image

Chapter Eleven

MAHIRAP mang gumalaw at maglakad gamit ang saklay, Liberty still felt like she was on top of the world when she woke up. Ang tanging hiling niya sa kasalukuyan ay ang maging kasinligaya niya ang lahat ng mga tao.

Nangiti siya nang sumagi sa isip ang mukha ni Léonce at Katrina. “Right, pati sila sana’y maging masaya,” bukal sa loob na nasabi niya.

Tinapos niya ang pagbibihis ng simpleng damit pambahay. Sa hapon magsisimula ang party kaya mamaya na niya balak magsuot ng gown, sa ngayon ay magiging sagabal lang iyon sa kanyang paghakbang.

Napalingon siya sa pinto nang may kumatok. “Entrez! It’s open!” masiglang wika niya at nasorpresa nang makita si Sandra. May dala itong food tray.

Madame asked me to tell you to stay here until the party started,” lumapit ito sa kanya at hinila patungo sa harap niya ang bedside table. “Monsieur Lex told all of us this morning about the condition of your foot.”

Napatingin siya kay Sandra at hindi maiwasang magtanong. “Why do you look so sad every time you say Lex’s name?”

“It’s because I hate him!” sagot ni Sandra na taliwas sa kanyang inaasahan. At sa loob lang ng maikling pagkakataon ay nagawa nitong wasakin ang masaya niyang umaga.

Ipinagtapat sa kanya ni Sandra ang tungkol sa pagsunod nito kay Lex matapos nitong lumabas ng silid nang nagdaang gabi, at ikinuwento ang narinig na naging pakikipag-usap ni Lex kay Katrina, na lumabas na tumatayong sekretarya lamang ni Léonce.

Ayun na rin dito, hindi raw siya niloko ni Léonce o pinagkaperahan, sa halip ginamit daw ni Léonce ang mga malalaking donations na binigay niya para bilhin ang ownership mula sa dating may-ari ng animal shelter. Iyon daw ang dahilan kung bakit naroon sa Paris ang mga ito nang nagdaang arawthey were there to sign the final contract.

Nang una ay hindi daw ipinaalam sa kanila ni Léonce dahil inakala nitong nadaya ito at ninakawan, ngunit dahil sa tulong ni Katrina na may kapatid na abogado, nagawa nilang ayusin ang lahat. At kahapon, plano daw sana ni Léonce na sorpresahin siya tungkol dito.

“They weren’t cheating on you!” lumuluhang wika ni Sandra.

Magsasalita pa sana siya nang makita niyang tulalang nakatayo sa pintuan si Lex kung kaya dito niya ipinukol ang tanong.

“Is she telling the truth, Lex?” kalmado ang tinig na tanong niya na ikinayukot naman ng mukha ni Lex.

“That’s right! My stupid brother loves you so much that he even bought the animal shelter you both love! So why don’t you hurry up and reconcile with him!” ibinagsak ni Lex ang isang brown envelope sa sahig at nagmamadaling umalis.

“Lex, wait!” sigaw niya at nagmamadaling tumayo nang walang saklay, kung kaya nadapa siya. Mabilis naman siyang tinulungan ni Sandra at pinaupo pabalik sa kama. Nakangiti niya itong pinasalamatan at pinakiusapang sunduin nito si Léonce at padaluhin sa party. Hindi siya papayag na hindi matuloy ang pakikipag-usap niya kay Léonce at mas tamang sila ay magkakaharap nang personal.

image

NANG MAGSIMULA na ang party, halos lahat ng mga kadalagahan ay gustong makasayaw si Lex o Léonce. Subalit wala ni isa man sa dalawang binata ang sumayaw dahil ang natatanging dalaga na nais nila’y hindi maaring masyadong gumalaw, at parang walang pakialam lang itong kumakain ng cake sa isang sulok, at para mabakuran sa ibang kalalakihan, tumayo ang dalawang binata sa magkabilang gilid ng dalaga.

Napabuga ng hangin si Liberty. Kinaiinggitan man siya ng mga dalagang panauhin sa mansion, pakiramdam naman niya’y nakasalang siya sa mainit na apoy na namumula sa ningas na gawa ng dalawang binata.

Bakit ba inimbita ko pa si Léonce? nagsisising isip niya.

“Liv. Bakit napakakulimlim naman ng mukha mo?” tanong ni Francesca sa pamangkin na noon lang nag-angat ng mukha mula sa kinakaing cherry cake. “Hindi ka ba nag-e-enjoy?”

Medyo nakagat ni Liberty ang ibabang labi na sumulyap sa dalawang binata na akala mo ay military guards na tahimik na nakatayo at walang imikan sa tabi niya.

Napansin naman iyon ng kanyang tiyahin at nakangiting binalingan ang dalawang binata. “Léonce, thanks for attending this party.”

