MATULIN na lumipas ang mga araw at sa loob ng dalawang linggo ay halos hindi na lumalabas ng silid si Liberty, ginawa niya iyon para mabilis na gumaling ang paa.
Nag-iinat siya noon matapos isulat ang final chapter ng kanyang kuwento nang tumunog ang cellphone niyang nasa tabi ng kanyang laptop. Dinampot niya iyon at agad na sinagot nang makitang si Léonce ang tumatawag.
“Hello?” medyo maingat na bati niya.
“Liberty, how are you?” masiglang tanong sa kanya ni Léonce.
“Just fine. How about you?”
“Here, still brokenhearted,” silence fell but Léonce broke it with laughter. “Just joking. I am not trying to make you sad. I’m just sulking because you never called me again after the party.”
“Sorry,” aniya at muling natahimik, it felt awkward answering Léonce’s call again after all that happened.
“Do not worry. Okay? I am fine.”
“Why did you call?” tanong na lang niya at napakunot ang noo nang may marinig na tinig sa background. “Is that Lex?”
Tumawa si Léonce. At pinaliwanag na doon pansamantalang namamalagi si Lex sa apartment nito. Bagay na ikinatuwa niya dahil ibig sabihin ay nagkabati na ang mga ito.
“Yes, I called because I wanted to know if your foot is better because I was thinking of inviting you to the shelter. The workers want to celebrate, and they want to meet you.”
“Is that so... okay. I’ll be there. I’ll just ask Uncle first if it’s ok for him to drive m—”
“I will come and get you,” presenta ni Léonce, “that is, if it’s fine with you.”
Malungkot siyang ngumiti. Hinagilap niya ang saklay, tumayo at tumungo sa may bintana bago napilitang tanggapin ang imbitasyon nito. Kahit na hindi man sabihin ni Léonce, alam niya na medyo umaasa pa rin itong muling magbalik ang dati niyang pagtingin rito, subalit sa loob ng mga araw na mag-isa siya sa loob ng kanyang silid, naging malinaw sa kanya ang lahat—sadyang wala siyang pagmamahal kay Léonce, at ang tanging dahilan kung bakit napagtuunan niya ito ng pansin ay dahil sa kapapangarap niya na may makilalang lalaki na nasa mga kuwentong kanyang nababasa at mga isinusulat. He was a hero that she admired.
HAPON kinabukasan nang dumating si Léonce para sunduin siya. Dumalo sila sa party kung saan maalab siyang binati ng lahat. And Léonce was as gentle and admirable as ever; sa labis nitong pag-aasikaso sa kanya ay tinukso pa tuloy sila ng mga tao sa party, bagay na pareho nilang hindi pinatulan.
At simula noon ay muli na silang madalas na magkausap ni Léonce. Kahit ano’ng bagay tungkol sa shelter ay inire-report nito sa kanya.
Isinara ni Liberty ang librong binabasa at sinulyapan ang mga papeles na iniwan sa kanya ni Léonce nang nagdaang araw — nang ito ay muling bumisita. Mga dokumento raw iyon na kailangan niyang basahin at pirmahan. At siya na raw ang bahala sa kung alin sa mga proposals ang katanggap-tanggap.
Kinuha niya ang mga papel, ngunit nagsisimula pa lang siya sa pagbabasa ay agad na siyang nagsawa. Paingos na kinuha niya ang ballpen at pinirmahan na lang lahat ng lugar na nakalaan para sa kanya. May tiwala naman siya kay Léonce. Alam niyang wala itong ipe-presentang pipirmahan niya na maaring ikasama ng animal shelter.
Nasa parlor sila ng mansion kinabukasan nang iabot niya kay Léonce ang mga pinirmahan.
“Here you go,” wika niya sa halatang hindi makapaniwalang binata.
“You signed everything?” anito.
“Was I not supposed to?”
Pinandilatan siya ni Léonce. “You did not read the documents like I asked you to, did you?”
Alangan siyang napangiti at sapat na iyon para sermonan siya ng binata na tila nagbago yata ng ugali matapos ang break-up nila.
