image

Epilogue

One week later...

 

 

 

 

“NOW, AUNTIE, kahit na buntis ka na sana ay hindi mo makalimutan na tawagan ako,” wika ni Liberty sa tiyahin na medyo halata na ang pagbubuntis.

“Oo naman,” sagot ng Auntie niya at minsan pa ay niyakap siya.

Nasa airport sila noon kasama ang halos lahat ng kanilang kasambahay: sina Laure, Sandra, Celeste, at pati si Léonce ay naroroon para mag-goodbye sa kanya pero ang natatanging tao na pinakagusto niyang makita ay wala. Gayunpaman ay hindi na rin niya inaasahan pang magpakita si Lex dahil nasabi na sa kanya ng Uncle Auguste niya na nagpaalam na raw itong magbabakasyon nang ilang buwan sa Bonifacio. At ayun naman kay Léonce ay maaga pa raw itong umalis kaninang umaga. Halatang ayaw talaga siya nitong makita kahit sa huling sandali.

“At si Princess paki-alagaan po, I promise babalikan ko siya.”

“Yes, yes, kami na ang bahala,” wika ni Auntie niya at pinagtulakan na siyang umalis nang manawagan sa speaker na magbo-board ang mga pasahero ng flight niya.

Hinila na niya ang de-gulong na luggage bag, minsan pa ay lumingon siya at kumaway bago lubusang pumasok sa check-point.

image

SA LOOB ng eroplano ay maingat na nilampasan ni Liberty ang lalaking nakaupo sa gitna ng tatlong nakahilerang upuan. Nakatakip ang knitted pullover nito sa mukha at medyo nakahiga. Naisip niya na siguro ay natutulog ito kung kaya maingat siyang gumalaw at maingat na naupo sa window seat niya.

Tumikhim ang lalaking katabi niya, inayos ang takip sa mukha. Lalo nito iyong itinabon sa buong ulo at tumagilid paharap sa kanya.

Nang mag-take-off na ang eroplano at matapos silang i-welcome onboard ng plane captain, saka siya unti-unting naistorbo ng katabing lalaki.

Panay ang kasasampay nito ng kamay sa upuan niya, tuloy tila gusto na niyang isipin na sinasadya nito iyon.

“Excuse me...” tawag niya sa lalaking umungol lang at ipinasok sa bulsa ang kamay.

“Vacation?” tanong nito, nasa pagitan ng pullover ang labi kaya hindi niya masabi kung iyon ba ang tunay nitong tinig. Ganoon pa man ay maayos niya itong sinagot.

“No, I’m on the way back.”

“You don’t want to be in France anymore?”

“No, I love France. I’ll just go home to heal my broken heart,” aniya na hindi maunawaan kung bakit siya nagku-confess ng damdamin sa lalaking ni hindi niya nakikita ang mukha.

“So, would you marry me instead?”

Sumalpok ang kilay niya, nakadama ng inis at insulto. “Look, I don’t know who you think you are, but—” natigil ang pagsasalita niya nang ilabas ng lalaki ang kamay at ipakita sa kanya ang isang kaha na naglalaman ng isang magandang diamond ring.

Tumuwid ng upo ang lalaki, inalis ang pullover sa mukha at muling nagsalita, “Will you marry me, Liberty?”

Noon siya tumingala sa lalaki at agad na naluha. In front of her was a man with dirty blond hair, with a pair of sharp hazel-green eyes that she missed so much.

“Lex?”

Ngumiti lang ito sa kanya at dinampian siya ng halik.

“What are you doing here?” naguguluhan niyang tanong.

“Going back with you,” maikling sagot ni Lex at kinuha ang singsing mula sa kahon.

“But I thought you’re on your way to Bonifacio?”

“Oh, that was just a made-up story because I wanted to surprise you,” anito na kinuha na ang kamay niya at isinuksok sa daliri niya ang singsing.

“You mean to say that everyone knows that I’ll be here with you?” hindi makapaniwala niyang tanong na sinagot naman ni Lex ng ngiti.

“It was Aunt Francesca who booked my plane ticket and made sure that my seat was right beside yours.”

“This is unbelievable! Do you know how depressed I was because you did not give any sign of stopping me from leaving? Huh? Did you know!” aniya at naluluhang binayo ang dibdib ng binatang yumakap sa kanya at hinalikan ang bunbunan ng ulo niya.

“I know, I know. And I’m sorry. But, I purposely didn’t stop you as I want to go back with you.”

Tumingala siya sa binata. “Why?”

“I want to formally ask your father for your hand in marriage,” yumuko si Lex at hinalikan ang labi niya. “But before we reach the Philippines, answer me first. Will you marry me?”

“You already inserted the ring on my finger and you still have the nerve to ask?”

“Yes, but it’s still different from hearing you agree.”

Sinulyapan niya ang kamay at magiliw na tiningnan ang kumislap na singsing. “Of course. Of course, I will marry you,” aniya at naiiyak na yumakap sa binata. Sa likod nito ay maluha-luha rin ang isang babaeng nakatingin sa kanila at ngumiti nang magkatagpo ang kanilang mga paningin.

Hahalikan sana siyang muli ng nobyo nang bigla siyang napasinghap. May naalala.

“Lex, how could I marry you? You haven’t even said you love me yet.”

“I haven’t?”

Umiling siya.

“Really? In that case,” ikinulong nito sa dalawang palad ang pisngi niya at malambing na binanggit ang katagang “je t’aime,” na ang kahulugan ay ‘mahal kita’ sa wikang Pranses. Saka muli siya nitong hinalikan.

image

BACK AT THE AIRPORT, napatingala si Sandra sa malayo ng eroplano kung saan lulan sina Lex at Liberty. “Are you sure it’s okay for you to let her go just like that?” tanong niya kay Léonce na kasabay sa airport.

Tumingala rin si Léonce na may kakaibang kaluwagang nadarama sa dibdib. Tumingin siya kay Sandra. “Yes, I’m sure, because you’re here,” saglit siyang tinitigan ni Sandra na tila may hindi mapaniwalaan. Ngumiti siya at iniangat ang susing hawak. “Want me to drive you back?”

Noon napangiti si Sandra. “Sure,” magalak niyang sagot.

Hindi man niya lubos na pag-aari ang puso ni Léonce sa ngayon, balang araw ay sisiguruhin niyang mabubura ang anumang palatandaan na minsan ay naging pag-aari iyon ng iba.

I’ll make you see that, Liberty. Saloob-loob niya at minsan pang tiningala ang langit bago pumasok sa kotse ni Léonce.

 

 

 

 

The End

 

image