“It is my pleasure, Madame,” magiliw ang ngiting sagot ni Léonce na sinabayan nito ng munting yuko.

“You should also thank Liberty, Aunt Francesca. She’s the one who invited Léonce,” wika ni Lex na nakatingin sa kanyang nagpatuloy, “she probably missed her boyfriend after weeks of not seeing each other.”

“B-boyfriend?” nauutal namang ulit ng Auntie niya. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa dalawang binata patungo sa kanya. “Nagkabalikan na kayo ni Léonce?”

Hindi sinasagot ang tiyahin na dinampot ni Liberty ang saklay at galit na tumayo. Nauna niyang tinapunan ng matalim na tingin si Léonce na matamis ang pagkakangiting hindi itinanggi ang sinabi ni Lex, tapos ay hinarap niya si Lex.

“Idiot!” aniya at saka hirap na humakbang palayo.

Susundan sana siya ng dalawa pero narinig niya ang galit na pagpigil ng tiyahin sa mga ito. “Shame on both of you!” anito.

Sa kusina dumiretso si Liberty at doon nagmaktol.

“Hindi totoo ang sinabi ni Lex, Auntie,” sabi niya nang maramdaman ang paglapit nito sa tabi niya.

“I know,” simpleng tugon ng tiyahin niya at inalalayan siya paupo sa isa sa mga silyang naroon, pagkatapos ay patalungko na naupo sa harap niya. “Listen to me, Liv. Malalaki at malakas man ang pangangatawan nila pero pagdating sa pag-ibig remember this... men are brats!”

Bumulalas siya ng tawa sa sinabi ng tiyahin at ito ay niyakap. “Thanks, Auntie. Thank you for always being there for me.”

“Walang anuman, hija. But you know, I like Léonce—he’s gentle and polite, not to mention, kamukha niya ang hero sa librong sinulat mo.” Tumayo ang Auntie niya. “And I think he really loves you.”

“Yes, I believe he does,” nasabi na lang niya at nakadama ng lungkot sa bagay na plano niyang gawin.

image

KALANSING ng mahinang pagtama ng kutsarita sa wine cup ang tumawag sa atensyon ng halos lahat ng bisita sa mansion. “May we have all your attention?” tanong ni Auguste sa lahat ng panauhin. “My beloved wife and I have something we want to share,” ininat nito ang kamay sa direksyon ni Francesca na noon ay mamula-mula ang mukhang lumapit sa mister.

Pinaulanan ito ng tukso ng mga bisita, pati na rin nina Liberty at Léonce. Si Lex naman ay tahimik lang na nakasandal sa isang sulok at inaabala ang sarili sa pag-inom ng wine.

“This year I received the most special and beautiful gift for my birthday. And no, I don’t mean the key given to me for that wonderful American car outside,” sabi ni Auguste, na ikinatawa ng mga bisita. “In a few months from now, I’m gonna be a dad!”

Masigabong nagpalakpakan ang mga panauhin kasunod niyon ay ang sunod-sunod na pagbati sa mag-asawa.

“How about you, Liberty? Do you want kids too?”

Tumingala siya sa nakangiting si Léonce at ginantihan ito ng ngiti. “Yes, but I’m just not sure when,” aniya at alam niyang hindi nakaligtas kay Léonce nang may pangangarap niyang lingunin si Lex na noon ay nagkataong nakatingin din sa kanya.

Léonce inhaled deeply. “Ma chèrie, there is something I want to inform you, it is about the animal shelter—”

“You bought it for me, I know,” malungkot na ibinaba ni Liberty ang tingin. “Lex already told me everything,” aniya at pasimpleng sumulyap na naman kay Lex na noon ay walang pakialam sa mga babaeng nagpapapansin rito. Mula nang lumabas siya kasama ng Auntie niya sa kusina ay hindi na ito muling lumapit pa sa kanya habang si Léonce naman ay panay ang pag-alalay.

Bumuntong-hininga siya at pilit na iwinaglit ang mga nasa isipan, at least hanggang sa matapos ang party.

Alangan namang inilayo ni Léonce ang paningin at nagkunwaring walang napansin sa dalaga. Sa mga linggong hindi nila pagkikita ni Liberty, ramdam niya ang paglayo ng damdamin nito sa kanya at hangarin niyang muli iyong ibalik, somehow.

image

PAGKATAPOS ng party, nakatayo si Alexandros sa madilim na bahagi sa itaas ng hagdan nang marinig niya ang tinig ni Liberty. Tinatawag nito si Léonce na noon ay paalis na. Narinig niya ang kahilingan ng dalaga na makausap ng sarilinan si Léonce. At lihim niyang pinagmasdan ang mga ito habang naglalakad patungo sa direksyon ng sala.