SA UNANG araw na nagawa ni Liberty ang tumayo nang walang saklay ay hila ni Léonce si Alexandros nang magpakita ang mga ito sa Perrault mansion. Subalit hanggang sa umalis ang mga ito ay si Léonce lang ang naging kausap ng dalaga. Ikinuwento ni Léonce ang kalagayan ng shelter, ang mga projects na balak nilang isagawa, at kung anu-ano pa. Samantalang si Lex ay inubos ang oras ng pagdalaw nito sa ibang silid ng mansion at tanging ang tiyuhin lang ang kinausap hanggang sa umalis ang mga ito.
“WHY DID you do that?” tanong ng nagmamanehong si Léonce kay Lex habang ang sinasakyan nilang kotse ay palabas sa gate ng mansion.
“Quoi?” tumingin sa labas ng bintanang tanong ni Lex.
“Do not play ignorant, Lex. We both know what I’m talking about.”
Bumuntong-hininga si Lex at nanatiling tahimik. Ganoon din naman ang ginawa ni Léonce. Wala silang naging imikan hanggang sa makapasok na sila sa apartment.
“Until when are you going to avoid her?” hindi na makatiis na tanong ni Léonce matapos maisara ang pinto. Tulad ni Lex ay isinabit din niya sa jacket hook ang suot na coat. Inilapag niya ang susi sa ibabaw ng hallway table at mabilis itong sinundan patungo sa sala, kung saan tila balewala na nakaupo si Lex sa sofa at panay ang pindot sa remote control ng TV.
Naiiling na lang na tumalikod si Léonce at tumungo sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang lata ng beer.
Si Lex ay nakapikit na ang mga matang nakahilata sa sofa.
Naupo si Léonce sa sahig at inilapag ang isang lata sa center table, saka inabot ang remote at pinatay ang TV. Binuksan niya ang beer at lumagok.
“If you don’t plan to go back to her, just say so because I will be more than happy to patiently woo her to love me again.”
Hindi pa rin nagsalita si Lex ngunit nangiti si Léonce nang makita ang paggalaw ng panga nito. Palatandaan ng pagtatagis ng mga bagang ni Lex.
SA IKALAWANG araw matapos gumaling ang paa ni Liberty, nakaupo siya sa isa sa mga upuan sa library hawak ang isang fantasy book, nang nag-angat ng ulo si Princess na noon ay tahimik na nagpapahinga sa kanyang paanan. Tumingala ito sa kanya.
“Hmm? What’s the matter?” tanong niya sa alagang tumayo at excited na ikinawag ang buntot.
Kasabay ng pagtunog ng doorbell ay tumakbo ito palabas ng silid at ginulat ang dalawang katulong na papasok.
“Princess, no running inside!” saway ni Laure na itinaas ang dalang food tray na naglalaman ng iba’t ibang maliliit na toast at tartines.
“Don’t scold her. The surrounding is more fun with her around,” nakangiti namang wika ni Sandra, na tinaasan ng kilay ni Laure.
Lumapit ang mga ito at naunang inilapag ni Sandra ang tea sa mesa. Samantalang tinitigan naman siya ni Laure. “Tell me I’m not the only one noticing it.”
“Noticing what?”
“You and Sandra’s changes extrême.”
Ikinibit ni Liberty ang balikat at sasagot sana nang marinig nila ang magalang na pagbati ni Celeste kay Léonce. Maya-maya pa ay magkasama na ang mga itong nagpakita sa bukana ng pintuan.
“I think it would be best if the two of you talk in the living room,” wika ni Celeste na sa kaniya nakatingin.
“Here is fine, Celeste,” nakangiting sagot ni Léonce.
“As he said,” wika na lang ni Liberty at muling ibinalik ang atensyon sa librong binabasa matapos sulyapan ang alaga niyang nakatayo sa paanan ng binata.
Nagpaalam si Celeste matapos sabihing padadalhan sila ng isa pang tea at snack set. Si Laure naman ay hinila na lang palabas si Sandra, na hindi yata namalayan ang sariling nakatitig kay Léonce, na halata namang walang napansin ang binata.
