabog ang dibdib nang lumapat ang labi nito sa kopitang ilang beses niyang ininuman. At sa mga oras na iyon alam nilang iisang bagay ang tumatakbo sa kanilang isipan.
Indirect kiss.
Mabilis na binawi ni Lex ang kopita pero agad iyong naagapang agawin ni Liberty at inubos ang laman tapos nakangiting dinilaan si Lex at inabot rito ang sariling kopita.
“Exchange cup,” humahagikhik na sabi ni Liberty.
Sumalpok ang kilay na tiningnan ni Lex ang kopita bago binalikan ang mukha ni Liberty. Matamis lang itong nakangiti at kukurap-kurap na parang walang nauunawaan.
Inagaw ni Lex ang sariling kopita at tinagayan muli ng wine. “You... aren’t you getting a little too cheeky?”
“Well, you asked me why I seemed afraid of you, well now... I’m just demonstrating that I’m not.”
Natahimik si Lex, hindi niya masabi kung mabuti ba ang bagay na iyon o masama.
Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila’y nakita niyang balik na naman sa parehong paraan nang pagsulyap sa kanya si Liberty.
“Okay, what now?” tanong niya, sabay nilapag ang hawak na kubyertos at diretso itong tiningnan.
Namula si Liberty, tapos ay halos pabulong na umusal. “Was I really… heavy?”
Nagsimula siya sa simpleng “haha” at hindi na napigilan ang sariling bumulalas si Lex ng tawa. “Really! Do you have to be so transparent?”
“What? You mean you can see through my body?” flustered na tanong ni Liberty na lalong kinatawa ni Lex, pinukpok pa niya ang mesa at natigil lang siya nang marinig niya ang mahinang pakikipagtawan ni Liberty.
“That’s great, I finally managed to make you laugh, too,” ani Liberty, na nagpaangat ng tingin ni Lex at natulala nang makita niya ang nakangiting mukha ni Liberty. Under the soft light and the moon-rays that slipped into the dining room, he saw the cutest smiling face he’d ever seen in the twenty-eight years of his life.
As if in a trance, tumayo si Lex sa kinauupuan at umikot sa kinaroroonan ng dalaga.
Tulad noong nasa ubasan sila, muntik nang maglapat ang mga labi ng dalawa at hindi pa sana natauhan si Lex kung hindi dahil sa biglang pagpapakita ni Sandra sa pintuan.
Mabilis na binitawan ni Lex ang mukha ni Liberty at dinampot ang isang bote ng red wine sa mesa at tumuwid ng pagkakatayo.
“Lex? What’s wrong?” tanong ni Liberty sa napaka-inosenteng mukha.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa bote. “Nothing,” sagot niya. “I’m done eating. I’ll retire for the night.”
Naglakad si Lex patungo sa pintuan at nilampasan si Sandra na matalim ang tingin na ipinupukol sa kanila ni Liberty.
Nakatapal sa noo ang palad na umakyat sa hagdanan si Lex.
Ilang linggo rin niyang pinaghirapang inisin si Liberty mula noong una pa para lang bumalik na ito sa Pilipinas, ngunit ngayong muli na itong ngumingiti ay tila nais naman niya itong manatili sa France at patuloy itong pangitiin sa tuwa.
Umiling si Lex at binasura ang nasa isip, one way or another ay kailangang idistansya niya ang damdamin kay Liberty dahil ayaw niyang sirain ang pangako niya noon pa man sa sarili: never fall for someone who reminds him of his naive mother. Never.