“If I were you, I would not expect anything more.”

Nilingon ni Lex si Sandra, na noon ay kalalabas lang ng silid ni Liberty at may dalang lalabhang bed sheets.

“Léonce has a big advantage over you now. He has already proven how much he loves her. But you… nothing. They’re better together,” patuloy ni Sandra.

“I know,” balik ni Lex, at tinalikuran na ang babaeng blangko lang ang mukhang bumaba ng hagdan.

Si Lex naman ay pumasok sa sariling silid at muling binalikan ang naging paliwanag ni Katrina nang ito ay tanungin niya tungkol sa pagkakakita rito ni Liberty.

That day Liberty saw me. I simply used Léonce’s shower. We were up the whole night organizing the papers that we must process, so when we were almost done, I thought that a shower would keep me awake, because I had to drive home. It was as simple as that. Besides, it’s impossible for me and Léonce. We have no interest in each other. It might not be obvious, but I’m not into guys. If something happened that day, it might be the fact that I became attracted to Liberty,” Katrina let out a small throaty laugh. “I think I blushed.”

Marahas na napabuga ng hangin si Lex at nahiga sa kama. Naisip kung ano na kaya ang nangyayari sa pagitan ni Liberty at ng kapatid.

image

SA SALA ay hindi malaman ni Liberty kung saan magsisimula. Hindi mapakaling nilaro ang mga hikaw niya nang biglang tumikhim si Léonce at siya ng unang nagsalita.

“So, what is it that we have to talk about?” tanong ni Léonce na nanatiling nakatayo at kunwari ay abala sa katitingin sa mga larawan sa dingding bago naupo sa kaharap niyang couch.

“I’m sorry,” paunang sabi niya. “I want to let you know that this is all my fault. I didn’t listen to you and give you the benefit of the doubt when I saw Katrina in your apartment. And I—”

Tinaas ni Léonce ang kamay, “I know.”

“What?”

“Please, don’t make me spell it,” mapait na ngumiti si Léonce at tumayo. “But Liberty, I want to know. Did you ever love me?”

Napayuko siya sa tanong ni Léonce. Kung papipiliin siya between “yes or no” wala siyang mapipili dahil alin mang sagot ay magiging kasinungalingan.

Tumingin siya kay Léonce, “I honestly don’t know, but one thing I’m sure of, you were really my ideal man. I admired you from the very first moment our eyes met,” matapat niyang sagot.

Humakbang patungo sa kanya si Léonce at hinalikan siya sa pisngi. “I love you,” sambit nito bago tumayo nang tuwid, pinuno ng hangin ang dibdib at pinilit na ngumiti. “I should get going,” anito bago tumalikod at iniwan siyang tulad nito ay tahimik na umiyak.

Kalalabas lang ni Léonce nang magpakita naman si Sandra.

“Where is Léonce?” tanong nito matapos ilapag ang dalang dalawang tasa ng kape.

Nginitian niya ang dalaga. “He just left... Sandra, please… take care of him for me,” luhaan ang mga matang hiling niya sa dalagang agad na tumakbo palabas ng pinto bago pa man niya halos makumpleto ang pagsasalita.

image

KINABUKASAN matapos ang almusal ay si Lex naman ang sarilinang kinausap ni Liberty sa loob ng kanyang silid. Nakaupo siya sa kama at ito ay sa silya paharap sa kanya.

“I cleared everything between me and Léonce,” aniya na tuwid na nakatingin kay Lex. “I officially ended whatever it was between us.”

Saglit na nakipagtitigan sa kanya si Lex at tumayo patungo sa may bintana.

“Okay,” anito at humarap sa kanya. “So what now?” tanong nito na tulad niya ay mukhang hindi rin malaman kung ano ang dapat nilang susunod na hakbang.

Sila ang nagmamahalan, pero hindi niyon mababago ang katotohanang dahil doon ay may mga inosenteng tao silang nasaktan. Just looking at each other now hurts. At isang solusyon lamang ang naiisip ni Liberty. Kailangan nilang pansamantalang pakawalan ang isa’t-isa.

“I love you, Lex, but I think it would be best if we put some distance between us for a while.”

Parang dinurog ang puso niya nang basta na lang tumango si Lex ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita. “When my foot heals, I’m planning to fly back to the Philippines. By then, I hope that we would finally have an answer to what we really want to happen.”

Tumango lang muli si Lex at nagsalita lang para magpaalam na lumabas. Nang hapon ding iyon ay narinig niya mula sa tiyahin na nagpagpaalam ni Lex na pansamantalang aalis sa mansion.

Mula sa bintana ng kanyang silid ay pinanood niya ang papaalis nitong kotse hanggang sa hindi na niya ito matanaw pa.