Nang sila na lang dalawa ang nasa silid ay natatawang inokupa ni Léonce ang upuan sa tabi niya. “The people in this mansion are truly different now.”
“How so?”
“Hm,” itinukod ni Léonce ang siko sa mesa at kunwa ay nag-iisip na hinawakan ang baba. “Like Celeste, she feels more kind.”
“Ah that, that’s just your imagination,” wika niya na mas piniling hindi banggitin na ganoon nga rin ang kanyang napansin mula nang mapag-alaman ng lahat na hindi siya niloko ni Léonce.
“What are you reading?” tanong ni Léonce sabay silip sa cover ng libro na isinara niya nang mapansin sa gilid ng paningin ang pag-aalangang pumasok ni Sandra.
Sininyasan niya itong tumuloy tapos ay inilapag sa palad ni Léonce ang libro para kusa nito iyong mabasa. “Too girly,” narinig nilang bulong nito at ibinalik sa kanya ang libro na muli naman niyang binuklat.
“Thank you,” wika ni Léonce nang ilapag ni Sandra sa harap nito ang tea. At kitang-kita niya ang tuwang gumuhit sa mukha ng huli.
“Sandra could you bring one more cup of tea?”
“Why? Is your tea already cold?” tanong sa kanya ni Sandra na akma sanang kukunin ang tea cup niya pero hinarang niya.
“No. Just bring another cup.”
Tumango si Sandra at tumalima. Nagtataka naman siyang tiningnan ni Léonce. “I didn’t know you like tea that much.” anito.
“No, I don’t.”
“Then why...”
“You’ll see,” aniya at lihim na napangiti.
PAGBALIK ni Sandra dala ang ikatlong tasa ay pinilit niya itong maupo kasama nila. “You need to rest sometimes,” sabi niya.
“But...”
“Don’t you think so, Léonce?” tanong niya sa binatang agad namang sumang-ayon sa kanya. Muli niya itong binalingan. “Sit. I’ll deal with Celeste later.”
“Okay...” atubili namang pagsang-ayon ni Sandra. Umikot ito sa kabila ng mesa at naupo sa katapat na silya ni Léonce.
Mabilisang inubos ni Liberty ang tea niyang iniinom habang siya ay nagbabasa at tumayo.
“Sorry, but I’ll leave the two of you now,” aniya at tumingin nang makahulugan kay Sandra. “I leave Léonce in your care.”
“S-sure,” halata sa mukha ang pagkanerbiyos na tugon ng katulong habang panay ang pag-ipit nito ng buhok sa likod ng tainga kahit na halos wala naman itong makapa dahil sa ikli ng buhok.
“And where are you going?” tanong Léonce na medyo ikinahulog ng balikat ni Sandra.
“To my room. I’ll be writing.”
“Don’t you ever get tired of it? If you’re not reading, you’re writing.”
Nginitian niya si Léonce. “Never have, never will.” Dahil ang mga ito lang ang maaaring makapagpalimot sa mga kalungkutang nadarama ko, dugtong pa niya sa loob-loob lang habang siya ay papalabas ng library.
SA LOOB ng silid ay binuksan niya ang kanyang laptop, at ilang sandali pa ay nawala na siya sa realidad at lubusan nang lumangoy sa pagpapantasya kasama ng mga panauhin ng kuwentong kanyang isinusulat. Naantala lang siya sa kanyang ginagawa nang makarinig ng katok sa kanyang silid.
Noon siya napatingin sa orasan at nakitang isang oras na pala siyang walang tigil sa kasusulat. “I’m coming,” aniya at tumayo para pagbuksan ang kumakatok na walang iba kundi si Léonce. Tulad ng madalas, kapag naroroon ito sa mansion, nakabuntot dito si Princess.
“Princess, do you wish to be given away?” tanong niya sa alagang tila nakakaunawang lumapit sa tabi niya at nagpa-puppy eyes siyang tiningala.
Natawa si Léonce. “It seems like your pet understands human language,” anito na nakatingin sa asong tumuloy sa loob ng silid at tahimik na dumapa sa ibaba ng kama.
“Of course, she does! I wouldn’t keep her if she weren’t smart,” nagmamalaki namang balik niya na lalong kinatawa ni Léonce.
“Oh, how I love you,” sabi nito mula sa kawalan habang buong pagmamahal na nakatingin sa kanya. Agad naman niyang iniiwas ang mata at mabilis na ibinalik ang paksa.
“I never got the chance to say it before. But, thank you for giving Princess to me.”
“What?” nasa mukha ang pagkalito tiningnan siya ni Léonce. “I didn’t her give to you. Lex was the one who bought her,” tumawa ito. “He even paid lot of money to the little girl who also wanted to adopt Princess.”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Bigla ay lalo niyang kinasabikang makita si Lex. All this time, she had no idea that Lex had always watched over her.
No, I should have known it, naiiyak na isip niya na napigil lamang nang muling masiglang nagsalita si Léonce.
“Ah, that reminds me,” inabot ni Léonce ang kamay niya at inilapag sa palad niya ang folder nitong dala-dala. “That is the shelter’s fundraising records. You will see there that our supporters are growing,” hinawakan ni Léonce and balikat niya at excited na nagpatuloy. “If this continues, we will be able to expand the shelter and be able to save and help more animals—”
Natigil sa pagsasalita si Léonce nang ilapat ni Liberty ang hintuturo sa labi nito. Malungkot siyang ngumiti at ibinalik sa kamay nito ang mga papeles.
“Why are you giving it back? You still have some files that you need to read and sign in there.”
Umiling siya. “Léonce, I love reading, I love writing and I definitely adore animals. However, owning an animal shelter is not something I wish for. It’s your dream, not mine. So please allow me to withdraw my ownership.”
“Huh? But if you do that, the shelter will lose its owner,” nasa mukha ang panic at pag-aalalang wika ni Léonce na muli ay kanyang inilingan.
“I’ll give it to you,” aniya na ipinanlaki ng mata ni Léonce. “Don’t worry, I’ll speak with Auntie Francesca’s lawyer so that we could transfer the ownership of the shelter to you, legally.”
Malungkot na yumuko si Léonce sa hawak na mga papeles. “I didn’t get this,” malungkot ang tinig na tanong ni Léonce. “I am sorry,” agad naman nitong pahabol.
“I know,” ani Liberty at lihim na lang na humingi ng paumanhin kay Léonce dahil alam niyang sa mga sinabi ay kinuha niyang lahat ang anumang kaunting pag-asa nito na sila ay muling magkabalikan. Subalit wala na siyang magagawa dahil nang araw na iyon ay lalo niyang napatunayan kung gaano kahalaga para sa kanya si Lex.
SA IKAAPAT na araw ng kanyang paggaling ay nagpa-reserve si Liberty ng upuan sa eroplano pabalik sa Pilipinas. Nang araw ring iyon ay sabik niyang tinawagan si Lex at pinaalam kung kailan siya aalis.
“I see. Bon voyage,” parang kutsilyo ang mga kataga na binitawan ng binata.
“Yeah, thanks,” aniya at mahigpit na napahawak sa cellphone. “So, is this your answer?”
“Answer to what?” anito matapos ang saglit na pananahimik.
Lumunok siya at maikling ipinaliwanag sa binata ang tungkol sa binanggit niya noong temporary break-up, upang kanilang malaman kung ano nga ba ang nais nilang mangyari sa kanilang relasyon.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Liberty, I never said that I wanted it. I only agreed because you already made up your mind when you talked to me. You’re the one who wanted to break up with me. You’re the one who wanted this… this space. So now I’m giving it to you.”
Liberty sucked her lips and nodded. Pilit pinasigla ang tinig na nagpaalam sa binata. Nang mga oras na ‘yun ay nakahanda sana siyang manatili sa France kung hiniling iyon ni Lex.
Subalit siguro ay sadyang magkaiba ang nabuo nilang pasya, magkaiba ang opinion nila noon pa man.
Dumapa siya sa kama ng silid at malayang hinayaan na pumatak ang luha habang inaalala ang masasayang araw at oras na pinagsaluhan nila ng binata mula noong unang araw silang nagkakilala.